Chapter 27

1.7K 41 1
                                    

Lory pov!

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo. Iminulat ko ang mga mata ko ng dahan.dahan at ipinikit ulit. Ang sakit talaga ng ulo ko. Umupo ako sa kama ko at napasapo sa noo ko dahil mas lalong sumakit ang ulo ko.

Ibinaba ko ang paa ko sa sahig pero bakit hindi malamig? Tiningnan ko ito.

"Kailan pa nagkaroon ng carpet ang sahig ng kwarto ko?" baka pinalagyan kanina nila daddy.

Itinapon ko ulit ang sarili ko sa kama habang nakadilat.

"Teka bakit pati ilaw iba? Impossible naman na pati ilaw pinapalitan nila." inilinga ko ang paningin sa paligid. "Kaninong kwarto to?" Mahahalata sa mga kulay ng kagamitan na lalaki ang nakatira dito. Mula sa curtain, pintura ng kwarto at bed sheet lahat ng kulay ay hindi matingkad pero napakalinis ng kwarto at napakaayos ng lahat ng gamit. Nakiramdam ako sa paligid. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig ng shower mula sa banyo. Ibig sabihin naliligo ang lalaking yun na nagdala sakin dito.

"Hindi ito maaari. Wala ako sa sarili kong kwarto? Nasaan ako? Sino siya?"

Nahagilap ko ang pamilyar na gamit na nasa side table ng kama. Bag ko at yung suot ko kagabi. Napatingin ako sa suot ko na maluwag na printed white t.shirt na naaamoy ko ang pabangong panlalaki at boxer. Ibig sabihin binihisan niya ako? Pinagsamantalahan niya rin ba ako? Mapapatay ko siya! Pero teka lang wala namang akong nararamdaman na masakit sa katawan ko.

"Paano ba kasi ako napunta dito? Bwisit! Wala akong maalala! Kailangan ko ng makaalis."

Parang nawala bigla ang sakit ng ulo ko at awtomatiko akong napatayo at nagpalit ng damit. Kung sino man ang may ari ng kwarto na ito kailangan ko ng makaalis ng hindi niya nalalaman.

Pinatay niya na ang shower at ibig sabihin nun tapos na siyang maligo.

Binitbit ko na ang bag ko dahan.dahang naglakad palabas ng kwarto niya. Paglabas ko ng kwarto tumambad sakin ang napakalinis ding sala na may malaking flat screen t.v at iba pang gamit pero hindi ko na pinansin ang mga iyon. Kailangan ko ng makaalis dito. Halos takbuhin ko na ang pinto sa kagustuhan kong makaalis na dito pero bago pa man ako makahawak sa door knob may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran ko.

"Lory."

Biglang uminit ang pakiramdam ko pagkarinig ng boses niya.
Kilala ko ang boses na yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Sa kanya yun. Bakit siya pa ang nagdala sakin? Nakakahiya!

Napapikit na lang ako ng mariin at napakagat labi.

"Wait Lory."

Narinig ko ang mga yabag niya palapit sakin at amoy na amoy ko rin ang shower gel na gamit niya. Ayaw ko sanang lumingon pero parang may tumutulak sakin na lingunin siya kaya dahan.dahan akong lumingon at.... PUTIK! ANG DAMING PANDESAL! Nakatuwalya lang siya. Mabilis kong binilang ang pandesal niya ng hindi pahalata, anim pero may free pang isa sa bandang baba... Bwisit! Ang init ng pisngi ko kaya sinimangutan ko siya at tinalikuran sabay pihit ng pinto pero nabigla ako ng makita ko ang isang lalaki na aktong kakatok na sana sa pinto dahil nakataas ang isa nitong nakakuyom na kamay at halata rin ang pagkabigla sa mukha niya ng makita niya ako.

"Good Morning sir. Excuse me po." napayuko na lang ako at nilagpasan siya sabay takbo ng matulin.

"Lory wait!"

Tawag sakin ni Xander pero hindi ko na siya nilingon.

"Nakakahiya ka Lory! Bakit ba kasi sa dami ng tao na pwedeng makakita sakin dito siya pa? Umagang.umaga kamalasan kaagad! Nakakahiya ka talaga Lory!"

Hinanap ko ang phone ko sa bag ko para magpasundo sa driver namin pero nanlaki ang mga mata ko. Gulong.gulo ang buhok ko na parang sinabunutan ako ng unggoy.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon