MTMS TWENTY SIX //:26
- Freya Alexis Gonzales-Ashfortz -
Point of View
"Freya, si Clinton 'to. Pwede ba akong pumasok?" Sabi ng boses sa labas kasama ng sunod sundo na katok. Pinunasan ko ang luha ko at naupo sa kama.
Nung isang gabi pa ako iyak ng iyak sa mga nalaman ko. Ikakasal si Zenwel sa iba? Ano lokohan lang? Kasal na kami tapos ikakasal na nama sya? H'wag nya sabihing makikipagdevorce sya sakin? Oh kaya naman nasa lahi nila Zenwel ang pwedeng mag-asawa ng marami? Naku!! Mapapatay ko sya.
"Pasok." Pagkasabi ko nya agad na bumukas ang pinto at niluwa nun si Clinton. Pangalawang araw ko ng nangkukulong sa kwarto. Ayoko lang na lumabas, nakakahiya, ang hina hina kong tignan ngayon. Hindi kasi ako makaget over dun about sa pagpapakasal ni Zenwel sa iba eh.
Ngayon ko lang napansin na may dala syang tray na may maraming pagkain. Yung totoo, bibitayin na kaya ako at ito na ang huli kong kain? Grabe ang dami nyang dalang pagkain eh. Pero sa kabilang banda, okay lang, atleast mamamatay na ako at matatapos na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Pinagdalhan kita ng brunch. Kahapon ka pa walang kain. Ang sabi ko lang naman magdiet ka pero hindi ko sinabing magpakamatay ka at h'wag kumain." Natawa naman ako sa sinabi nya. Naglagay sya ng maliit na mesa sa kama at dun ipinatong yung tray.
Nawala bigla yung namuong ngiti ko kanina ng maalala ko si Zenwel. Naalala ko lang kasi nung pinagluto ako ni Zenwel ng sopas na kulay green. Breakfast in bed yun. Iba nga lang ngayon kasi si Clinton ang may dala ng tray at hindi na umaga ngayon. Tanghali na at mukhang pagkain ang handa ni Clinton at hindi mukhang lason na katulad ng handa ni Zenwel.
"Please Freya, kumain ka na. Hindi makakabuti kung ipagpapatuloy mo ang ginagawa mo ngayon sayo. Nagtataka na si Dad sa mga nangyayare sayo. Maging si Kia nagiging matamlay ng dahil sa kinikilos mo, nag-aalala sya.. kami.. ako," Kinukonsensya ata ako nito eh.
"Grabe, sasabihin mo lang na kumain na ako ang dami mo pang sinabi. Ang daldal mo." Sabi ko naman sa kanya na syang kinatawa nya.
"Hahaha sige na. Kain na, gusto mo subuan pa kita?"
"H'wag na!" Agad kong kinuha yung kutsara't tinidor. Baka nga subuan nya ako eh. Mahirap na. Nagstart na nga akong kumain.
"Okay ka na ba ngayon Freya?" T@ngang tanong nya. Hindi ako sumagot kasi alam kong alam nya ang sagot sa sarili nyang tanong. Sino ang magiging maayos kapag nalaman mong ikakasal ang asawa mo? Psh!!
"Naalala mo nung una akong dumating nun sa ampunan?" Napahinto ako sa pagkain at inalala ang bagay na 'yun. Bffff~ hahahahahaha. Hindi ko na pigilan ang matawa.
BINABASA MO ANG
Married To My SLAVE [✔]
قصص عامةI, Freya Alexis Gonzales, a janitress at Willford Academy MARRIED TO MY SLAVE, Zenwel Ashfortz who actually the brother of the owner of the WA. Isang Janitress na may Slave? At isang mayamang lalaki na naging SLAVE? Parang baliktad ata. Pero hindi...