May kapitbahay akong babae. Laging umaakyat sa taas ng bahay nila pagsapit ng buwan. Tuwing full moon palagi siyang naandon. Nakaupo at pinagmamasdan ang buwan.
Nakakapagtaka nga eh, bakit ba sya laging naandon? At bakit siya umiiyak habang pinagmamasdan ang buwan? Inaano ba siya ng buwan? Weird huh.
Hanggang sa isang araw naisipan kong tanungin siya kaya pagsapit ng gabi hinintay ko ang pagsapit ng buwan saka ako lumabas at inabangan ang pagakyat niya sa bubong nila.
"Pst!" Tanong ko.
Tinignan nya lang ako at saka umakyat na ng bubong nila. Ano ba yan snobber -,-
Kaya napilitan akong umakyat rin ng bubong nila. Pag-akyat ko natanaw ko siyang umiiyak habang pinagmamasdan ang buwan.
Lumapit ako sa kanya at saka umupo sa tabi nya.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakanya
"Huwag mo ng tanungin, wala ka namang kinalaman doon" pagsusungit niyang sagot sakin habang patuloy na umiiyak
"Bakit ka ba kasi umiiyak? Pwede mo naman akong pagkatiwalaan e. Sadyang napaakyat lang talaga ako dito dulot ng aking pagtataka Kung bakit ka laging umaakyat ng bubong nyo pagsapit ng buwan at saka umiiyak. Ano ba nangyari?" Pagtatakang tanong ko
"Maski ako hindi ko din alam" tipid na sagot nito sakin saka tumigil sa pagiyak at pinagmasdan ang buwan
"Naramdaman mo na bang maiwan sa ere? Naramdaman mo na bang masaktan at yung puso mo parang pinagdudurog sa maliliit na piraso? Naranasan mo na bang magmukhang tanga sa kakaantay sa isang tao sa ilalim ng buwan na kahit kailan hindi na darating at babalik sayo? naramdaman mo na ba yun ha? Naranasan mo na ba?!" Madiin na tanong sakin ng babae atsaka umiyak na naman
"actually oo, naramdaman ko na yan before. Noong hindi pa ako nagkaka-amnesia. Araw araw may napapaginipan akong babae na lagi kong kasama. Mahal na mahal ko yun kahit hindi maliwanag ang itsura niya sa aking panaginip pero damang dama kong mahal ko siya. pero ang hindi mawala sa aking utak ay noong iniwan ko ang babae dahil may sakit akong cancer at may sinabi ako sakanya ngunit nakalimutan ko na" sabi ko sakanya habang pinagmamasdan ang buwan.
BINABASA MO ANG
The Girl On The Moon
Teen FictionIt is all about to the girl that is willing to wait under the Moon even how many years will passed by. That's to prove how much she love the boy and to prove that she's a loyal to her boyfriend. What if kung ang lalaking hinihintay niya ay nasa tab...