Mika's P.o.v
"Kev.." tawag ko sa lalaking tumatakbo papalayo sa akin
"Wag mo akong iwan." hahabulin ko na sana siya ng bigla akong mahulog
"Wait.. Mahulog? What.. Bakit ako Mahuhulog? Ang pagkakaalam ko tumatakbo ako ah?"
"A-ARRRAAAAYYY!!" daing ko habang hawak hawak ang ulo ko
"Ang sakit!" doon ko lang napansin na panaginip lang pala ang lahat
Nalungkot ako bigla"Hay..Napaginipan ko nanaman siya. Hindi ko nanaman siya nahabol." Napadako ang aking tingin sa orasan
"Papasok na pala ako" Naligo at Nakabihis na ako ng pang pasok ko napangiti ako nang makita ko ang replection ko sa salamin
"Napakanda mo talaga Mika." Sabi ng aking isipan
Sa aking pagbaba Nakita ko kaagad ang aming Kasambahay na si Manang
"Manang.. Magandang Umaga po" Magalang ang aking pagkakasabi na siyang ikinangiti nito
"Oh iha.. Pumunta ka na sa hapagkainan at nandun na ang iyong Ina" Tumango na lamang ako bilang sagot at pumunta na sa hapagkainan
"Mommy.." Mahina ang aking pagkakasabi ngunit sapat na para marinig niya iyon dahil sa pagbaba niya ng kutsara at tindor
"BABYYYY!!" Mabilis niya akong niyakap na siyang ikinatawa ko
"Mommy naman para ilang taon mo akong di nakita.. Bakit hindi mo sinabi saakin na uuwi ka na pala dito?" Sinadya kong maging matamlay ang boses ko
"Sorry na baby.. gusto lang kitang isorpresa.." Paglalambing ng aking ina
"Fine fine" kakain na ako at baka malate pa ako. sinimulan ko ng kumain kahit naiilang ako sa pagtingin saakin ni mommy
"Uhh.. Bakit ganyan ka makatingin sakin mommy?" Kabadong tanong ko
"Naisip ko lang na ang tagal na pala kitang iniwan mag isa dito .. ngayon ay malaki ka na.. ni hindi man lang kita nakitang lumaki.." Totoo yon. dahil yon sa pag iwan niya sakin dito at pumunta siya sa ibang bansa para magtrabaho. At dahil ayaw kong mapag usapan ang topic na iyon ay tumayo na ko
" Aalis na ko my" Humalik na ako sa kanyang pisngi " i love you my" ngumiti naman siya saakin
" i love you too baby.. ingat ka ha?" Tumango na lamang ako at tumalikod at bumuntong hininga habang naglalakad palabas
Siya nga pala Ako si Mika Cassandra Castro, 17 years old at single na single. Malalaman niyo rin ang istorya ko hahaha
"Oh iha .. tara na at baka malate ka pa" Napasigaw ako sa pagsulpot ni manong albert
"AHHHHH! MANONG ALBERT NAMAN EH?! WAG KA NGANG MANGGULAT" kinamot na lamang nito ang kanyang batok at yumuko
"Pasensya na iha.. hindi naman kita gustong gulatin.." Naawa naman ako dahil nasigawan ko. Oo madali akong maawa.
"Ayus lang manong .. tara na po" pumasok na ko sa loob ng kotse namin at umupo ng maayos at tumingin na lamang sa labas hanggang nakarating na kami sa Leighton Academy
BINABASA MO ANG
One-Click (ON GOING)
Teen FictionPrologue A Story that can change your emotions , A Story that you can imagine, A story that you will feel every word within every Chapter. In just One-Click Everything will Change her