House Of Cards

33 0 0
                                    

"BTS died after you left them a week ago. Kuya kung hindi ka nawala siguro masaya pa sila. Nagkawatak-watak na sila alam mo ba yun?" Sabi ko habang nasa harapan ako ng puntod ng kuya ko.

*ringggggggggggggggggg*

Kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa ko...

"Hello?!" 

"Shiro! Kailangan ka ni Taehyung ngayon! Pumunta ka dito dalian mo." Sabi ng pinsan ko mula sa kabilang linya. May halong pagkataranta at pag-aalala ang boses niya kaya agad akong tumakbo sa sasakyan ko at pinatakbo ng mabilis. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot kaya nagmadali na agad ako.
Malapit na ako sa club house nang mapadaan ako sa stone bridge at may nakita akong tao na nahimatay kaya agad kong ipinara ang sasakyan ko sa tabi.
Wala masyadong mga sasakyan na dumaraan dito kaya hindi mauuso ang traffic dito.

Agad kong nilapitan ang taong nawalan ng malay at noong makita ko siya ay sobra ang aking pagkagulat...

"H-HOSEOK?!!" Gosh! Ang putla niya at pinakiramdaman ko siya kung humihinga pa ba siya! Buti nalang tumitibok pa ang puso niya. Natataranta ako kasi hindi ko alam kung paano siya bubuhatin papunta sa kotse ko. Kaya kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya...

"HELLO JUNGKOOK! PUNTAHAN MO KO DITO SA STONE BRIDGE! KAILANGAN KO NG TULONG MO!" Pasigaw kong sabi sa kanya dahil sa sobrang taranta

"Kumalma ka nga! Ano bang nangyari?" Sabi niya

"S-si... H-hoseokie... Natagpuan kong... Walang malay..." Umiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko..

"Tumahan ka na! Nandyan na ako." Pagkasabi niya nun nakarinig na ako ng mga yabag ng taong tumatakbo at sa pag-angat ko ng ulo ko nakita ko na siya.
Niyakap ko siya at umiiyak pa rin...
Niyakap niya ako pabalik at pinapat ang likod tapos nun bumitaw na siya at pinunasan ang mga luha ko.

"Huwag ka ng umiyak ha? Mabuti nalang malapit lang ako sayo." Sabi niya at binuhat si Hoseok papasok ng sasakyan.

Dinala namin si Hoseok sa hospital at agad siyang inasikaso ng mga doctor at nurse roon.

*ringgggggggggggggggg*

"Hello?"

"NASAAN KA NA? DALIAN MO NA BILIS!"

Bigla kong naalala si Taehyung kaya ibinilin ko si Hoseok kay Jungkook at iniwan ko muna siya.

Nagmadali na ako papunta sa kinaroroonan ni Taehyung at pagbaba ko sa sasakyan agad akong tumakbo sa loob ng club house...

"Tae! Buksan mo ang pinto!" Sabi ko habang nasa labas ako ng kwarto niya at patuloy na kumakatok sa pinto.

"Shiro walang magagawa ang pagkatok mo diyan! Hindi ka niya pagbubuksan." Sabi ng pinsan kong si Yuzen.

"Nasaan ba ang duplicate key ng kwarto niya!?"

"Hindi ko nga alam kung saan mo nilalagay yun. Kung saan-saan na nga ako naghahanap di ko naman makita." Sabi niya. Oo nga pala...
Ako at si Kuya Jin lang ang may alam kung nasaan yung mga susi...

"Pumunta ka sa kusina. Alam mo yung lagayan ng medicine supplies di ba? Eto ang susi ng kabinet at kunin mo yung mga duplicate keys dun." Utos ko sa kanya at binigay ang susi ng kabinet sa kanya. Agad siyang tumakbo papunta sa kusina.

"Taehyung... Ano na bang nangyayari sayo? Nag-aalala na ako." Sabi ko habang nasa tapat parin ng pinto ng kwarto niya.

Maya-maya bumalik na si Yuzen at hawak na ang mga susi at kinuha ko yun at binuksan ang pinto ng kwarto ni Taehyung.

"Yuzen, tawagan mo si Namjoon." Sabi ko at pumasok sa kwarto ni Taehyung at isinarado ang pinto.

Binuksan ko ang ilaw dahil napakadilim ng paligid...
At pagbukas ko ng ilaw nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa nakita ko...

House Of Cards(BTS Fanfic)Where stories live. Discover now