♥Umbrella♥
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
"Haaay! Umuulan na naman! Nakakabwiset!" sabi ko sabay padyak sa may semento. Nakasilong ako ngayon sa isang tindahang di ko alam.
"Bwiset! Kung bakit kasi ngayon pa umulan, wala akong payong. Haaay!.... Life nga naman parang ewan!" at dahil wala akong kausap, I'm talking to my self na parang baliw.
*SPLASH* *SPLASH* *SPLASH*
Huh? May lalaking papunta sakin na di ko kilala.
"Haaay! Uhm... excuse me miss, may payong ka ba?" tanong nya. Infairness gwapo sya, as in nakatunganga ako sa kanya dahil sobrang gwapo nya nga.
"Uhm... miss? Yoohoo! Hello??" sabi nya na nagwave pa ng kamay sa harap ko.
"Ahh... wala akong payong... pero meron akong pangalan... *^▁^*"
Nakatunganga pa din ako sa kanya na para bang anytime ay malulusaw na sya dahil sakin.
"Okaaayyy.... so anong... pangalan mo??" KYAAAAH!!! Tinanong nya pangalan ko!!!
"Uh-uhm... I'm Inggit.. este Ingrid S-Santos. N-nice to m-met yo!" sabi ko ng nauutal sabay lahad ng kamay ko. Nakalimutan ko na ang ulan at ngayon ay nababasa na ako.
Pero siopao lang, napabisaya ako ah. Mouth naman, why are you so cruel at ngayon ka pa nadulas!
"Hehe... nice to meet you din. I'm Robert Jenkins anyway." weh... nagsmile pa sya sakin.
"Miss Ingrid sumilong ka dito, nababasa ka na ng ulan." weh... nag-alala din sya sakin.
"Ah... eh sorry." nahiya naman ako sa kanya kaya napayuko na lang ako, pero hindi pa rin ako nakakasilong. Nababasa pa rin ako ng ulan pero imbis na lamigin ako, nag-iinit ang pisngi ko at pakiramdam ko ay namumula ito.
Nagulat naman ako ng bigla akong hawakan ni Robert sa braso at hinatak palapit sa kanya. Ngayon ay halos gahibla na lang ang layo ng mga mukha namin. Biglang namula ang mukha ni Robert at lumayo sa akin.
"Uh-uhm... sige miss Ingrid, mauna na ako tutal humina na naman ang ulan. Sa susunod na pagkikita na lang natin..." sabi nya sabay bow at naglakad na paalis.
Hindi pa sya masyadong nakakalayo ng sumigaw ako sa kanya. "Ingrid na lang! Sige sa susunod na pagkikita na lang natin... Robert Jenkins!" nagwave sya sa akin bago tumakbo at mawala ng tuluyan sa paningin ko.
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
BINABASA MO ANG
♥Umbrella♥
RomancePagkakataon nga lang bang masasabi kung nagkakilala sila nang dahil sa wala silang payong?...