Chapter XXIII
- Freya Alexis Gonzales-Ashfrotz -
Point of View
NANDITO na nga pala ako sa mansyon nina tito Will. Hinatid nga ako ni Zenwel pero hanggang dun lang sa may kanto. Bawal nga malaman na may asawa na ako 'di ba? So ayun nga.
Nagiguilty pa rin ako sa nangyare kahapon. Kita talaga ang depression kay Zenwel. Kanina nakangiti siya pero alam kong malungkot siya sa likod nun. Ano bang dapat kong gawin para mapagaan ang loob niya? Ayain ko kaya siya sa isang dinner date?
Maganda ngang ideya 'yun.
"Alexis, naayos ko na ang lahat ng papeles niyong magkapatid. Ang party nalang ang hinihintay para malaman ng lahat na kayo ay magiging anak ko na." Pahayag ni tito Will. Napatingin naman ako kay tito. Kasalukuyang nasa hapagkainan nga pala kami ngayon, sabay-sabay na nag-aalmusal.
"Ano pong ibig niyong sabihin na naayos na ang lahat?" Pagtatanong ko. Ano bang kailangang ayusin?
"It's mean you didn't need to work at the coffee shop where do you work at since binayaran na namin ang mga naging advances mo dun. Naayos na rin ang mga papeles para maging legal na anak kayo ni Dad." Nabitawan ko ang kubyertos na hawak ko sa sinabi ni Clinton.
"Ano?! Bakit niyo naman ginawa 'yun?!"
"Alexis, hija. Kung ang inaalala mo ay magkakaroon ka ng utang na loob sa 'min hindi na kailangan. Pamilya ka na namin. Kayo ni Nathalia. I just did that because I want you to focus for your modelling career and at the same time you can have more time in going back at school." Masuyong ani tito at nagpunas siya ng tissue sa bandang bibig niya. Tapos na siyang kumain.
"Eh?" Wala akong ibang nasabi sa gulat. Going back to school? Mag-aaral na ulit ako?
"Opo ate, mag-aaral ka na ulit!!" Tuwang-tuwang sigaw pa ni Kia pero natigilan ng maalala ang mga itinuro sa kaniya ni Clinton. "Yey--ay sorry." Napaayos bigla si Kia. "Nilipat na rin ako ng paaralan ni puppy sabi niya sa Willford Academy na ako mag-aaral kasama ka. Ang saya nga ate eh, marami pa naman akong kaibigan na dun nag-aaral." Masayang kwento ni Kia.
"Po? Bakit hindi niyo man lang ako sinabihan sa ganitong bagay?"
"I'm sorry hija, I thought you'll be glad if I do that. Ang gusto ko lang naman ay hindi ka na mahirapan pa at h'wag ng abalahin since your busy in doing something." Malungkot ang nagging tono ng boses ni tito.
"Naku tito! Hindi po 'yun ang ibig kong sabihin. Ang sa 'kin lang kasi.. ano eh. Ang bilis naman masyado ng mga pangyayare. At saka.. 'yung about sa maido café ..ano.."
BINABASA MO ANG
Married To My SLAVE [✔]
General FictionI, Freya Alexis Gonzales, a janitress at Willford Academy MARRIED TO MY SLAVE, Zenwel Ashfortz who actually the brother of the owner of the WA. Isang Janitress na may Slave? At isang mayamang lalaki na naging SLAVE? Parang baliktad ata. Pero hindi...