Aaliyah POV
"Tara na aaliyah! Bago pa lumakas yung ulan" Sabi ng kaibigan ko na si Sam.
"Oo na! Tara na!" Sabi ko at patakbong pumunta kami sa school.
Magkalapit lang kasi kami ng bahay, kapitbahay for short hahaha at best friend ko na si Sam since birth hahaha magkabirthday na kami niyan mag pinsan pa! O diba ang saya?
Ay nakalimutan ko magpakilala hahaha. Ang daldal ko kasi I'm sorry. Im Aaliyah Marie Santos but you can call me Aaliyah.
"Uy Marieee! Nakatulala kana jan, porket andito na tayo sa school, malalate na tayo! Ano ba yan!" Sabi niya na hinihila ako.
"Ano ba naman yan Sam! I said stop calling me Marie! It's Aaliyah! Okay?" Sabi ko. Pag naiinis talaga ako napapa english nalang ako. Nakakainis kasi! Hinatak ko yung kamay ko sa kanya kaya lang may natamaan ako sa likod ko.
"Hala kuya! Sorry hindi ko sinasadya, ang kulit kasi nitong kaibigan ko!" Sabi ko at tinulungan ko sa nahulog na gamit niya.
"H-Hindi, o-ok lang yun. O s-sige mauna na ako nagmamadali kasi ako. S-Salamat!" Sabi nung lalake at umalis na. Sayang pogi pa naman.
"Ano? Nakatulala ka nanaman jan! Porket po—" Hindi niya natuloy yung sasabihin niya tinakpan ko kasi yung bibig ang daldal! Nakakainis talaga.
"Shhh! Wag ka nga maingay, daldal mo talagang babae ka. Tara na nga at hindi siya pogi okay?" Sabi ko at iniwan ko siya.
"Teka lang Aaliyah hintayin mo naman ako!" Tumakbo na siya papunta sa akin.
*Fast forward to break time*
"Hay salamat! Break time na, gutom na gutom na ako huhuhu" Sabi ni Sam.
"Tara na at ng tumahimik ka jan. Gutom na rin ako eh" Sabi ko at pumila na kami.
"Uy Aaliyah diba yun yung crush mo?" Sabi niya, sabay nguso dun sa crush ko. Si James pala! Crush ko na yun simula pasukan pa lang. Ang pogi pogi kasi tapos ang bait bait pa! Kaya lang, hindi kami mag classmate eh, last year lang kami mag classmate. Nakita ko siya na nakikipag tawanan sa barkada niya at andun din ang kanyang girl best friend na si Angel.
"Sana ako nalang si Angel noh?" Sabi ko kay Sam.
"Hay nako! Wag kana umasa bes, ikain mo nalang yan. Diba gutom ka? O ito na pagkain mo nakabili na ako, nakatulala ka nanaman kasi eh." At binigay sa akin yung pagkain ko at naghanap kami na mauupan.
"Pero alam mo Sam, Nakakaingit talaga" Sabi ko at sabay kagat ng hamburger.
"Edi iclose ng matapos na problema mo!" Sabi niya, iclose ko ba? Ayoko. Nakakahiya sa isang taon na naging classmate ko siya hindi niya nalaman na crush ko siya nakakahiya kasi. Maiilang lang ako, pag nangyari yun.
"Ayoko, nakakahiya. Isaka baka mafall lang ako. Mas maganda nang hanggang tingin lang ako. Alam ko naman dadating yung para sa akin" Sabi ko.
"Sa akin kaya? Kailan kaya noh? Bakit kasi wala pa akong crush huhuhu" Nag dra drama niyang sabi.
"Maghanap ka na kasi!" Sabi ko.
"Oo na, oo na maghahanap na para sayo yieee joke! Hahaha para sa akin. Maunahan pa kita ah!" Pabiro na sabi niya.
"Grabe i—" Hindi ko natuloy nasabi ko nang may tumawag sa kanya.
*Ring ring*
"Teka lang ah?" Sabi niya at sinagot yung tumawag. Sino nanaman kaya tumawag dun, itong sam na ito HAHAHAHA.
"Omg bes! Wala na pasok kasi may bagyo kasi! Suspended na! Saya sayaaa whooooo party partyyy!" Tumatalon pa na sabi niya.
"WALA NA PASOK! " sabi ng isang babae dito sa canteen.

BINABASA MO ANG
Payong (Short Story)
RomancePayong Umuulan nanaman... Wala nanaman ako payong, nakalimutan ko nanaman bumili ng payong. Tag ulan na talaga.... Bakit parang bigla walang pumapatak na ulan sa akin? Kaya naman pala, may nag papayong sa akin na lalake. Teka?! Baki...