Sabi nila, napaka-cliché na na magpapakilala ang characters sa prologue..
EH ANO NAMAN NGAYON?!
Alangan naman na dumada kami sa dito sa prologue nang di niyo man lang kami kilala! Edi kami pa nagmukhang tanga dito. *rolls eyes*
Pero dahil gwapo ako at kating-kati na kayong malaman ang napakagwapo ko ring pangalan, magpapakilala na ko. At dahil ayoko na parang nobela yung sasabihin ko, I'll make it short. My name is Valdez. Max Valdez. Odiba? Pagpapakilala pa lang, may dating na! Parang James Bond ang introduction. Haha! Pero bakit hindi? Pwede ko nga siya palitan sa sobrang gwapo at hunk ko eh. Tss. Walang sinabi yang kinababaliwan nila na mukha ni Pierce Brosnan.
Bakit? Isa kasi akong hot at gwapo, sikat, mabango, mayaman, malinis, maayos, magara, ma——
"Mayabang, maarte, masungit, mainitin ang ulo, makapal, makupal, mapapel, mapanlait, maangas, mata-pobre, mapang-api, mahangin, mahambog, walang modo, bastos, manyak, assuming, feelingero, ilusyonado, arrogante, proud, over-confident, pathetic, antipatiko, impertenente, impakto, balahu——"
Agad kong tinakpan yung napakadaldal na bibig netong babaeng kasama ko ngayon sa harapan niyo. May pabilang-bilang pa siyang nalalaman sa mga pagkapangi-pangit na mala-pasas niyang daliri.
"S-SHUT UP! You're cramping my style!" Sigaw ko sa kanya. Kumawala siya sakin.
"Eh bakit?! Totoo naman ah! As if hindi ko alam!" Bulyaw niya pabalik.
BINABASA MO ANG
My Superstar Julalay (Soon)
Humor[3] What if one day, pag gising mo, ang pinahihirapan mong personal julalay, ay isa na palang superstar na mataray? Oh my gulay! Musta na ang ating buhay? Sakit ng ulo ito, patay! Prologue Posted: April 24, 2014