Chapter XXIV
- Zenwel Ashfortz -
Point of View
ANG TAGAL namang matapos ng party na ito. Mas excited pa akong umuwi dahil magkikita kami ni Freya. Ano kaya ang naisip ng babaeng 'yun at sa bahay siya ngayong gabe? Na miss siguro ako. Hehehe ang gwapo ko talaga.
"Ang kasiyahang ito ay para sa pagbabalik sa aking nakababatang kapatid. Gusto kong ipakilala sa inyo si mr.William Ashfortz!!" Sabi ni tanda at umakyat sa stage ang long lost tito ko. Siya 'yung tinakwil ng pamilyang Ashfortz sa nakalimutan ko na ang kadahilanan. Wala akong pakialam, 'no! Dahil sa sinabing 'yun ni tanda nagkaroon ng kumusyon sa buong paligid. Mga bulong bulongan.
"I know, all of you know him as one of the prominent business man in the world named William Watson and probably I know all of you are confused on what I'm saying here right now." Speech pa ni tanda. Sobrang ingay na sa loob ng hall. "Ang kapatid kong si William Ashfortz at ang kilala niyong lahat na si William Watson ay iisa. He is my younger brother na alam ng lahat na patay na. Pero hindi, buhay ang kapatid ko at heto siya sa tabi ko ngayon." Inakbayan pa ni tanda 'yung kapatid niya kuno.
Dramahan na naman ba para sa reunion? Parang mga t@nga lang!! Itatakwil niyo tapos ngayon--ARGH!! Tagal naman matapos ng mga kalokohang ito.
"Dude, akalain mong tito natin siya? Cool!!" Bulong sa 'kin ni Nieder. Nasa stage rin kami sa bandang likod nga lang na parang t@ngang nakatayo. Exposure na naman. Mas maganda siguro ang party-ng ito kung ibabalita ko na asawa ko si Freya. Pero dahil sa Clinton na 'yan--Wait, speaking of Clinton ayan na po siya.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Malamang ay kilala niyo na ako. Hindi man kapanipaniwala pero totoo ang lahat ng narinig niyo." Sabi ng kapatid ni tanda.
Hindi na ako nakinig sa program dahil panay na ang check ko sa celfon ko kung may text o tawag bas a 'kin si Freya. Basta ang alam ko kinukwento nung kapatid ni tanda 'yung nangyari sa kaniya at ang naintindihan ko lang ay gusto ni tito William na magkaroon ng sarili niyang kumpanya sa sarili niyang pagsisikap. Ayaw niyang manahin lamang ang kumpanya nina lolo kaya nagalit sa kaniya ang mga magulang nila at tinakwil siya.
Hindi ko naiintindihan. 'Yan ba talaga ang nangyare? Pero ano naman 'yung sinasabi ni Clinton nun nung naabutan ko siya sa mansyon ni tanda? Ang gulo.
Pero kung ako ganun din ang gagawin ko. Mas gusto kong magtayo ng sarili kong kumpanya kaysa sa manahin ang kumpanya ni Tanda. Cool naman pala si tito William eh. At ngayon nga ay napatunayan niya na kaya ngang magtagumpay na wala ang tulong sa mga magulang niya. 'Yun nga lang, huli na ang lahat dahil wala na sina lolo.
"Gusto ko nga palang gamitin ang pagkakataong ito para ipakilala sa inyo ang aking mga anak. Una sa lahat, ang aking unicohijo, si Clinton Watson." Pagpapakilala ni tito kay Clinton. Umakyat naman ito sa stage. Bago 'yun hindi nakaligtas sa 'kin ang mapang-asar niyang ngiti. Mukhang may binabalak siyang hindi maganda.
'Yung mga tao naman sa loob ng hall ay nagbulungan na naman. Ikaw ba naman malaman mong magkakamag-anak ang mga sikat, ewan ko nalang kundi ka magulat. Ako hindi na nagulat, nalaman ko na ito noon pang nakaraang Linggo ng bumisita si Clinton sa bahay.
BINABASA MO ANG
Married To My SLAVE [✔]
General FictionI, Freya Alexis Gonzales, a janitress at Willford Academy MARRIED TO MY SLAVE, Zenwel Ashfortz who actually the brother of the owner of the WA. Isang Janitress na may Slave? At isang mayamang lalaki na naging SLAVE? Parang baliktad ata. Pero hindi...