WRONG TURN 2

1.9K 30 3
                                    

NOVEMBER 28, 2013

 

“Fabulous!” bulalas ni gil habang pinagmamasdan ang matataas na baton a nakatakda nilang akyatin ng asawa niyang si rose.

     Rock climbing ang isa sa mga hobbies nilang mag-asawa. Ilang buwan pa lamang silang kasal nang nabalitaan siya ng kaibigan niyang si armand tungkol sa naturang lugar. Matagal na rin silang hindi nakakapag-rock climbing kaya nagpasya silang mag-asawa na magtungo roon. Dapat ay kasama nila si armand doon nguni’t may emergency sa pamilya nito. Nangako na lamang ito na susunod sa kanila.

     “oo, sweetheart. Pero saan tayo mag-I –stay? Wala naman tayong nadaanang hotel o motel na puwede nating tuluyan,” ani rose.

     Totoo ang sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na wala ni isang establisimyento silang nadaanan. Ilang bahay lamang ang nadaanan nila at malalayo pa ang agwat ng pagkakatayo ng mga iyon. Wala rin siyang natanaw na tao sa labas ng mga bahay na iyon.

     “madali nay an, sweetheart. Baka may  magpatuloy naman sa atin dahil magbabayad naman tayo.”

       Ilang sandal pang pinagmasdan niya ang paligid, saka siya nagpasyang yayain ito para maghanap ngh bahay na matutuluyan nila.

        Hindi naman sila nabigo dahil ang unang bahay na kinatok niya ay malugod naman silang tinanggap ng matandang mag-asawang nagpatawag sa mga pangalang nana maria at tata jose. Ayon sa huli, patutuluyin sila nito sa isang bahay na pag-aari ng mga ito- ang ikalawang bahay mula sa bahay ng mga ito.

      “sweetheart, parang ang weird ng lugar na ito,” wika ni rose habang inaayos nito ang gamit nila. “kung kailan papadilim, saka pa lang natin nakita ang mga nakatira sa mga bahay na nadaanan natin. Weird, dib a? parang baligtad ang pamumuhay nila rito. Parang umaga pa lamang sa kanila samantalang papagabi na.”

    “huwag mo na lang pansinin. Ilang araw lang naman tayo rito. Makaakyat lang tayo at makababa, ayos na,” tugon niya. “bilisan mo na para makatulog na tayo.” Pagkasabi niyon ay humiga na siya sa kama.

     Napuna rin niya ang sinabi nito pero hindi niya pinansin iyon dahil wala naman silang pakialam sa kung paano mamuhayt ang mga naninirahan doon.

     Hindi niya namalayan na ilang oras na siyang nakatulog nang magising siya dahil nakaramdam siya ng panunubig. Patungo siya sa banyo nang mahagip ng kanyang paningin ang nakabukas na bintana. Marahil ay hindi iyon naisara ni rose bago ito natulog.

     Bago niya isara iyon ay tumingin pa siya sa labas.nanlaki ang kanyang mga mata nang Makita niyang may nanlilisik na mga matang nakatingin sa kanya. Nakaupo ito sa ilalim ng puno malapit sa silid nilang mag-asawa. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa buwan, nakita niyang lampas sa balikat nito ang mga tuhod nito. Animo takam na takam ito sa kung ano dahil tumutulo pa ang laway nito.

      Nang akmang tatayo na ito ay mabilkis na isinara niya ang bintana. Hindi niya alam kung anong klaseng nilalang ito. Nagmamadaling pumasok siya sa silid at tiningnan ang nahihimbing na asawa. Parang ayaw na niyang ituloy ang pag-akyat nguni’t naisip niyang itatanong na lamang niya kina nana maria at tata jose ang tungkol sa nakita niya.

     Maaga pa lamang ay nasa daan na sina gil at rose. Napakunot-noo si gil nang mapansin niyangf may kung anong niluluto sa kawa at hindi na iyon nagawang iligpit ng may-ari ng kalapit na bahay na tinutuluyan nila.

WRONG TURN 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon