Short Moments

35 0 0
                                    

Short Moments

Sabi nila ito yung madali lang kaligtaan

Sabi nila ito yung di na dapat dinadamdam

Sabi nila ito yung hindi na binabalikan

Sabi nila ito yung mabilis makalimutan kasi mabilis din namang natapos

Sabi nila ito yung maikling oras na nagsama kayo pero kapos

Sabi nila yan!

Short Moments

Ito yung pangyayaring kay sarap isipin

Ito yung pangyayaring nagpapatulo pa rin ng luha sakin

Ito yung pangyayaring lagi kong naaalala

Ito yung pangyayaring gusto ko ng mabura

Ito yung pangyayaring nag-iwan ng kirot saking puso

Ito yung pangyayaring ikaw ang bumuo

Ito yung pangyayaring minsang nagpangiti

Ito yung pangyayaring hindi na mangyayari

Sabi nila, Short moments lang ang meron kayo bakit mo masyadong sineryoso?

Sabi ko, nasusukat ba sa oras na kami'y nagkasama, ang pagmamahal na ibinigay ko?

Short moments ngang maituturing ang isang buwan siyang makapiling

Ngunit sakin ay katumbas nito ang taong minsan ko ring hiniling

Hiling

Hanggang sa salitang yan na lang ang mga katagang nabuo ng mga letrang bumabagabag sa isip ko

Hanggang sa salitang yan nalang aabot ang likha kong ito

Likhang  nabuo kasabay ng aking mga luha

Likhang  di ko naisip na aking magagawa

Hindi ko nais pang muling maging tayo

Maibalik ang pagkakaibigan ang aking gusto

Isang bagay na biglang nawala sa atin

Nang piliin kong ika'y mahalin

Pagkakaibigang mas gusto kong muling manyari

Di ko rin masabi, mukhang imposible

ETO na, WAKAS na, TIGIL na...

Salitang puro pang wakas,

pero di ko magawa.

-----

A/N:

Tagal ko ng sinulat 'to, 3 months after our break-up. 6 days pagkatapos ko tong isulat, nagkaayos kami. Haha. Wala pang nakakabasa nun nito.

Try ko lang iPost. :)

Well, Okay na kami ng taong tinutukoy ko sa tulang yan. Bumalik na yung friendship :)

Matagal na din akong nakaMOVE ON :D Haha.

And I'm sure masaya na siya. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon