Lory pov!
Nabigla ako ng pagbukas ko ng email ko ang daming messages ang dumating galing lahat kay Trisha. Inopen ko ang isa na pinakaupdated massage niya. Kaninang hapon lang ito hindi ko alam kung gugustuhin ko pang buksan ang iba pang messages pagkabasa ko ng isa.
"You whore! Ang kati mo din ano? Ang lakas ng loob mong magpakita kagabi anong napala mo? Masakit ba na marinig mo mula sa pinakamamahal mong ex-boyfriend mo na may mahal na siyang iba? Ang taas din naman kasi ng tingin mo sa sarili mo. Anong akala mo mapapasayo si Mike? Itigil mo na ang kahibangan mo dahil akin na siya ngayon at hinding.hindi ko na siya pakakawalan!"
Pakiramdam ko kumulo ang dugo ko sa mga nabasa ko. Bakit ba ako nito pinadalhan ng message eh hindi ko naman siya pinapansin. Nasa kanya na si Mike ano pa ba ang kailangan niya sakin? Porke't ba siya na ang bagong pinagbibigyan ng pansin ni Mike? Hindi ako naniniwala na hindi na ako mahal ni Mike. Kailangan ko lang siyang makausap at babalik na ang lahat sa dati pero ang sakit pa rin sa pakiramdam.
Iniscroll down ko ang mga messages niya at binuksan ko ang pinakauna niyang mensahe 10:12 kagabi.
"Hey you flirt bitch! Ang saya ko ngayon, alam mo ba kung bakit? Finally, inamin na ni Mike ang relasyon namin sa public na matagal na naming tinatago pati na rin sayo. Yes, you've read it right. Bago ka pa man niya hiwalayan matagal na kaming may relasyon ni Mike bago pa man siya umuwi dito sa Pilipinas. Ang tanga mo rin kasi eh kasi naniwala ka sa pangbobola niya. Ano natauhan ka na ba na sa mismong harapan na sinabi ni Mike na ako ang mahal niya? Masakit ba? Tanggapin mo na lang kasi na ginamit ka lang ni Mike na pangpalipas oras. Akala mo kasi kung sino ka na eh isa ka lang naman na hamak na bobo at tanga. Minsan kasi subukan mong ibaba ang tingin mo sa sarili mo. Ano ba ang tingin mo sa sarili mo para magustuhan ng isang napakasikat na artista? Kung ako sayo hinding.hindi na ako lalabas ng bahay dahil nakakahiya ka at ginawa mo pa talagang rebound si Mr.Buenidicto. You're so pathetic Lory. I pity you. Huwag kang masyadong magdidikit sa kanya baka umasa ka na naman na magugustuhan ka niya na kahit kailan ay hindi mangyayari kahit sa panaginip mo!"
Naramdaman ko na lang na unti.unti ng nababasa ang pisngi ko. Kahit harap.harapan na sakin na ipinamukha ni Mike na wala na ako para sa kanya at kung gaano na ako kawalang halaga sa kanya at ang mga pinagsamahan namin ng mahabang taon nanininiwala pa rin ako na magiging okay ang lahat.
"Bwisit naman na luha to napakababaw! Tama naman si Trisha na isa akong tanga! Hindi ako maaaring sumuko."
Pinunas ko muna ang mga luha ko na may panibago na namang kasunod at binuksan ko ang inbox ko kay Mike kahit nanlalabo na ang mga mata ko. Nagdadalawang.isip ako kung dapat ko bang gawin ito o hindi pero parang may sariling utak ang mga daliri ko at sinimulan na nitong magtype.
"Mike can we talk tomorrow? Promise huli na ito pangako hindi na kita kukulitin pa kahit kailan pagbigyan mo lang ako." isinend ko na ito kay Mike at naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala pa rin siyang reply hanggang sa umabot ng isang oras, dalawang oras hanggang sa......
**************
Naalimpungatan ako ng tumunog ang alarm ko na nasa side table pero imbes na maligo at mag.ayos inuna kong icharge ang laptop ko dahil battery drain na. Nakatulugan ko nga pala ito kagabi na nakabukas.
Inion ko ito at dumiretso agad ako sa gmail account ko at nagbabakasakali na nagreply na siya hindi naman ako nabigo. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa sobrang saya na naramdaman ko dahil sa reply niya pero sakit naman ang pumalit ng buksan ko na.
"Siguraduhin mong last message na itong matatanggap ko mula sayo kasi sa totoo lang naririndi na ako sayo. Masyado ka ng papansin. Bukas 7 pm. Tuparin mo ang pangako mo."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...