Chapter Thirteen

29 0 0
                                    

THIRTEEN

Naglapat na ako labi ko ng lipbalm at tinignan ko ang sarili sa salamin. Nag-ayos ako ngayon, hindi dahil gusto kong ipamukha kay Ace na maganda ang sinayang niya. Kidding, ayoko lang magmukhang sabog ngayon kaya naman nag-ayos ako. Nagblower ako, light make-up, pabango, basta, lahat na ng rekados na pwedeng ilagay ay nilagay ko na.

Tingin ko naiintindihan ko na kung bakit blooming ang mga babae after maka-recover after ma-brokenheart. Dahil napagod na sila kaka-iyak. Napagod na silang masaktan. Kaya naman kailangan nilang magmukhang masaya at masigla. Pero magmumukha bang masigla ang mukha mo kung pagtingin mo sa salamin ay daig mo pa si sadako? Malamang ay manlulumo ka lang ulit.

"Tingin ko, kailangan kong magbantay ng sobra sa'yo ngayon." Napalingon ako sa kambal kong pinapanood ako habang nakasandal sa pader ng kwarto na'min. Ang gwapo talaga! Bagay na bagay sa kanya ang polo na suot niya.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya at kinuha ang backpack ko. Ganda ko lang tignan, dress and backpack. Oh, well. Backpack is much more comfortable. Naglakad ako palapit sa kambal ko. May kinuha siya sa side table at inipit sa buhok ko.

"Cause you look so pretty," Aniya matapos ikabit ang hairpin sa buhok ko. Ngumiti ako at umikot.

"Alam ko," Sabi ko sabay ngiti. Kinuha niya ang bag ko mula sa pagkakasabit sa balikat ko at ipinatong sa likod niya. Hindi na nawalay ang ngiti ko sa labi. Ang gaan-gaan lang ng pakiramdam ko ngayon. Alam ko naman na hindi pa ako fully recovered, but there's no reason to mourn, right?

"Tss, let's go." Sambit niya at isinukbit ang braso ko sa braso niya. Napangiti na lang ako kasi ang cute ng kambal ko. Pagkababa na'min ay sumalubong agad sa'min sina Mama at Papa.

"Aba? May pupuntahan ba kayong party?" Nakangiting tanong ni Mama. Natawa ako at napailing na lang si North.

"Ma, trip lang na'min magdress up." Sagot ko at tumawa. Tumapat kami ni North kina Mama, ako kay Papa, at si North kay Mama.

"Ang ganda nga naman ng Unica Hija ko, oh." Komento ni Papa habang pinapaikot ako. Nakita ko namang inaayos ni Mama ang kwelyo ng polo ni North.

"Mana lang sa'yo, Pa. Maganda rin," Sambit ko at tumawa. Ewan ko kung bakit ang ganda ng araw ko ngayon, sana lang wag masira.

"Loka-loka, pumasok na nga lang kayong dalawa." Ani Papa habang tumatawa.

"Oh, Chivalry North bantayan si East Damsel, ha?" Pagpapaalala ni Mama.

"Malaki na po ako," Komento ko at sumimangot.

"Wag ako, anak." Sambit ni Mama na umarko ang isang kilay. Napangiwi na lang ako.

"Ako na po bahala, alis na po kami." Pagpapaalam ni North at hinalikan si Mama sa noo. Humalik rin ako sa pisngi ni Papa at Mama at naglakad na kami paalis ni North. Masiglang-masigla akong naglalakad habang nakasukbit ang braso ko sa braso ni North. Ngunit napatigil ako nang makita ko ang isang batang nakaupo sa may eskinita. Ang dungis-dungis na niya. Tila ba walang nag-aaruga sa kanya.

"Tara? Bili tayo pagkain," Ani North. Napangiti ako nang makita ang magtataho at bakery sa gilid.

"Ako na bibili sa taho, bilhan mo na lang ng masarap na pagkain ang bata. Maaga pa naman, sabayan na rin na'tin." Nakangiti kong sambit. Tumango lang siya at pumasok sa loob ng bakeshop. Lumapit naman agad ako sa nagtitinda ng taho.

"Magandang umaga, Manong! Pabili nga ako ng tatlong pinakamalaki na size," Masiglang sambit ko.

"Magandang umaga rin, hija. Mukhang maganda ang gising mo, ah?" Tanong nito sa'kin habang hinahanda na ang mga taho. Tumango-tango ako at ngumuso.

"Pero napansin kong hindi pala lahat ng tao ngayon ay masaya, kaya naman gusto kong ibahagi ang kasiyahan ko!" Sambit ko at itinuro ang batang nakaupo sa eskinita. Alam kong hindi ako mayaman para bigyan ang batang 'yon, pero hindi lang naman mayayaman ang kayang magbigay ng tulong 'di ba? Kahit pa naghihirap ako, bibigyan ko ng kahit anong meron ako ang batang iyon.

"Nakatutuwa ka naman. Konting tao na lang ang nakikita kong kagaya mo, kahit hindi ako ang tinulungan mo, nagpapasalamat na rin ako." Nakangiting ani Manong. Ngumiti na lang rin ako at nagpasalamat pagka-abot ng bayad ko. Agad ko rin namang nilapitan ang bata sa may eskinita.

"Magandang umaga, para sa magandang prinsesa! May dala akong pampalipas gutom para sa'yo, saglit lang, ah? Hintayin na'tin si Kuya at may mas masarap siyang dala." Masiglang bati ko sa bata at inabot ang isang taho sa kanya.

"Para sa'kin po ito?" Naiiyak na tanong niya. Pakiramdam ko ay biglaan akong nanlambot. Tumango-tango ako at nginitian siya. "Yehey!" Sambit nito at napatayo. Akmang yayakapin niya ako pero bigla siyang huminto at napasimangot.

"Oh, bakit? Asan ang hug ko?" Tanong ko sa kanya. Ibinaba niya ang nakaangat na braso at ngumuso.

"Ang ganda-ganda, bango-bango at linis mo po, eh. Baka mahawa ka po sa'kin pagniyakap kita." Bigla akong nalungkot sa narinig ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Pag ako ba ang yumakap sa'yo, mahahawa ka sa'kin? Tingin ko kasi sobrang lungkot mo, eh! Dapat lagi lang masaya!" Sambit ko at bumitiiw sa yakap para himasin ang magulo at maduming buhok nito. Nagulat ako ng bigla na lang naiyak 'yong bata.

"Hala ka, anong ginawa mo?" Rinig kong sambit ni North. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang mapang-asar na ngiti ng kambal ko. Napasimangot ako.

"Hindi! Hindi niya ako pinaiyak, natutuwa lang po ako kay Ate kasi ang bait-bait po niya!" Ani nito at tumahan na.

"Gano'n ba? Wag ka ng iiyak ulit, ah? Binilhan ka ni Kuya ng makakain. Mamaya, pag nagutom ka, pumunta ka lang sa bakeshop na 'yon at manghingi ng kahit ano. Ako ng bahala sa'yo!" Ani North habang pinupunasan ang luhang tumakas sa mga mata ng bata.

"Talaga po? Thank you po, Kuya!" Masayang sambit ng bata at pumalakpak pa. Natutuwa ako, hindi na lang saya ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko pang tulungan itong batang ito. Nakangiting inabot ko ang taho kay North.

"Kain na tayo," Ani ko at humigop ng taho. Masayang naupo ang bata sa sahig at binuksan ang dalang pagkain ni North. Naiimagine ko tuloy, paano kung nasa maayos na lugar, pwesto, at hapagkainan ang batang ito? Hindi siguro siya makakaramdam ng lungkot sa mga taong mas mataas sa kanya. Lahat kasi tayo hindi nakukuntento sa kung anong meron tayo, maski ako.

"Hmm, sarap! Ate, Kuya! Cane po ang pangalan ko, kayo po?" Tanong niya at sinilip kami ni North. Nginitian ko siya at naupo sa tabi niya.

"Ang pangalan ko ay East, at ang kuya mo naman ay North." Sagot ko at hinawi ang buhok niya.

"Ang cute naman po ng pangalan niyo, kahit hindi ko po maintindihan kung ano!" Anito habang kumakain. Natawa na lang ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga ng kambal ko dahilan upang mapalingon ako sa kanya.

"Baka malate na tayo, let's go?" Tanong niya. Tumango ako at ngumiti. "Cane, kailangan ng umalis ni Kuya at Ate. Kita na lang tayo next time, okay?" Pagpapaalam ni North. Tumigil si Cane sa pagkain at may ngiting bakas sa labi at sayang nakikita sa kanyang mata.

"Paalam po, Ate East at Kuya North! Maraming salamat po!" Ani nito at kumaway-kaway. Umalis kami ni North ng masaya. Maaga pa pero ewan ko ba. Pagkapasok ko sa room ay binati ko silang lahat ng may ngiti sa labi ko. Halos magtaka sila kung bakit sobrang saya ko. Nginitian ko na rin ang seatmate kong si Ace. I should feel no hard feelings. Pero bago ako maka-upo ay pinigilan niya ako at tumayo siya. Nagulat ako nang may ikinabit siya sa bewang ko. Kunot noo akong tumingin sa kanya at sa jacket sa bewang ko.

"May dumi 'yong damit mo, gamitin mo muna." Aniya at nginitian ako. Nakaramdam ako ng init sa mukha ko kaya napatungo na lang ako. Pero naisip ko na hindi dapat ako makaramdam ng ganito kaya naman ay bumuntong hininga ako at buong tapang na nginitian siya.

"Salamat, nakuha ko siguro 'to kanina. Babalik ko na lang mamaya," Sambit ko at naupo na. Pero ewan ko ba, nawala na ako sa focus ko.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon