xxiii | Isabella

5.2K 137 21
                                    

Facebook: Layerdine WP
FB group: Layerdine's

Mariin niya akong tinitigan at huminto siya sa harapan ko. Katiting nalang ang natatanging distansiya pangitan naming dalawa.

Marahas ang kanyang paghinga kaya't bawat singhot ko ay naliliyo ako.

Sarap mo sunggaban!

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Nakita ko ang paghagod ng paningin niya sa aking katawan. Inis siyang bumuga sa hangin at walang salitang hinubad ang pang-itaas niyang damit.

Ohlala...

Sa sobrang pagkamangha ko sa batak niyang katawan ay siya na mismo ang nagsuot 'non sa akin. Naiwan iyon sa gitna ng aking hita.

"Teka! Saan mo ako dadalhin?" napatangay ako sa kanya nang hawakan niya ang braso ko at hinila palabas sa lugar na iyon.

Pinakiramdaman ko ang mala-macheteng lalaki sa aking unahan. Hindi pa rin kumakalma ang balikat niya at seryoso pa rin ang kanyang awra. Pinasadahan ko ng tingin ang buhok niya, pansin ko humaba ito mula sa hindi naming pagkikita ng ilang linggo.

Pababa sa kanyang likod, at papunta sa kanyang kamay na nakahawak sa akin.

"Leandro?"

Suminghap ako nang may kita akong sugat doon sa kanyang palibot ng pala-pulsuhan. Sariwa pa ang sugat doon at may tumutulo pang kaonting dugo.

Bumuntong hininga ako nang hindi niya ako pansinin. Tumigil ako sa paglalakad at tinibayan ang aking sarili uoang hindi niya ako matangay.

Mas lalong nadepina ang panga niya sa pag-ngalit. Muling bumaba ang tingin ko sa kamay niya, "Anong nangyari d'yan?"

Huminga ako ng malalim. Hangga't kaya ko pang pigilan ang masyadong pag-aalala ay gagawin ko. Kung bibigay man ako, sisiguraduhin kong makapagtatapos muna ako sa pag-aaral.

"Don't mind this, tara na. Kailangan mo ng magbihis at baka magkasakit ka pa." Akmang hahawakan niya muli ako ngunit umiwas ako at ang kamay ko naman ang yumapos sa kanyang braso.

"Nawala ka lang, ganyan na nangyari sayo! Ano bang pinaggagawa mong lalaki ka? Kung napapabayaan mo lang naman pala ang sarili mo rito, bakit hindi ka nalang umuwi sa probinsiya at doon ka maghasik ng lagim?"

Pumadyak ako nang nanatili ang katawan niya roon sa kahit ano pang gawin kong paghila sa kanya.

"Bawiin mo ang sinabi mo," parang bigla akong napaso sa kanyang mata.

Nanghina ang katawan ko at walang pwersang hinawakan siya. Saksi sa aking mata kung paano tumulo ng sunod-sunod ang luha niya.

Kahit na nagulat ako at nagawa kong lumapit at masuyong pinahiran iyon.

"Hush..." kinagat niya ang labi na para bang pinipigil ang lahat ng emosyon.

Hindi ko kayang nakikita siyang ganito. Kumikirot ang puso ko at hindi ko mahawakan ang bawat kilos na gagawin ko.

Siya lang naman ang kahinaan ko.

Kaya nga binawi ko ang relasyon namin. Kaya nga kahit anong pilit niya na manligaw sa akin ay hindi ko sinasagot. Kahit na nais niyang tumira sa tinutuluyan ko,  hindi ko magawa.

Kasi alam ko sa sarili ko kung paano ako lumalambot sa kanya.

"Sino iyong lalaking linta na iyon?"

"Si Paleo, member sa swimming team namin."

"May gusto ka ba sa kanya?" hindi ako makakibo nang makita ko ang talim sa mata niya kahit na nangingislap iyon dulot ng mga luha.

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon