15 - One down...

896 26 0
                                    

CHAPTER 15 – One down…

Cassadee’s POV:

Nakatago kami ngayon nina Knight at Zico sa likod ng malaking puno. Kung saan-saan na namin hinanap sina KD at Ryanne pero hindi talaga naming sila makita. At kung minamalas ka pa, nakangising pagala-gala sa school ground si Dacey habang bitbit pa rin ang pinakamamahal niyang chainsaw. Like what the hell, right?

Tinapik ni Knight ang balikat ko at itinuro ang isang daan papunta sa kabilang building. Ang huling lugar na naisipan namin pwedeng pagtaguan nung dalawa.

Dali-dali kaming naglakad papunta sa kabilang building hanggang sa makarinig kami ng parang umiiyak. Hinanap namin kung saan nanggaling yun at nakita namin si KD na nakaupo sa isang tabi at umiiyak. Nakasandal lang siya sa pader habang tinatakpan ang mukha niya. Lumapit kami nina Knight at Zico sa kanya at bigla na lang lumakas ang pag-iyak niya.

Nasaan na kaya yung girlfriend niya?

May nangyari kayang masama sa kanila?

“A-ang tanga-tanga ko. H-hindi ko man lang naprotektahan si R-ryanne. K-kinuha nila si R-ryanne.” Bulong niya habang patuloy sa pag-iyak.

 “Sino ang kumuha sa kanya?”

Bigla kaming nakarinig ang ingay kaya sinenyasan ko kaagad silang sumunod sa akin. Nakita namin si Dacey na nakatayo malapit sa kinaroroonan namin kanina. Damn! Paano na kami makakaalis dito ngayon? Hindi man lang ba siya napapagod sa kakatayo na parang estatwa? Bwiset.

“Ano na ang gagawin natin ngayon?” Tanong ni Knight kay Zico. Nagkibit balikat lang kami ni Zico dahil maging kami hindi na alam kung anong dapat naming gawin. Sinabihan kami ni Zico na manatili lang muna dito sa pinagtataguan namin ngayon. Kumuha siya ng malaking bato at umikot sa likuran ni Dacey.

Nang makarating siya sa likod nito, bigla niyang inihampas ang malaking bato sa ulo nito hanggang sa magdugo at tumumba na sa sahig.

Lumapit kami nina KD sa kanila at nakita ko ang duguang mukha ni Dacey. Wala na siyang buhay. Ibinato na lang sa malayo ni Zico ang bato at napasandal sa puno.

“What now? Feeling guilty, eh?” Tanong ko at tumango lang siya. 

Nakatayo lang kami doon hanggang sa makarinig kami ng kalabog sa pinto doon sa building. Nagtago naman kami kaagad nang makarinig kami ng mga yabag na papunta sa lugar na yun. Papalapit ng papalapit ang mga yabag at parang may hila-hila itong kung ano.  

Ano kaya yun?

Nakita namin si Max na may hawak hawak na itak habang papalapit sa nakahandusay na katawan ni Dacey. Napailing na lang siya at binitawan ang hawak niyang itak habang papaupo sa tabi ng kaibigan niya. Tinitignan lang namin siya habang hawak hawak ang mga pisngi ni Dacey at laking gulat namin nang bigla niya itong hinalikan sa labi.

Walang kaemo-emosyon ang mukha ni Max. Hindi mo makikitaan ng kahit galit. Parang wala man lang nangyari. Bago pa man siya umalis, ipinikit niya ang mga mata ni Dada at kinuha na ulit ang itak niya at naglakad na papalayo.

 “What the hell was that? B-bakit niya hinalikan si Dacey?”

"Weird."

"Grabe, kinilabutan ako dun."

“Let’s go, guys! Kailangan na nating bumalik sa room natin.”

3rd person’s POV:

Nagkita kita ulit sila sa classroom nila makaraan ang isang oras. Masaya sila pero mas nangingibabaw ang pag-aalala nang makita nila si KD na hindi kasama ang girlfriend nitong si Ryanne. Nagpalitan lang ng tingin sina Chase at Amber at napakagat ng labi dahil hindi nila magawang sabihin ang sinapit ng kaibigan nila.

Huminga ng malalim si Amber at lumapit kay KD. Naupo siya sa harapan nito at hinawakan ang magkabilang pisngi para mapatingin ito sa kanya.

“S-sorry to say this but…” Napayuko si Amber habang sinasabi niya iyon kaya bumuntong hininga ito at tumingin ulit kay KD. “S-she’s dead. P-pinatay siya ni M-maxine. S-sorry.” Nanlaki lang ang mga mata ng mga kaibigan niya dahil sa sinabi samantalang nagsimula na namang tumulo ang mga luha ni KD matapos marinig na patay na ang girlfriend niya. Wala siyang ibang magawa kaya niyakap niya na lang ito at pilit na pinapakalma. 

Humiwalay ito sa pagkakayakap ni Amber at nagpupumilit na dalahin siya kay Ryanne. Nag-aalangan man sila nung una ay pumayag na rin sila. Dinala nila si KD sa lugar kung saan nila nakita ang patay na katawan ni Ryanne.

Napaluhod na lang si KD sa sinapit ng girlfriend niya. Hinawakan niya ang mga kamay nito at iyak lang ng iyak habang humihingi ng sorry. Magsimula na ring umiyak ang iba habang pinagmamasdan nila si KD.

“R-ryanne, b-baby. I-I’m so s-sorry. S-sorry dahil h-hindi man lang kita n-nagawang ipagtanggol sa kanila. K-katangahan ko ang lahat ng ito. K-kung sana hindi ako n-naduwag nun, h-hindi ka sana nila m-makukuha. M-magagawa pa sana natin l-lahat ng pangarap natin ng m-magkasama. M-mahal na mahal kita, R-ryanne.”

Napapikit na lang si Cassadee dahil hindi na ata niya kakayanin pang makakita pa ng isa pang patay. Nanatili muna sila dun bago sila bumalik sa classroom nila. Naupo lang sila sa isang tabi habang nag-iisip kung paano makakaalis sa impyernong kinalalagyan nila.

“P-pinatay ko ang isa sa kanila.” Bungad ni Zico nang makabalik sila sa classroom nila. Agad naman niyang nakuha ang atensyon ng lahat.

“Sino?”

“Si Dacey.”

“Paano?”

“Inikutan ko siya kanina at pinaghahampas ko ng malaking bato ang ulo niya hanggang sa bawian siya ng buhay.” 

Natahimik na lang sila matapos sabihin ni Zico ang balitang iyon. Alas dos na ng madaling araw at ramdam na ramdam nila ang pagod at antok pero pinipigilan nila ang mga sarili nila na makatulog.

"Bakit hindi nating tignan sa basement?" Tanong ni Chase habang kinukusot ang mata nito. 

Sumang-ayon sila sa suggestion ni Chase pero dumiretso muna sila sa cr para makapaglinis ng sarili nila. Naglakad na sila papunta sa basement ng wala man lang kaalam-alam kung anong naghihintay sa kanila dun.

--------------------------------------------------------------------------------

Bloodwood Academy  ©2013 All Rights Reserved

Bloodwood Academy: Behave Or DieWhere stories live. Discover now