Nang ako'y tumaba

51 0 0
                                    

Ako si Janice, 25 years old. 34-38-40.

Opo. Alam nyo na kung ano’ng ibig sabihin nyan. Yan lang naman ang vital statistics ko. Di ako proud, nasusuka nga ako eh (sshh. Quiet lang, baka mabatukan ako ng mga kaibigan ko). Anyway, sinasabi ko lang naman para di na kayo mag expect sa itsura ko. Baka nga naman kasi iniisip nyo na maganda at sexy ako. Well, noon yon, ngayon hindi na. At nagka amnesia na ako kung pano nangyaring tumaba ako nang ganito. As in tumaba na at lumobo ako nang lumobo…..

Sajlfhbdw9lvcnwdjkvdov.

Alien ba? Napamura lang. Well. Ganyan kasi magmura ang alien. Dbjasmhfgvakjdchbasdbvs.

Oh diba astig?

Walang gayahan, pinaghirapan ko ho yan preynds. Pero one day, hindi ko lang talaga maintindihan kasi there was this guy na so annoying talaga and then you know, he confessed ba? Kaloka. Tapos…

Ay ewan. Siguro mas mabuti pang ikwento ko na sainyo kung pano ba nangyari yon.

I-Cholesterol

“Hooh ang init! Grabe ang hirap talaga magwork out.”

Kasalukuyang nasa gym ngayon si Janice. Hindi pa nga sya nagtatagal doon ay tila hapong hapo na sya. Ilang buwan na rin siyang nagwowork out. Pero parang wala pa rin nagbabago sa size niya. Gayunpaman, ay hindi pa rin sya sumusuko, umaasa siyang isang araw ay papayat siya at magiging bagay na bagay sila ng kanyang pinapangarap na prince charming. Napatigil siya sa pag iisip nang biglang may nagsalita mula sa kanyang likuran.

“Talaga. Lalo na sa katulad mong saksakan ng taba! Ahahahahah.” Wika iyon ni King, ang antagonist sa buhay ni Janice sa kwentong ito. Mas nagpanting ang tainga niya nang gatungan pa ito ng asungot nitong kaibigan.

“Oy pare wag mo namang ganyanin si Janice, baka ma stress yan sayo lalo pang tumaba. Hahahahaha.”

“Papatulan ko na tong mga bwisit na to.”

“Hey Janice, wala kang mapapala kung papatulan mo sila. Heto nahulog mo yung tuwalya mo.”

Si Nick ang nagsalita. Ito po yung sinasabi kong prince charming ko. Haha. Ang cute talaga niya. Ang macho macho. Nakuu. At heto nanaman siya, pinagtatanggol nanaman ako. Inlove na talaga ako sa kanya. Framish!

“Ah salamat nick. Sige aalis na lang ako.”

“Okay. Mag ingat ka. And yang katawan mo, be patient. Wag kang susuko. I know maaachieve mo din yung katawan na gusto mo. basta dapat maging disiplinado ka lang sa diet mo. okay?”

 “Salamat Nick. Buti kapa iba ka sa kanila.”

“Hehe. Let’s just say that I was once like you. O siya sige baka magabihan ka pa. you take care.”

“Oh sige Salamat. Ikaw din Nick. Mag ingat ka ha.”

Hay. Naku buti na lang at may isang taong ang bait bait sakin. Ito na nga ang dahilan kung bakit araw araw akong napu-fall kay Nick. Totoo talaga pala yung sinasabi nila, kung sino yung unang taong nagpapakita nang kabutihan sayo ay sakanya ka talaga mahuhulog. Nakakakilig. Kaya kahit inis na inis ako doon kay King ay nagsi stay pa din ako dahil naandon si Nickbabe ko.

At as usual, bago ako natulog nang gabing iyon ay tinawagan ko muna ang aking bestfriend na si Missy. Reason? Para ikwento ko lang naman ang tungkol kay Nickbabe ko at ang pag uusap namin.

Nang ako'y tumabaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon