(A/N)
ATTENTION!!
Sa mga magbabasa ng oneshot na ito, dapat po na basahin nyo muna ang naunang story ko. "One Call Away". Para po mas maunawaan nyo ang ibang bahagi sa story na ito.
"My Handsome V" is the second shot. Ang babaeng humaling na humaling kay Kim Taehyung aka V ng kpop group ng BTS.
Enjoy Reading.....
********
"Hoy!! Nakatulala ka na naman dyan!!."
Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko ng sumigaw si Ate Jurix malapit sa tenga ko. Pinagtawanan nya pa ako pagkatapos.
"Ate Jurix naman e."
Kinamot ko ang ulo ko dahil sa inis. Ang sarap-sarap ng panunuod ko sa pinakamamahal kong si V sa tv e.
"Yung trabaho mo po. Di mo ba nakikita kung gano na karami ang kostomer natin?.... Aba!! Hindi kita tinulungan na makapunta dito sa korea para lang mangarap dyan kay Taetae.... Naku!!!"
Kinutusan ako ni Ate matapos sabihin yun. Tinulak pa ako palapit sa isang lamesa kung nasaan ang isang kostomer.
"Hehe.." Pacute na ngiti ko sa lalaki. "May kailangan pa po ba kayo?" Niyakap ko ang tray na hawak-hawak ko.
"Saan ba ang restroom miss?"
Kainaman naman tong si kuya. Banyo lang pala ang hanap.
"Ay!! Dine po sa may gilid. Diretsuhin nyo lang po tapos kumanan kayo."
Pilit ang pagkakangiti ko sa kanya. Sabi din kasi ni ate Jurix ay dapat palaging nakalabas ang pangmais. Ang aking mapuputi at pantay na mga ngipin katulad ng sa aking pinakagwapong mahal na si V.
----
Ang pangalan ko ay Swettie Reyes. Ako nga pala ang pinakamaganda at cute na waitress ni ate Jurix sa coffee shop nya dito sa korea. Ang JC Cafe.
Wag nyo ng itanong kung bakit swettie ang name ko. Matamis kasi ako magmahal kaya ganun.
Magkaibigan na kami ni ate simula ata grade school. Di pa uso noon ang K to12. Kaya wag kayong ano dyan.
Dahil nga nagkaproblema ang pamilya ko sa pilipinas kaya humingi ako ng tulong kay ate jurix. At eto na nga, di ko akalain na gantong tulong ang ibibigay nya. Sobra pa sa sobra. Sya din ang nagayos ng papel ko para mapadali ang paglipad ko papunta dito.
Sobra akong nagpapasalamat kay Ate Jurix. Hindi man ako nakapagtapos ng kolehiyo nagawa ko pa ring makarating sa korea. Nagawa ko pa ring makasakay ng eroplano.
Pangarap kong makapunta dito sa korea dahil din sa isang dahilan. At ang dahilan na yun ay ang pinakamamahal at pinakagwapong lalaking bumihag sa nananahimik kong puso. Si Kim Taehyung aka V ng kpop group na BTS.
Nalove at first sight ako sa kanya ng makita ko sya sa isang post sa fb. Ang gwapo nyang mukha. Ang perfect nyang ngipin sabayan pa ng pagngiti nya na parang matutunaw ka na. Grabe. Para syang anghel na bumaba dito sa lupa. Natatameme ako sa tuwing pagmamasdan ko ang mukha nyang mala"greek god" sa pagkaperfect.
Di na ako makapagintay na magkrus ang landas namin. Excited much na ako.
---
"Hoy!! Yan ka na naman. Lumilipad na naman yang maliit mong utak."
Napanguso ako kay ate Jurix ng sabihin nya yun. Aba!! Masama bang isipin ang mahal mo? Di naman. Di ba?
"Okay. Listen everyone. Plano namin ni daddy na magtayo ng isang coffee shop na ipapangalan sa isang sikat na kpop group.... Any suggestion kung anong group ang gusto nyong unahin natin?"
BINABASA MO ANG
My Handsome V [BTS]
Short StorySecond shot of "One Call Away" Short story . Story of Kim Taehyung. Ako nga pala si Sweetie Reyes. Isa akong waitress sa isang coffee shop. 21 years old ako.Para maging malinaw sa inyo. Ako ay nagtatrabaho sa coffee shop ni Ate Jurix Ignacio. JC Caf...