MYSTERYOSO

129 2 4
                                    

Nakasindo ang grupo ng NAVY na maggalugad sa gitna ng karagatan.Sa kasunduang ito higit 150 NAVY personel ang dumating sakay ang kanilang barkong pandigma.Ang paksa ng paglalakbay na ito ay upang malaman ang iba pang likas na yaman sa karagatan at e-test ang warship upang lumika pa ng iba pa.Sa kanilang paglalakbay marami sila nakita na iba't-ibang uri ng isda nalaman din nila gaano kalakas ang alon at bugso ng hangin.Ngunit noong makarating na sila sa bandan silangan ng karagatan biglang namatay ang radar at komunikasyon nito.Nagulat lahat ng personel sa command team ng barko.Tinanong ng kapitan kung ano pa ang nangyari sumagot ang lahat ng kasaman niya sa command team na hindi daw nila alam.Si Ryan at Clint ay kasma sa command team si Ryan ay isang weapon specialist at si Clint naman ay isang electrical engineer.

Clint: Sir!Wala naman po akong nakikita na problema sa kuryente ng barko.

Kapitan: Ganoon ba mukhang mayroong masamang nangyayari dito.Ryan,siguraduhin mo ang kaligtasan ng lahat ng nasa loob ng barko at ihanda ang ating mga sundalo.

Biglang may nakitang mysteryoso na barko si Ryan.Tinanong niya kaagad ang kanilang kapitan na pwede bang humingi ng permiso na puntahan ang barko ito.Agad na nagbaba ng dalawang speed boat ang barko sakay ang 30 nitong sundalo at si Ryan.Pag akyat nila sa barko nalaman nila na ang pangalan ng barko ay ACAPULCO VD.Na basi sa kasaysayan ay nawawala pa noon kasagsagan ng VIETNAM WAR.Nang pababa na sana si Ryan sa barko biglang naanod ang kanilang speed boat.Umakyat sila sa ibabaw ng barko at humingi ng saklolo ngunit walang nakapansin sa kanila.Humanap nalang sila ng ibang paraan upang makalabas ng barko.Sa kanilang paghahanap may narinig sila na kakaibang tunog pero hindi nila ito pinansin,biglang may nakita sila Ryan na karatulang may nakasulat na magsisi kayo.Pagkalipas lamang ng isang minuto may humila sa kanilang kasama sinundan ito nila Ryan at nakita nila ito sa silid na bihag ng tatlong nakatalikod na lalaki.Lumingon ang mga lalaki at nakita nila Ryan na sugatan pala ang mga ito.

Tatlong lalaki: Kami ang tripolante ng barkong ito.Sa pagpasok ninyo dito magsisi kayo(nakakatakot na pag sasalita).

Nawala bigla ang mga lalaki kaya nagulat ang kanilang grupo.May pumutok sa ibabaw ng barko kaya pinuntahan nila ito.Malapit na sana sila sa ibabaw nang maipit ang paa ng isa nilang kasama.Dali-dali itong tinulungan nila Ryan dahil may papalapit na sugatang mga tao.Si Karl na ang bahala sa naipit nilang kasama dahil siya ang medical doktor ng grupo.Sila Ryan naman ay abala sa pakikipag laban sa sugatang tao.Natalo na rin nila Ryan ang mga ito at natanggalin na rin sa pagkakaipit ang kanilang kasamahan.Nakarating sila loob ng command room at nakita nila ang mga sugatang tao na walang paa,ang iba wla kamay at ang iba naman ay walang ulo.Papuputakan na sana ito ni Ryan ng mag pakilala na siya si Kapitan Ernex at siya ang kapitan ng barkong ACAPULCO VD.

Kapitan Ernex: Humanga ako sa inyong pag tutulungan pinatunayan lang ninyo ang ating militay code na ano man ang mangyari walang iwanan.Hindi tulad noong nabubuhay pa kami may kasama kaming barko ang GIAKRIS ngunit iniwan kami nito sa gitna ng digmaan.

Ryan: Ganoon ba kapitan ang lungkot naman nang sinapit ninyo.Nagtutulungan kami kasi grupo kami hindi kami indibidwal.

Kapitan Ernex: Iyan ang dapat kaya nga walang nalagas sa inyo ni isa.Kaya palalabasin ko kayo ng barko ito.Humingi kayo ng tulong at may makakapansin na sa inyo dahil wla na itong ilusyon di tulad kanina.Ikinagagalak kitang makilala.

Ryan: Ikainagagalak rin namin.Salamat talaga kapitan.

Lumabas sila Ryan at humingi ng tulong na pansin ito ng kanilang barko at nagpadala ng rescue.Nang makabalik na sila sa kanilang barko sinalubong sila ng kanilang kasama kinamusta at tinanong kung ano ang nangyari.Hindo sumagot sila Ryan at humarap sa barkong ACAPULCO VD at sumaludo.Bumalik na rin ang radar at komunikasyon ng barko nag deklara nalang ang kanilang kapitan nasa susunod na araw nalang ipapatuloy ang kanilang paglalakbay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MYSTERYOSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon