Chapter 2: It All starts with a Chat

53 2 0
                                    

Nag-bell na at nagsipag uwian na ang mga estudyante. Pumasok ako ng CR para mag retouch tapos...

"Si Jeff...!!!" Bulong ko sa sarili ko.

Makalaglag panga ang kagwapuhan niya. Nagre retouch ako and naririnig ko siyang kumakanta habang nagpapalit siya ng damit.

"O, Andrei, Bakit ka nandito? Sinisilayan mo ba si Jeff?" Pang aasar na naman ni Lian sa kin.

"Hindi a!! Nagre retouch lang ako." Pataray Kong sabi sa kanya.

"Lols."

Lumabas ako ng CR ng kinikilig. At feeling ko namumula na naman ako. Then, pagpasok ko ng room namin may sinusulat si Shakira sa board na kailangan namin para bukas sa practice ng sayaw para sa Foundation day ng school namin.

Tomorrow you are suppose to bring this things:

Color Black Shirt
Water
Jacket
Cap

Yan yung nakalagay sa board na kailangan namin bukas para sa practice. Mangingitim na naman ako.

"Shakira Palapala Guerrerooooo!!!!!" Pasigaw Kong hinahanap si Shakira.

"Bakit na naman?" Pasigaw niya ding sagot sa akin.

" Mag usap tayo bilis... Ayy. Sa PM na lang pala."

Nag ayos na ako ng gamit ko at umuwi na. Pagkauwi ko ng bahay, dali dali akong nagbukas ng Facebook.

"Shakiraaaaa...." Nagtype ako ng mabilis para lang iChat si Shakira pero...

"Hala. Na- wrongsend ako. At ang napagsendan ko pa ay si... J-E-F-F..Hala hala.... Buraaaaaaa!!!!!!" Sinigaw bigla ng utak ko.

"Shakira?" Nag reply na si Jeff at Hindi ko na nabura ang message ko sa kanya ahh I mean wrong message ko sa kanya.

"Ahh. Ehh. Wrong send.." Reply ko naman sa kanya.

Tas bigla ko na lang nakita na...

Active 2mins ago

Hayss. Salamat at nag offline din pero kinikilig ako kasi...

"Nag chat siya sakinnnnnnnn!" Napatalon na ako sa sobrang kilig ahh I mean TUWA.

OhOurGod. Pak Ganire. Boogsh Kalaboogsh. PTL. Ayieeeee. Kinikilig akoooooo!!!!

Nag scroll ako sa active friends ko sa messenger tapos nakita ko na online si Shakira.

"Shakira... Alam mo ba?" Chat ko Kay Shakira.

"Ano! Hindi ko pa alam." Reply niya naman sakin.

"Na wrong message ako Kay Jeff at nag reply siyaaaaa!!!" Mabilis kong tinype para i reply sa kanya.

"Anong nireply?" Sagot niya naman.

"Shakira? Yan yung nireply niyaaaaaaa!"

"Bakit Shakira?" Tanong niya sakin.

"Eh, kasi nga dapat para sayo yan. Eh diba nga na wrong send ako." Sinagot ko sa tanong niya.

Hindi ko alam kung alam niya ba na crush ko si Jeff. Alam niya kaya? Siguro Hindi.

Sa sobrang tagal ko mag isip kung alam ba ni Shakira o Hindi, nakita ko na...

Jeff Ramos
Active now

OhmyGod. Online siya. Machat nga...

"Hi, musta?" Chat ko sa kanya.

...

"Ay nag ta type palang." Bulong ko sa sarili ko.

"OK naman, ikaw?" Sagot niya sakin

Whaaaaaaa. Nag reply siyaaaaa. Napatalon na naman ako sa sobrang Ki---tuwa.

"OK naman ako. Ano gawa mo?" Reply ko sa kanya habang kiniki--- natutuwa.

"Shakiraaaaaaaaaa......." Nag chat ako Kay Shakira.

"Ano na naman?" Reply niya.

"Nagchat sakin si Je-----"...

Shakira Guerrero
Active 3mins ago

"Ayyy. Biglang ganorn."

Natulog nalang ako pampalipas ng stress.

Escaping World of LiesWhere stories live. Discover now