CHAPTER 1
Isang maulan at malungkot na gabi ng isang tawag ang natanggap ni Angie galing ito sa isang kaibigan niya na si Jared na niyayaya siya sa isang party kasama ng mga kabanda kung saan siya ay isa sa mga gitarista, Dali dali naman siyang sumagot ng oo at sumama sa kanyang kaibigan. Nagpaalam siya sa kanyang kapatid na pupunta siya sa isang birthday party at bukas na siya makakauwi. Umalis na siya agad agad pagka halik sa pisngi ng kanyang kapatid. Sumakay agad siya ng tricycle pag labas ng kanyang bahay. halos alas-dyes na nga gabi nang siya ay makarating sa bahay ng kabanda ng kaibigan niyang si jared. Pinakilala siya ni Jared sa mga kabanda niya na sina France (gitarista) Christian (Drummer) Carlo (Bokalista).Agad naman niyang naka lagayan ng loob ang mga ito, nakabiruan din at masaya namang natapos ang inuman na iyo, sina Carl at Martin ay umuwi na sila Christian at Jared ay doon na natulog kala France kasama si Angie..
Alas otso ng umaga kinabukasan ng sila ay magising, Nagkwentuhan ng kaunti, nagkape at pag tapos ay sabay sabay ng umuwi sila Angie,Jared at Christian. Hinatid si angie ng dalawang binata. nakauwi na si Angie sa kanila inasikaso ang kanyang mga kapatid at mga hapon na ng siya ay pumasok sa klase, kasalukuyang nsa 1st college si Angie Sa isang kolehiyo sa Quezon city. Mga alas-sinko ng gabi ng makatanggap ng text si angie galing kay France na niyayaya siya nito na sumama sa kanila dahil kaarawan ng kabandang nilang si martin. agad namang pumayag si angie na nung una ay nahihiya pang sumama.
Alas-otso ng gabi ng siya ay makarating sa bahay ni christian dahil doon daw gaganapin ang kaarawan ni Martin. Masaya naman ang naging kaarawan na ito. Madami silang nag inuman dahil sila Jared,France ay kanya kanyang mga partner dumating din ang iba pa nilang kaibigan. mga alas-dos ng madaling araw ng nagdesisyon nang magsi uwian ang mga bisita. Ngunit si Angie ay hindi pa pwedeng umuwi dahil wala ng masasakyan malayo ang bahay nila Christian sa bahay nila angie kaya napag usapan nilang dito nalang siya magpaumaga. Hindi sila natulog dalawa dahil hindi pwedeng mag akyat ng babae si Chisian sa bahay nila kung kaya't nagkwentuhan nalang silang dalawa. hanggang umaga. Alas-singko ng umaga ay umuwi na si Angie, ngunit bago siya umalis ay nagpalitan sila ng numero ni Christian
CHAPTER 2
Alas-diyes na ng umaga ng nagising si Angie, masaki ang ulo nito dahil sa dami n alak na nainom niya nung gabi. Tinignan naman niyang agad ang kanyang telepono nakita niya agad ang mensahe galing kay Christian na kinakamusta siya kung siya ba ay nakauwi na. Ngumiti ng matamis si Angie at agad tumugon sa mensahe ng binata.
Makalipas ang isang oras ay hindi padin muling nagrereply si Christian sa tugon ni Angie. Lunes ng gabi ay muling nakatanggap ng mensahe si Angie galing kay Arnold at Jared niyaya siya ng mga ito dahil meron daw silang gig. Bilang mahilig sa musika ay agad namang tumugon si Angie at sinabing sasama ito sa kanila. Natapos na ang tugtog nila at naguwian nadin silang lahat.
Simula ng gabing iyon ay napadalas ang pag nood ni angie ng gig ng banda nila jared naeenjoy niya kasi ito at wala naman siyang ginagawa sa bahay nila bukod sa tingnan ang kanyang mga kapatid.
Nagsimula nading maging close sila Angie at Christian. Lagi silang nagkakatext at ngkkwentuhan. araw araw halos ay magusap nila. Naging close silang dalawa. Madaming nalaman si Angie kay Christian nalaman niya na may kasintahan pala ito si Aya. nagulat siya dahil hindi niya alam na ito may kasintahan. Napag isipan ni Angie na huwag masyadong lumapit kay Christian dahil ito nga ay may girlfriend nag alangan siya na baka pagselosan siya ni aya at maging gulo pa ito.
Alas-dyes ng gabi ay biglang nagring ang cellphone ni Angie nakita niyang si chrisitan ang tumatawag,
Kaagad naman niya itong sinagot, hell-o? Malungkot na boses ni Chritiqan ang bumulaga kay angie, hello christian? bakit parang ang lungkot ng boses mo? Paguusisa ni Angie
BINABASA MO ANG
The Drummer and his bestfriend
RomanceMinsan may mga bagay na akala mo Magtatagal dahil inaalagaan mong mabuti, Pero pag talagang hindi para sayo mawawala at mawawala ito.