Xien's POV
'HINDI PA AKO TAPOS! HAHA!'
Iyan ang salita na nabubuo sa kisame, katulad ng nakasulat sa salamin doon sa kwarto malapit sa bintana (a/n:Chapter 6 po iyon, kung nagbabasa kayo ay paniguradong alam niyo po yun hehe)ay dugo rin ang ginamit sa pag sulat.
"ahhhhhh!" malakas na sigaw ng isang babae sa labas, at nakakasigurado akong si Shaine 'yon. Tumingin si Azrael sa akin at bigla akong hinalikan sa labi.
Takteng 'yan!
"Ano ba!?" Sigaw ko. Ngunit hindi na ito umimik at tumalon nalang pababa sa kama. Nice. Iniwan ako.
"Hoy Az! Ano iiwan mo nalang ba ako dito?" Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Libangin mo si Jane, pupuntahan ko lang sila Max at Shaine." Napakunot ang noo ko.
"A-ano!? Iiwan mo ako dito, paano kung napahamak ako dito!?" Totoo naman diba? Iiwan niya ako eh paano kapag may nangyaring masama sa akin?, malakas si Jane. At nakatitiyak ako na hindi ko siya kakayaning mag isa.
"Don't worry, kasama mo si Jed." . J-jed sa pagkakatanda ko siya yung sumanib kay Max. Tumingin ito sa likod ko at parang may tinanguhan. Saka ito lumabas sa pintuhan. Naalala ko na nakakakita pala ng multo si Azrael.. Kinabahan naman ako dahil doon, nilakasan ko ang aking loob na lumingon sa likod.
Dahan dahan, alam kong si Jed na ang nasa likod ko dahil nananayo na ang aking balahibo sa batok. Malamig, pero hindi katulad ng nakakatakot na pwersang dala ni Jane.
"Dafck!" Nagulat ako at napaatras. Sa aking pag atras ay siya namang pagbagsak ko galing sa mataas na kama. Parang kidlat ito, kanina lamang ay nakayakap pa sa akin si Azrael ngayon naman ay nasa matigas na sahig na ako.
"Xien, Tito mo ako. Wag kang matakot." Nasa likod ko siya. Damang dama ko ang malamig niyang hiniga.Hindi ko pinansin ang sinabi niya kahit naguguluhan ako kasi tito ko daw siya. Sa halip ay pinagtuonan ko ng pansin ang kama. Bumababa ito, umatras ako malapit sa pintuan at tumayo. Sinubukan kong hawakan ang doorknob..
"Tangna! Araaay!" Impit na sigaw ko nang hindi ito bumaba sa papag kundi sa akin pa tumama. Sa mismong tiyan ko.
Third Person's POV
Halos mamilipit si Xien sa sobrang sakit ng kanyang sikmura, sino ba naman ang hindi makakaramdam ng ganung sakit kapag natamaan ka ng kama? Malaki at may mga bakal pa man din ito.
"A-azrael!!" Tawag niya. Sa sobrang sakit ay napaupo na siya sa malamig na sahig. Halos mapaiyak siya nang makita niyang papunta naman sa direksyon niya ang iba't ibang gamit na nasa kwartong iyon.
Katulad kahapon, ay nagdilim nanaman ang kalangitan. Umuulan at kumukulog. Hindi lang si Jane ang kaluluwa'ng nasa bahay na iyon. Madami. Hindi lang si Jed, Lewis, at Glenda tsaka Siya ang nandoon. Marami pang iba. Ang iba ay naghahanap ng hustisiya sa karumaldumal na pagpatay sa kanila, samantalang ang karamihan naman ay hindi makatawid sa langit dahil sa hindi malamang dahilan.
"Xien! Ate!" katok ng tao sa labas, si Max at Azrael. Pilit nilang binubuksan ang doorknob ng pintuan'g ito ngunit naka sara ito at hindi mabuksan.
"Tama na!! Jane maawa ka sa akin! Ahhhhhhhh." Sigaw niya. Ngunit walang sumagot, may naririnig siyang tawa animo'y galak na galak na nakikita ang kanyang kalagayan maging ang kanyang paghihirap. Tumama ang lampshade sa kaliwang parte ng kanyang ulo, kaya napahinto ito at napapikit. Ngunit hindi pa nawawalan ng malay. Napaubo siya ng dugo at ramdam niya narin ang pagkirot ng ulo niya na siyang tinamaan ng lampshade.
Malakas at matibay na bata si Xien, pero may kahinaan din ito.Max's POV
"Xien! Ako 'to si Azrael. Buksan mo ang pinto, Xien!" Tarantang sabi ni kuya Azrael habang kumakatok at pilit na binubuksan ang doorknob. Kahit ako ay kinakabahan din sa nangyayari kay ate Xien sa loob. Baka may nangyari ng masama sa kanya.
Shit Max! Think Positive!
Sigaw ng konsensya ko. Kaya napatigil ako sa pagiging taranta at ikinalma ko ang aking sarili saka inisip na maliligtas namin si Ate Xien.
"Tama na!! Jane maawa ka sa akin! Ahhhhhhhh!" Dali-dali kong idinikit ang aking tainga sa pintuan ganoon din ang ginawa ni kuya Azrael.
"Max! Kuhain mo ang duplicate key sa kwarto ko. Dalian mo! Nasa taas lang 'yon ng cabinet, bilis!" Nagpalinga linga ako at lumunok. Hindi ko na rin tiningnan si kuya Azrael at tumakbo na papunta sa kanyang kwarto, hindi naman kalayuan ito sa kwarto ni Ate Xien pero mas mapapabilis kung tatakbo na ako.
Habang naglalakad sa hall way ay may nararamdaman akong kakaiba. Parang may matang nakamasid sa bawat galaw ko, sa bawat lakad.
"Tulong.. Tulong.. Tulonggg." Malinaw na malinaw ang pagkakadinig ko. May bumulong sa akin a-at nanghihingi ng tulong? Saan?. At sino 'yon? Bigla namang nagbukas sara ang mga pintuan sa bawat kwartong nadadaanan ko.
Max, you're not a gay. You can do this. Its just a wind. Nothing more, nothing less.
Pero sino nga ba ang niloko ko? Hindi ba't ang sarili ko lang tsk. Alam kong hindi ito pangkaraniwang hangin, baka nga hindi din ito basta hangin lamang.
Mas lalo kong binilisan ang paglalakad, lima o anim ang kwartong nakapagitan sa kwarto ni kuya Azrael at ate Xien. Nanginginig na ang tuhod ko and I dunno why.Nang makarating sa kwarto ay agad akong napatingin sa cabinet, at oo. Nandoon nga, kukunin ko na sana ngunit napahinto ako sa isang boses.
"Tulong.. Pinatay kami ni Jane. Kailangan namin ng Hustisya. Parang awa mo na. Tulungan mo kami.."
"Darn! Sino ba kayo? Kung sino man o ano man kayo pwede ba umalis na kayo dito!? Parang awa niyo na! Wag kayong mang peste dito! Tangna." Asar na sabi ko at kinuha ang susi saka tumakbo na ulit papunta kay kuya Azrael.
Tanghaling tapat ngayon pero ang dilim ng kalangitan, may galit na galit na kidlat at umuulan din. Parang ibinubuhos ng ulan ang kanyang sama ng loob. Dito naman sa loob ng bahay ay tahimik, may bulungan. kang maririnig. May humihingi ng tulong at may nagsasabing 'pinatay sila ni Jane'. Damang dama ko ang presensya ng mga kaluluwa. Alam kong marami sila dito, pero hindi ko sila makita. Marahil ay wala akong third eye, matatakutin kasi ako at hikain pa. Kaya hindi ako pwede sa ganun, pero ewan ko lang kung ano ang sumapi sa akin ngayon at naging matapang ako. Parang hindi ko kasi ugali 'to.
Tanaw ko na si kuya Azrael mula sa aking kinaroroonan. Pilit parin nitong sinisira ang pintuan, may mga matitigas na bagay rin siyang hawak pero wala ding silbi. Hanga ako sa naggawa ng pintuan na iyon dahil hindi ka talaga mapapasukan ng magnanakaw sa sobrang higpit kapag nailo-lock.Tumakbo na ako kay Kuya.
"Kuya. Here's th---"
"Max at Azrael." Tawag ng isang estranghero sa amin kaya napatingin kami sa hagdanan.
Si Daddy! Bumalik si Daddy!
NOTE:
SALAMAT KAY KUMARENG REVISION HISTORY WAAAHHH AYLABYU SOMATSSSS
KCeng♥
BINABASA MO ANG
The Haunted Mansion (#Wattys2016)
TerrorIsang mansion na Puno ng sikreto, Mansion na nabubuhay parin sa nakaraan.Mansion kung saan maraming namatay. Makakaya kaya nilang lagpasan lahat? lahat ng takot? pangamba? o maging ang impyerno? Abangan si Maxine at Maxwell sa pagtuklas ng mga sikre...