"Nasaan ka SKYYYYYYY!!!!"
Ayan na siya!! Huhuhuhuhu
Bakit ko ba kase ginawa yun eh!
Nagtago muna ako sa Kwarto ko. Nakakatakot talag------
"Skyyyyyy! Lumabas ka diyan! Kung hindi sisirain ko 'tong pinto ng kwarto mo!" sigaw nya.
Wahhhhhhhhh. Natatakot na ko π_π
"SKY! BIBILANG AKO NG-----"
"OO NA! HUHUHU. LALABAS NA KO!"
Hingang Malalim. Kaya mo yan Sky. Aja!
Tumayo na ko galing kama.
Hakbang. Hakbang. Hakb----
"Anong ginawa mo?" paktay! Nakapasok na siya.
Huhuhu. Ano ba sasabihin ko? Bakit ko nga ba ginawa yun? Kaseeee....
Mahal ko siya.
Tumingin ako sa kanya. Namumula siya dahil sa Galit. Wala naman akong ginawa eh. Bwisit lang kase yung babae kanina. Parang linta dikit ng dikit sa kanya.
Kaya ayun. Hehehehe
Nilagyan ko ng mga Linta yung Bag nya. Hehe. Diba para siyang Linta? Kaya ginawa ko yun. Hihi ^___^
Nanumbalik ako ng bigla nalang siyang sumigaw.
"Sky! Kinakausap kita! Ano na naman ba yung ginawa mo sa Girlfriend ko?! Dati, sinunog mo yung buhok ng isa kong Girlfriend, pinagbigyan kita. Nilagyan mo naman ng ipis yung isa ko ding Girlfriend. Tapos ngayon. Sht! ANO BANG GAGAWIN KO SAYO!?? BESTF-----F*CK!"
Sinampal ko siya bago pa man niya masabi yun. Masakit. Masakit.
Yung lagi ka nalang pangalawa sa buhay niya. Bestfriend. Tama. Bestfriend lang ako. Bakit nga ba ako nangingialam?
"Tama. BestFriend. Bestfriend na pupuntahan mo sa t'wing kailangan mo. Bestfriend na nandito lang para sayo. Bestfriend na lagi kang iniintindi. Bestfriend na pinupuntahan mo sa t'wing nag aaway kayo ng Daddy mo. B-bestFriend n-a n-a na Mahal ka." Umiiyak na ko. Di ko na kaya. Parang gusto ng tapusin yung Bestfriend na yan. Haha. Masakit.
Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.
"M-Mahal mo k-ko?" nauutal na sabi nya.
"O-oo. Mahal kita noon pa. Kaya ko ginagawa yun sa Lahat ng nagiging Girlfriend mo, dahil nagseselos ako. Pero parang ayoko na. Siguro nga talagang Bestfriend mo lang ako. Ayoko na. Sawa na ko sa Bestfriend na yan. Haha. Nakakaiyak, p*ta."
Nanatili lang siyang nakatitig sa 'kin. Ewan ko ba. Pero parang iba yung titig niya.
Ayoko mag Assum pero....
"Mahal din kita." nagulat ako sa sinabi niya. Lumaki mata ko sa sinabi niya. M-mahal niya ko? Pwede mag Celeb--- "Bilang Best Friend. I'm sorry, Sky. Best friend lang talaga ang turing ko sayo." pagka sabi nya non, bigla nalang siyang umalis. Great!
Masakit bes! Haha. Assuming talaga 'ko. Ayoko na talaga. Pero parang pabalik balik nalang yung sinabi nya....
Mahal kita. Bilang Bestfriend.
-THE END-
Ano ba yan! First time ko gumawa ng Story pero... WALA TALAGANG POREBER. HAHAHAH. Sana nagustuhan nyo. Babawi ako sa ibang mga One shot. ;)
VOTE. COMMENT. BE A FAN. :*
©Kristine_Kim / Asawa ni Myungsoo