KILIG to the Power of Three
(the love story of the G girls :))
© HeartAtRest
Part 1.
*** ASH ***
Sabi nila, masama raw yung masyado kang CHISMOSA.
Sabi ko naman, okay lang yun kasi it’s an intellectual act of collecting information
regarding NOUNS - people, places, things, animals, events (pero mostly people LOL),
and its also an act of showing that you are a concerned and responsible citizen para
gustuhin mong malaman kung anu-ano ang nangyayari sa paligid mo.
Kaya ayos lang maging chismosa basta ba hindi gawa-gawa lang yung pinagkakalat mo. XD
Ashley Geronimo po pala, at no, hindi ko po kamag-anak si Sarah. XD
Sa 15 years of existence ko sa mundong ibabaw, marami na akong nasagap na cheese sa radar ko.
May nakakaaliw, may nakakabaliw, may useful, may walang kwenta,may nakakabuti, may nakakasama,
may certified tama at may haka-haka.
"Kaya raw natanggal si Lady Guard natin kasi kabit raw siya nung husband ni Principal Anna!"
"Tide powder daw yung ginagamit bilang shampoo ni Aling Bebang.. pwede pala yun??"
"Yung si Neil? Yung gwapong varsity? Klepto pala!!"
"Hindi naman raw Gluta yung gamit ni Marianne kaya siya maputi eh.. Harina daw, harina!! Akalain mo yun??"
"May affair raw si Manong Kwek-kwek tsaka si Aling kamote-Q ! Nadevelop raw habang magkasamang nagtitinda.."
"Si Jayson at si Andrea na pala. Eh kaka-break palang ni Andrea dun sa pinsan ni Jayson ah, yung Mike ba yun?"
Oh kita nyo na? Iba’t-ibang klase ng chika talaga ang meron.
Local palang yan ha? Barangayan pa ang scope nyan.
Ano pa kaya kung national na di’ba?
Pero alam nyo kung anong chismis ang pinakagusto ko sa lahat?
Gan'to kasi yun:
(Nagkukumpulan kaming lahat ng mga girls ng III – A except kay BFF kong
si Jaycee na natutulog at sa isa pang BFF ko rin
na si Kierre na nagbabasa, our usual setting kapag may bagong chika..)
"May bago raw tayong classmate! Papasok ngayon!" – Sandra
"Ano meron sa kanya?" – Anne
"Gwapo raw eh, sabi ni Lady Guard. Fil-Am, yun yung rinig ko dun sa faculty." – Sandra
"Di mo nakita?" – Mae Ann
"Hindi eh. Pero nakausap ni Katie. Andun kasi siya, may pinagawa si Maam Poren. Sabi, may sinusundan na girl.
Parang may promise ata sa isa’t-isa or something like that. Magiging GF daw nya yung girl pagbalik nya rito
from the States. Dito kasi sila nakatira nung family nya tas nagmigrate lang sa US when he was around 10 or 11." -- Sandra
Woah. Naalala ko tuloy yung kababata kong si Dave. Ang Debdeb ko. Haha.
Ansagwa lang eh. XD. Ganun rin kasi yung promise namin sa isa’t-isa.