CHAPTER 16 – The Stranger
Zico’s POV:
Maingat naming tinungo ang daan papunta sa basement. Napakadilim ng buong lugar at mabuti na lang ay may dala-dalang flashlight si Aldave. Iniabot niya sakin yung flashlight at pinangunahan sila sa paglalakad papasok. Tuluy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa may naaninag akong isang pinto.
“Hey, look! May pintuan oh. Ano kayang meron diyan?” Bulong ni Cassadee.
"Tignan kaya natin?" Sabi naman ni Zelo.
Nakatuon lahat ng tingin nila sa akin na para bang naghihintay sa kung anong magiging kilos ko. Tinignan ko sila na nagtataka. Ano nga bang gagawin ko? Nakita ko na lang si Chase na lumapit sa akin at itinulak ako papalapit sa pinto. Napakamot na lang ako ng ulo sa ginawa ni Chase at dahan-dahang tinungo ang kung anong meron sa pintong yun.
"Baka naman secret room yan?" Mahinang sabi ni Zelo at nagkibit-balikat na lang ako. Paano namin malalaman kung anong meron sa likod ng pintong yan kung hindi naman namin titignan, di ba?
Nauna ako papasok dun at nakita kong may mga nakasabit na mga maliliit na lampara sa pader kaya kinuha namin ito. Inilibot ko ang paningin ko at nakakita ako ng hagdan na paikot-ikot papunta sa pinakabasement.
At dahil ako nga ang nangunguna sa kanila, sumusunod lang sila sa akin. Isa-isa kaming bumaba doon hanggang sa makarating kami sa pinakababa. Mas maliwanag na dito dahil mas marami ang nakasabit na lampara.
Nilibot namin ang buong lugar at wala namang kakaiba dito bukod sa hindi kaaya-ayang amoy at sa isang speaker. Nagulat na lang kami nang bigla yun tumunog at narinig namin ang boses ni Venom at mga tawanan ng iba pa niyang kasamahan.
“Bravo! I really didn’t expect that you guys went this far. How impressive at nagawa niyo pang patumbahin si Dacey. You guys are really unbelievable! Very good!” Pumalakpak pa siya matapos niyang magsalita. "Anyways, sabi ko nga sa inyo, maglalaro tayo. Simple lang naman ang gagawin niyo para mabuhay, yun ay ang hulaan kung ano ang motto ng Bloodwood Academy."
Napamura na lang ako sa isipan ko. School motto?
"Wow for your stupid game!" Inis na sabi ni Cassadee.
"Hell with him and his motto. Tara na nga!"
Nagsimula na ulit kaming maglakad at sinunod ang daan dahil wala naman kaming ibang pupuntahan dito. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa mapahinto ako at nabitawan ang hawak-hawak kong flashlight.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Mga kabaong. Napakadaming kabaong.
Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko para makaalis na sa lugar na to dahil sa nakikita ko ngayon. Anong klaseng lugar to? Bakit may ganitong lugar dito sa Bloodwood Academy? Napakaraming tanong na naglalaro sa isipan ko at bigla kong naalala yung nakita namin ni Chase sa cafeteria. Mukang nasagot na ang tanong namin kung bakit natatakot ang ibang estudyante sa kanila.
Sila kaya yung mga dating estudyante ng Bloodwood Academy?
"Hey! May pinto dito." Sabi ni Amber habang nakaturo sa pintong nakita niya.
Tinapik ako ni Zelo dahil hindi pa rin maalis ang atensyon ko sa mga kabaong sa harapan ko. Humugot ako ng napakalalim na hininga at sumunod na sa kanila. Ewan ko pero bigla ko na lang naramdaman ang galit. Knowing them trying to kill us is bad enough, seeing those human parts make me sick at ngayong nalaman kong may nakatagong kababalaghan dito sa paaralan na to? Para na akong mababaliw.
Hindi ako pumapatay ng tao pero sa tingin ko, sa ganitong kalagayan namin, oo! Kung ang pagpatay sa kanila ang tanging paraan para makaalis kami sa impyernong kinaroroonan namin, gagawin ko. Hinding-hindi ako magdadalawang isip na gawin yun.
Zelo’s POV:
Pagkaraan namin sa pintong nakita ni Amber, nakarating kami sa isang bakanteng kwarto na may isang malaking cabinet sa gilid. Iba ang pakiramdam ko sa cabinet na yun, kaya naman dahan-dahan akong lumapit dun at nagitla ako nang makarinig ako ng ingay mula doon.
Lumapit sa akin sina Amber at Chase at unti-unting binuksan yun.
Napaatras kaming tatlo nang biglang bumungad sa amin ang isang malaking sakong itim. Nagkatinginan kami ng makita namin iyong gumalaw, na para bang pilit nitong kumakawala sa loob nun.
Dahan-dahan ko yun nilapitan habang nakaabang lang sina Chase sa kung anong mangyayari. Unti-unti ko itong binuksan at nanlaki ang mga mata namin nang bumungad sa akin ang isang babae.
"Ikaw..." Bulong ni Amber.
Nalipat ang tingin ng mga kasamahan namin nang marinig ang bulong ni Amber.
"I-ikaw yung babaeng nakita namin ni Z-zelo nung isang gabi..."
--------------------------------------------------------------------------------
Bloodwood Academy ©2013 All Rights Reserved

YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Misteri / ThrillerBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."