Home

72 9 1
                                    



• Alessia

Napangiti ako ng makita ko siya ulit na papalapit sakin while riding a bike with a bunch of my favorite flowers. You really know how I love flowers, Stephen.

That's why I love you. You know how to make me happy.

Naka guhit ang isang napakalaking ngiti sa mga labi niya. Habang paunti unti siyang lumalapit saakin atsaka dahan dahang pumapatak ang butil ng ulan.

Nang tuluyan na siyang makarating sa bench na kinauupuan ko atsaka siya nag simulang mag salita habang nakangiti

"I know you would be here, Alessia."

Napangiti ako habang nakatingin lang sa malayo. Mahigit isang taon niya rin akong hindi kinakausap ah? Sobrang miss na miss ko na talaga siya. Maraming nagbago sakanya.

Yung buhok niya ay medyo mahaba na at natatakpan na ang kanyang mga mata, His grey eyes were dark with some unfathomable emotion.

Ang masasayang mata nya noon ay nababalot na ng kalungkutan. Pero hindi parin nawawala ang mga ngiti sa labi niya.

Bakit ba hindi n'ya kayang sabihing hindi na niya kaya? Bakit sobrang lakas nya? Sa lahat ng problemang nagdaan siya palagi ang nag sasabing kaya naming lagpasan.

Pinapalakas nya ang loob ko kahit na hindi ko na kaya at gusto ko ng bumitaw sa pamamagitan ng pag ngiti niya.

Naitatago man ng mga ngiti sa labi nya ang kalungkutang nararamdaman nya. Ang mata nya'y hindi kayang mag sinungaling.

"Bakit mo ko iniwan, Alessia?" Nakangiting saad nya habang nakatingin sa baba, "Bakit hindi mo ko binalikan?"

Nagsimulang pumatak ang mga luha sa mata ko kasabay ng malakas na mag ihip ng hangin at pag hampas ng ulan, "Hindi kita iniwan, Stephen."

"Bakit nangako kang babalik ka?" Nakangiti parin siya habang tumutulo ang mga butil ng ulan sa kanyang buhok, "Sabi mo di mo ko iiwan."

Napatingin ako sakanya habang nag tataka. "I tried. I've been lost. Mahal na mahal kita, alam mong gagawin ko lahat para mahanap ka."

Napatawa siya ng mapakla, "Kung mahal mo ko, bakit...bakit hindi mo ko binalikan nung oras na kailangan kita?"

"Stephen, Mahal na mahal kita. Sorry.. Hindi ko naman ginusto--"

"Bakit nga ba kita kinakausap?" Malumay na sagot nya, "Hindi ko nga alam kung mahal mo talaga ako o nag sisinungaling ka lang."

"No, Stephen. You don't know how much I love you!"

Dahan dahan nyang kinuha ang mga bulaklak sa harapan ng bike nya. Inilapag nya ang mga iyon sa gitna namin, pinatong nya ang mga kamay nya doon habang mahigpit na hinawakan ang tangkay ng isang rosas.

Ayoko sa Roses. Pero bakit may dala siyang ganito? Mas gusto ko ang tulips. Nakita ko ang ulan na dumadaloy sa mga kamay nya na may kasamang dugo.

"Stephe--"

"Bakit mo ko hinayaang magkaganito? Bakit hindi ka lumaban?" Nag-crack yung boses nya at doon ko nalamang umiiyak siya.

home | os Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon