UnplannedHindi ko alam kung talagang sinadya ba o talagang nagkataon lang na ako ang nanalo. Duon sa throwing the bouquet ay aksidenteng ako pa ang nakasalo. Nasa pinakagilid kasi ako nang gawin nila iyon. Nang patayo na ako ay nagulat na lang ako ng may bumagsak sa kamay ko. Nang makita ko iyon ay lahat ng mga bisita ay nakatutok na akin ang atensyon nila. Wala na rin akong magawa ng tawagin ako ng MC sa harapan.
Ngayon naman ay isinasagawa na ang pagpili ng lalaki. Kinuha ng ilang tao sa amin ang isa kong heels. Kung sino daw ang makakahanap niyon ay syang maglalagay sa akin ng garter. Binigyan lamang sila ng sampung minuto para mahanap ang heels ko. Lumipas na ang walong minuto ay wala pa ring nagpupunta sa harap dala ang sapatos ko.
“I'll count now! Ten..”
Inilibot ko ang paningin ko sa buong reception area. Yung mga kasali kanina ay napaupo na lamang. Yung mga bisita naman ay naghihiyawan na dahil wala pang nakakahanap ng sapatos ko.
“Five..four...”
Lumakas ang bulungan ng may naglakad patungo sa harapan. Dahil sa madilim ang paligid ay hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki. Nagkaroon ng tilian at palakpakan ng ipwesto ang ilaw sa lalaki. Kaya nanlaki ang mga mata kong tinitigan ang mukha nya. Mapupungay ang mga mata nya at medyo magulo ang buhok.
Ako lang ba o talagang ang hot nyang tignan sa ayos nya? Nakaloose pa ang necktie nito at nakasabit sa balikat nya ang puting coat na suot nya kanina. Nakatupi pa hanggang siko ang itim nyang longsleeves. Para tuloy akong nakakita ng isang ramp model.
“Looks like we have the guy! Can you join us here?” ani ng MC.
Nang makalapit sya sa pwesto ko ay nagpalakpakan ang mga tao. Hindi ko alam pero natuon lang ang atensyo ko kay Hendrick. Hindi ko na rin narinig ang sinabi ng MC. Nakita ko na lang na yumuko ang groom kay Claire. Kinuha nito ang garter mula sa bride na nasa binti nito. At dahil nga na kay Hendrick lang ang atensyon ko ay nakita kong tinanggap nya iyon at lumuhod sa aking harap.
“Before you start, let's put some twist in it. You will put the garter using your mouth. And slowly.” ani ng MC.
Nagtama ang paningin namin ni Hendrick ng sasndaling iyon. May kung anong emosyong dumaan sa mga mata nya pero sa sobrang kaba ko ay iba ang napagtuonan ng atensyon ko. Pigil ang paghinga ko nang hawakan nya ang kanang binti ko at ipatong sa tuhod nya. Napapikit ako ng dumampi ang tela ng garter sa balat ko. At dahil nga suot kong damit ay madali nyang naitaas ang binti ko.
“Don't close it. Look.” rinig kong bulong nya.
Nagawa ko na lang na kagatin ang labi ko ng mapunta na iyon sa tuhod ko. Akala ko ay titigil na sya pero sumigaw ang mga tao na itaas pa ang lagay ng garter kaya sinunod iyon ni Hendrick. Nakatingin lamang sya sa akin habang ginagawa nya iyon. Hindi ko alam kung mapipigil ko ang pag-ungol dahil nakikiliti talaga ako. Minsan kasi ay dumadampi ang labi nya sa balat ko. Sinadya man o hindi, pakiramdam ko ay nag-iinit ang buong sistema ko.
Napakawalan ko na lamang ang paghinga ko nang tumayo sya at inalalayan sa pagtayo. Muntik pa kong mapaupo dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. Mabuti na lamang at nakasuporta sa akin si Hendrick.“You okay?” bulong nya sa akin.
Tumango na lamang ako bilang sagot. Nagsalita muli ang MC na mayroong prize sa nanalo. Mayroon daw kaming libreng accomodation sa isa sa mga private resort ng pamilya ni Drake. Paraan na rin daw nila iyon ng pagpapasalamat. Hindi ko tuloy alam kung makakapagback-out ako o hindi. Pero nang kausapin ako ni Cleo ay napaoo na nya lamang ako.
BINABASA MO ANG
Urielle ( B&D Series #1 )
General Fiction𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙖 𝙥𝙚𝙖𝙘𝙚𝙛𝙪𝙡 𝙫𝙖𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙩𝙪𝙧𝙣𝙚𝙙 𝙞𝙣𝙩𝙤 𝙪𝙣𝙚𝙭𝙥𝙚𝙘𝙩𝙚𝙙 𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙨.