Sabine's POV
THIS IS IT!
My gahd!
Pwede na bang umuwi?
Hindi ko talaga alam kung bakit ako nandito! Well, yeah, pumayag nga ako pero hindi ko pa rin alam kung bakit ako nandito! Walang pakialaman. Gusto kong mag maang-maangan!!! Nagpapawis na yung kamay ko kahit hindi naman talaga ako pasmado. Meet the parents ang drama? Yun nga lang bakit ako ang makikipag-meet? Haaaaayyy. Kasalanan ko bang poor ako? Kasalanan ni Red na mayaman siya.
Alam niyo ba kung ano talaga ang worth one million question ngayong araw?
BAKIT NANDITO SI PAULA!?
"Tita, kumusta na daw po yung bagong business niyo sa San Francisco? Papa, was asking po kasi." sabay smile
Nyehnyehnyehnyeh. Papa your face. Hindi ko talaga ma-enjoy yung super sarap na pagkain sa harapan ko. Minsan lang ako makakakain ng pagkaing pang mayaman kaso ang appetizer eh yung mukha ni Paula kaya hindi na ako ginanahan.
"Ok lang dear. Tell your parents I want to meet them soon, okay?"
Wow naman. One big happy family.
Pwede na ba talagang umexit?
"MAMA!!!"
Muntik na ako mabilaukan nung sumigaw si Red. Anyareh? Kelangan talaga sumigaw?
"Red! Why are you shouting? Nakakahiya sa mga bisita natin."
"Ma, ipapakilala ko po ulit yung girlfriend ko, si SABINE."
Ui. Ganun talaga? Naka-italics tapos bold pa! Tsk. I'm shy, okay? Napayuko talaga ako. Hindi ko naman kasi talaga alam ang gagawin ko. Sabihin na nating isa itong stage play at ako ang lead actress pero hindi ko naman talaga alam kung paano maging girlfriend. I've never experienced being one. Siguro sa panaginip pwede pa.
"Red, what's up? Tita and I were just talking. Si Sabine ang hindi nagsasalita. Well, yun eh kung may sasabihin siya." sabay smirk
OH MY GULLAAAAAAAAAAAAAYYYYY. Sana hindi ako iwan ng konsensya ko at baka maihagis ko kay Nadine itong plato ko.
"Yeah, Sab. Bakit ang tahimik mo, hija? I heard you're an honor student, right?"
"Uhm...opo..."
Jusko po. Wag kang mahiya! Bakit kung kelan hindi mo kailangan ng hiya eh saka ito magpapakita?
"She's also a good singer. Narinig mo na siyang kumanta di ba Ma?" Talaga itong Red na ito! Most embarassing moment ko yun!! Well, maybe one of lang.
"Ah, yes! Ang ganda talaga ng boses mo. Now that you mention it... bestfriend mo si Cyrus di ba?"
"Opo. Bata pa po kami magkaibigan na kami."
"No offense hija, pero Cyrus is a great kid bakit si Red ang nagustuhan mo. Well, I know naman na my son is great too pero natanong ko lang. What's the difference?"
HANO DAW?
Kelangan ko ba talagang sagutin yan?
Tito Boy is that you?
"Tita, Cyrus had a girlfriend. Nadine Villanueva? Siya po yung bestfriend ko. So there's really no chance na maging sila. Well, ngayong break na si Nadine at Cyrus... I wonder if... well, she's just making someone realize his feelings."
Isa na lang talaga makakatikim na ng isang malaking plato itong si Paula eh. Ano daw? His? baka her? Gusto kong marealize niya na wala siyang binatbat sa akin! Nadine was my friend before kaya hinayaan ko lang sila ni Cyrus. Eh si Paula? Friend ko ba siya? ASA SIYA.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?