07

627 29 41
                                    

Chapter seven
Autumn

Dahil ayoko munang magpakita sa kanila lalo na kay Taeyong, nagbasa nalang ako ng kanya-kanya nilang profile.

Mas marami pa kong nalaman tungkol sa kanila and whoa, feeling ko ang tagal tagal ko na silang nakakasama kahit wala pang isang araw akong nagsstay dito.

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa nang may biglang kumatok sa pinto. Tumayo naman ako agad at binuksan ito. It was Taeyong. "Here. Invited ka daw sa birthday ni Jongdae sunbaenim. Nandiyan na yung details."

He handed me a blue invitation then left. Binasa ko naman agad ang nakalagay sa invitation.

-----------------------------------
You are Invited!
Kim Jongdae's Birthday Party

Time: 4:00pm onwards
Venue: Suho's Mansion
Attire: Casual

P.S.
Exciting games await!~
----------------------------------

Games? Ano 'to children's party? Pero wait..Jongdae? Kim Jongdae? Chen? EXO? Homaygash. My EXO-L heart T___T

Enough with that, kailangan ko nang mamili ng susuotin ko. Oh diba, casual lang ang attire pero kailangan pang paghandaan. Lol.

-

"Manaaaageeeeerrrrr! Wake up! Gutom na kami! Ayaw kami ipagluto ni Taeyong hyung!" Rinig kong sigaw ni Mark habang niyuyugyog ako. Jusko antok pa ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko silang nakapalibot sa akin lahat. Well except for Taeyong.

"Gising ka na! Yes!" Sambit ni Doyoung habang ngiting-ngiti pa. Seriously? Ang cute niya.

"Ang aga aga pa nambubulabog na kayo. Ano ba kailangan niyo?" Mahina kong sabi sa kanila. Antok pa nga kasi ako:<


"Si Taeyong kasi! Kanina pa kami nagpapaluto sa kanya ng almusal pero nagkukulong siya sa kwarto ngayon at siya lang ang kumakain!" Sabi ni Jaehyun with pouty lips pa. Ang cuteeeeeeee<3



"Diba sabi ni Taeyong hindi naman daw ako katulong? Stop acting the opposite nga daw diba? Haha." Nakangiti ngunit malungkot kong sabi sa kanila. Totoo naman diba? Bat ako nalulungkot? Ano meron?



"We're sure he didn't mean that. Please manager noona, magluto ka naman ng almusal natin." Sambit ni Taeil. Sa kanilang lahat? Si Taeil talaga pinakamatino.



I sighed. "Yeah, sure. Sige na labas na muna kayo mag-aayos lang ako saglit tapos magluluto na ako." Sabi ko at ngumiti sa kanila. Tuwang-tuwa naman sila sa narinig. Tsk. Para talagang mga bata.



Nagluto ako ng sinangag, itlog, at daing. Nung una nagkakahiyaan pa sila, pero nung tumagal na eh konti nalang magsuntukan sila dahil nag-aagawan sila sa pagkain. Literally. Nakakabaliw 'tong mga 'to.


Nasaan kaya si Taeyong? Nagkukulong pa rin ba sa kwarto niya? Sadya bang madamot siya o ayaw niya lang talaga ako makita? Hays malamang ayaw ka niya makita. Psh.


Maya-maya pa ay bumaba ng hagdan si Taeyong at mahahalata mong namamaga ang mga mata niya. "Ano nangyari sayo?" Tanong ni Ten kay Taeyong. Nagkuskos lang ng mata si Taeyong at humikab.



philophobia ✧ taeyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon