Prologue:
Minsan kailangan natin bitawan ang mga bagay na alam naten na ikinalulungkot naten. Kahit sobrang hirap gagawin parin naten.
Ang mahirap kasi sa pagbitaw at pagdesisyon ay yung mga tanong na tama ba ito? Kakayanin ko ba? Yan yung mga tanong na papasok sa isipan naten.
May mga tao kasing minsan tutol sa relasyon kaya nagagawa nateng makipagbreak.
In the end, marerealize mo na hindi mo pala kaya, kaya kailangan maging matatag kasi desisyon mo yun. Tapos mafefeel mo na mahal mo pa pala sya at kaya kailangan nateng balikan. Yung bigla mo na lang mapapasabi sa harapan nya na "TAYO NA LANG ULIT?"
Hi. Si Patrixia nga pala ang panglan nung babaeng nagkaroon ng bf na sobrang mahal nya at John ang pangalan nung ex nya. :D
January 2,2013
Nung mga araw na yan may ka-MU pa si Patrixia na ang pangalan ay si james sa text pa nya nakilala pero sobrang sweet nila. Kaso may sumira nun, ang tukso. Meron kasing isang lalaki sa lugar nina Patrixia na hindi kapogian pero nabihag ang puso nya. Edi lagi nya ng sinisignature sa gm nya. Nagtataka na rin naman tong ka-MU nya. Gabi nun nakaonline si Patrixia, ng biglang. *toooot* John Dalangin messaged you.
John Dalangin
Hi :)
Biglang tumibok ng sobrang bilis ang puso ni Patrixia as in di sya mapakali. Saya saya ng feeling nya edi nagchat sila. Yan simula ng pag uusap nila. :)
Sa paglipas ng araw na-fall na'tong si Patrixia kay John, kasabay naren nito ang pagkawala nila ng connection nung ka-mu nya. :( Sobrang nasaktan si Patrixia sa nangyare. Iyak sya ng iyak buong gabi. *FAST FORWARD*
Dahil sa nangyare parang nakamove on na sya. Kasi andyan naman si John. Hindi alam ni John na may gusto pala tong si Patrixia sa kanya. Palagi silang nagpapansinan. Nagkukulitan asaran. Basta sobrang saya nila. Biruin nyo grade 7 palang nyan si Patrixia at third year si John. Natapos ang year nayon na sobrang saya ni Patrixia at nagkakilala sila. Yung close ba ga. May reme,brance nga sya kay John. Bench Bath na yellow inarbor kasi. :)
Bakasyon na nun, uso na naman ang liga tapos nag aantay ng parada si Patrixia. Nag ayos ga sya para dun. Tapos edi ayan na nadaan na. Biglang tinawag nung pinsan ni Patrixia yung muse nung team nina John.
Rheina! -Czairrah
Napatingin naman si Rheina nun, isama mo na din si John na nakasabit sa balikat ang bench bath na yellow na nakatingin kay Patrixia. Nagka-eye to eye si John at Patrixia ng matagal. Sheeeet ;""> Kilig vibes ba. Sarap feeling heaveeeen :D
Simula nun nanuod na sya ng liga with friends. Napapansin nya na sa araw araw nyang panunuod na-fafall na silang dalawa sa isa't isa. Yung mga titigan nila sa court. Simple lang pero laglag petals na agad. Nung mga time nayan nagtanong na si John kung pwede daw manligaw. Matagal tagal nya na din gustong gawin yun pero natatameme sya. Pero todo pakipot naman tong si Patrixia pero sobrang sweet nila. :) Palaging magkatext at magkatawagan. Kupo. Anu gang swerte? :))) Di akalain ni Patrixia yun.
BADNEWS. MAY HADLANG! PUPUNTA SI PATRIXIA SA CAVITE.
Nalungkot sya. Sobrang lungkot kasi ganun nga. Baka mawala pa sa kanya yung mahal nya. Edi bago magpunta sa cavite nagpapicture muna sya kay John pagkatapos nung laro. Grabe. Nagkadikit ba naman sila tas sarap sa feeling.
Papasa nga nung picture naten. :) -John
Todo bigay naman agad ng cellphone areng si Patrixia. Pagkadating sa bahay, hindi maipinta ang mukha ni Patrixia sa sobrang kilig. :"""""""""> Tas ginawa nya pang wallpaper.
*FAST FORWARD*
Sobrang raming ginawang effort ni John para kay Patrixia ang pahahatid at sundo nya sa bahay nila para lang makapanuod ng laro nila. Ang pakikipagext at tawagan nya palagi. :'>
APRIL 20,2013
Magkatext sila ni John. Nagpag-isip isip ni Patrixia na sagutin nya sa 12:00 pero biglang nakatulog sila ni John. Ba naman yan? Sasagutin na nga lang, nakatulog pa?
APRIL 21,2013
This is the daayyyyy! <3 <3 <3
Yan naaa :D
*tok*
Binuksan ni Patrixia cp nya.
A text from John! :D
Kailan mo ba ako sasagutin? ;) Akala ko pa naman kagabi yun eh.
Dahil sa kinukulit sya ni John. Sinagot nya na si John pero tago pa lang relationship nila. Walang nakakaalam kundi sila. Gabi na kasi, pinatigil nya ako sa bahay ng lola nya at ihahatid nya daw ako. tas ayun ang tagal tagal nya ay nahihiya na areng si Patrixia.
Kahit sobrang tagal nya inihatid pa din niya si Patrixia. That night nagkakagalit sila biruin mo first day pa lang nila nagkakagalit na. :3
Tumibay ang samahan nila kahit nasa cavite si Patrixia dahil ng kanyang mama. Tawagan palagi skype.
*FAST FORWARD*
*May 21,2013
1st monthsarry nilaaaaa<3
*Kring kring*
Ginising ng mama ni Patrixia siya at dahil may natawag sa kanya.
Sinilip ni Patrixia at nakita niyang Baby is calling.
Agad niyang sinagot ito.
Hello -Patrixia
Baby. happy monthsarry :* Mahal na mahal kita :)-John
Happy Monthsarry din. iloveyoutoo :*-Patrixia
SOBRANG TAGAL NILANG MAGKAUSAP. Tumulog ulit si Patrixia kasi sobrang aga pa. Nagising ulit siya dahil may natawag.
*Baby is calling.
Agad niyang kinuha cp niya. at sinagot.
Hello.-Patrixia
Anong ginagawa mo?-John
Nakahiga kakagising ko lang eh-Patrixia
Ahh. Nakatulog ka ulit?-John
Oo eh.-Patrixia
Siya tayo ka na baby para di ka tamarin ngayong araw. :D-John
Sige.-Patrixia
Biglang tinawag ng papa ni John siya.
Baby maya naulit tawag lang ako ni daddy.-John
Sige. Bye-Patrixia
Iloveyou-John
iloveyoutoo-Patrixia
Natapos yung araw nila na sobrang sweet at palaging magkatawagan. Yewn umabot din naman ng 1 month eh. Looking forward na sa second month nila.
Wala silang masyadong pinag aawayan. :) Ayos ang relasyon nila hanggang sa pag uwi ni Patrixia sa Sinala.
SImula ng pasukan. June 10,2013
Di nila alam ang schedule. Ano ba yan? Edi umuwi na agad si Patrixia tas nakita niya kasabay niya sa jeep and take note parehas violet bag nila. Destiny ituuuu. \mmm/
*tok*
Baby(John)
-Sabay pala tayo kanina. Parehas pa ng bag :*
Baby(Patrixia)
-Onga eh. Destiny kasi tayo baby.
Ayaaaan. 1 week na yung pasukan nila nna magkasabay sila. Yie