Prologue

564 18 0
                                    

Note: Encantadia Inspired Story. May Brilyante things. Yun lang, the rest, kathang isip ko na.

Simula ng lumago at umunlad ang makabagong teknolohiya, di na napigilan ng mga tao na makalikha ng mga bagay na di inaasahan na magagawa sa kasaysayan ng mundo.

Naging tulay ang mga makabagong teknolohiya upang makaimbento ang mga tao ng mga kapangyarihan na mula sa mga modernong kasangkapan. Dahil dito, nagagawa ng makalipad ng mga tao, mag invisible, kontrolin ang mga bagay bagay gamit ang isip, maglaho, at kung ano ano pa gamit ang teknolohiya.

Dahil dito, isinilang ang isang bagong yugto para sa sanlibutan dahil sa kanilang likas na talino na talaga namang magagamit sa pang araw araw nilang pamumuhay.

Ngunit.

Ang mga eto din ang naging dahilan upang maging gahaman at abusihin ang iba ang kapangyarihan nila upang makapanakit sa kapwa at sirain ang nasa paligid nila.

Dahil din sa bagong yugto na eto, umusbong ang maraming alitan, away, at kasamaan na talaga namang lumaganap sa buong daigdig. Dahil dito, nagkaroon ng hindi balanseng ugnayan sa pagitan ng masama at mabuti.

Kaya naman, nabahala ang bathala sa nangyayari sa sanlibutan dahilan para gumawa siya ng isang desisyon upang solusyonan ang nangyayaring sigalot sa mundong ibabaw. Isang desisyon na babago sa lahat.

Eto ay ang ipagkaloob ang apat na brilyante ng elemento. Ang Apoy, Hangin, Tubig, at Lupa sa piling tagapangalaga na siyang karapatdapat upang hawakan ang mga brilyante.

Ang mga brilyante ang pinaka makapangyarihan sa lahat na nilikha ng Bathala na siyang makakatulong upang mabalanse at mapanatili ang kapayapaan sa kanyang nilikhang daigdig.

Ang mga eto ay dapat gamitin sa kabutihan lamang dahil kung eto ay mapupunta sa masasama, malalagay sa paligro ang buong daigdig.

Ang mga Elemento ay dapat lamang na pangalagaan at ipapasa ang mga eto sa susunod na henerasyon upang mapanatili ang balanse ng mundo.

Ang tanong.

Makakaya kayang pangalagaan ng mga mapipiling mortal at susunod na henerasyon ang mga Brilyante?

Mapapanatili kaya ang kapayapaan gamit ang mga eto?

Magagamit ba eto sa kabutihan? O magagamit lamang eto sa kasamaan?

Eto'y ating tuklasin at umpisahang pumasok sa mahiwagang makabagong yugto ng mga tao.

~~~~~

A/N: Inspired by Encantadia. Paulit ulit. Haha. Kinuha ko ang idea ng brilyante sa Encantadia obviously pero eto ay aking bibigyan ng sariling istorya at etong kwento na eto ay hindi kunektado sa Encantadia. Ang lahat ng mababasang pangalan ng Tao, Bagay, Pangyayari ay produkto lamang ng imahinasyon ng author na eto at kung mapapareha man eto sa iba, eto ay nagkataon lamang.

P.S. Putsa. Hirap magtagalog! HAHAHAHA.

Elemental KeepersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon