At Naked Island

936 17 0
                                    

Harold's POV

Kasulukayan naming hinihintay ang bangka na sasakyan namin papunta ng mga Islands.

"Ma'am Sir.! Sakay na kamo dinhi sa akong bangka! Mao man daw ni inyong sakyan..." Huh? Pramis wala akong naintindihan...

(Translation: Ma'am Sir.! Sakay na kayo sa aking bangka. Ito daw yung sasakyan niyo...)

"Kuya. Tagalog kasi kami. Galing kami ng Maynila. Hindi namin naiintindihan ang lenggwahe niyo.." Sabi ni Divine.

"Ay pasensyahe ko ninyo. Sorry Ma'am Sir.."

(Translation: Pagpasensyahan niyo po ako. Sorry Ma'am Sir...)

"Okay lang Manong.. So, ito po ba yung sasakyan namin?" Tanong ni Andrea.

"Oo hija.. Sakay na kayo.." Sabi ni Manong.

"O tara na! What are we waiting for?" Sabi ni Mike.

"Love me like you do.. Love me like you do.." Singit ni Hanry.

"Tatawa na kami?" Pang-aasar naman ni Mika.

"Heh!" Hhaha.. Yun na lang ang tanging sagot ni Hanry.

Sumakay na kami sa bangka ni Manong. Pinasuot niya kami ng mga life jackets. Aba syempre, Mahalaga buhay namin....

"Ready na po Mam, Sir?" Tanong ni Manong.

"Opo Manong.." Sagot ni Hannah.

"Okay, tayo na!"

Nagsimula ng umandar yung bangka, di-motor siya kaya ang ingay.

Panay kuha ang mga babae ng pictures. Kami naman, alam niyo na.. Kinukulit sila at sinisira yung picture.. 

"Ano ba Harold! Pang-walong picture na yun na sinira mo! Letche ka Panda!"

Imbis na magalit ako sa sinabi niya eh tinawanan ko na lang.. I like it when I get her attention.

"Eh yun na lang palagi mong kinukuhanan.."

"Yun nga lang palaging Kong kinukuhanan pero sinisira mo naman! Wala tuloy akong na-save ni Isa! Alis nga Panda!"

Lumipat siya ng upuan kahit medyo unbalance dahil sa malalaking alon, nakarating naman siya ng safe sa kabilang dulo.

"Oiii.. Nagalit ba si Divine?" Tanong ng katabi ko. Si Kaith.

"Oo eh..."

"Wag mo kasing pakialaman. Tsk...tsk... Bawas points ka na tuloy.." Huh??? Ano ba 'tong pinagsasabi ni Kaith. Bawas points??

Hindi ko maintindihan.

"Andito na po tayo Mam, Sir."

"Salamat ho Manong.." Sabi ni Hannah at tuluyan ng bumaba ng bangka.

"Wahhhhhh!! Wala talaga siyang puno??!" Ang ingay ni Mika. Halatang Hindi makapaniwala sa nakikita...

"Hinaan mo nga yang boses mo Mika! Igno ka masyado!" Alam niyo naman siguro Kong sino diba? Kung alam niyo aba Genius na kayo!

"Edi takpan mo ang iyong malaking tenga. FYI! I'm not an ignorant person! Sadyang ngayon pa ako nakakita ng Island na walang puno! Letche!!" Nag-walk out si Mika at naglakad-lakad.

"Divine! Divine!!!"

"Bakit ba Elle?"

"Magtago ka bilis!!"

The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon