Lory pov!Tumutunog na naman ang phone ko at ang bwisit na ito ang tumatawag na naman.
"Bakit po sir?"
"Where's the hell are you?"
Nasa impyerno kausap ang diablo.
"Nandito na po sa lobby."
"Wait me there."
"Kita mo talaga to pinatayan na naman ako ng tawag. Bwisit ka Alexander Buenidicto. Sana hindi ka na magising bukas na dem-...!"
"I'm right. You're praying for my death."
"Kanina ka pa sir dyan?"
"Yes and I heard everything. Let's go."
Sinuot niya ang sunglasses niya at iniwan ako.
**************
Binigay niya sakin ang isang bottle ng soft drinks pagkakuha niya ng isa na pinabili niya kanina bago niya ako dinala dito sa park. Wala talagang pagkagentleman sa katawan ang isang to.
Tiningnan ko siya saglit habang umiinom siya. Ano ba kasing pakulo ito? Pinapasok niya ako kanina para lang dalhin dito. Nang.iinsulto ba siya? Kahit saan kasing sulok ng park may mga nagyayakapan, nag.uusap at ang sweet tingnan ng mga couple at naiinis ako dahil iba ang kasama ko ngayon. Ang lalandi nila! Napanguso na lang ako at pinaikutan siya ng mata.
"Ano ba ang pag.uusapan natin sir? Paano mo nga pala nalaman yung tungkol kay Mike?" pagsisimula ko ng usapan para makabalik na kami sa office wala ata siyang balak na simulan ang usapan dahil inom lang siya ng inom.
"Hindi mo naalala yung nga pinaggagawa mo kagabi?"
Tanga pala ito eh. Magtatanong ba ako kung may naaalala ako.
"Wala akong maalala."
"Okay. Where do you want me to start?"
Magsimulan ka sa kung paano ginawa ang mundo, si Adan at Eva, ang mga hayop, halaman, araw, buwan, ang langit, lupa at impyerno kung saan ka nanggaling. Tingnan ko lang kung kaya mo at kung ilang araw bago mo matapos ang kwento mo.
"Ikaw po bahala sir."
Tinakipan niya muna ang bottle niya at humarap sakin. Napatingin ako sa baba niya at mukha niya. Bakit parang may gusto akong maalala pero hindi ko maalala.
"Pumunta tayo sa event kung saan nandun din si Mike and when he announced that the girl beside him was his girlfriend nagwalkout ka kaya sinundan kita papuntang bar tinawagan mo rin si Blast."
"Naaalala ko na pero hindi ko na alam kung ano ang sumunod na pangyayari."
"Nagpakalasing ka lang naman. Nagwala sa stage pati na rin ang mga manunuod dahil hindi nila gusto ang boses mo."
Napaimagine ako sa sinabi niya na pinagbabato ako ng tao habang nasa taas ako ng entablado.
Hindi totoo yun. Alam ko na maganda ang boses ko. Bakit ba kasi ako nagpapaniwala sa isang to eh napakasama niya kaya sakin pero dahil nagbablockmail siya magpapakabait ako. Mahirap na baka malaman ni dad at ituloy ang kaso laban kay Mike.
"Ganon ba? Wala akong maalala."
"Sa susunod kasi huwag magpakalasing kung hindi kaya. Kung hindi lang namin kakilala ang manager ng bar baka kinuyog ka na kagabi buti na lang dinala ka ni Jake sa table namin."
"Nandun din sila?"
"Oo at nakita din nila kung paano ka nagwala kagabi. Alam mo ba na pinagmumura mo ako kagabi at wala pang gumagawa sakin noon kaya you will owe me for that. You kept on blaming me last night dahil sinama kita."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...