xxvii | Isabella

4.6K 135 36
                                    

Fb acc: Layerdine WP
Fb group: Layerdine's

May series ito nyahahahaha abangan!

"Hello sexy beybe," agad na nanlisik ang mata ko nang marinig ko ang nakakaasar na boses ni Paleo.

Inis na hinarap ko siya at pumeywang, "Wala ka bang balak huminto? Kasi punyeta ka!"

"Aray ko!" humawak siya sa kanyang dibdib at nagkunyaring nasaktan sa sinabi ko. Pagkaraan naman ay humalakhak siya, sapat upang marinig ng mga estudyante sa hallway.

Pampam pa ang walanghiya!

"I-Ikaw!" dinuro ko siya at nanggigigil na pinagdududutdot ang dibdib niya. "Ikaw na lalaki ka, tigilan mo ang paglandi mo sa akin! May asawa na ako!"

Pinakita ko sa kanya ang singsing na iniwan sa akin ni Lean. Nadatnan ko nalang ito paggising ko nong nakaraan na araw kung kailan siyang umalis.

Hindi ko naman mapigilan na humagulgol kasi iniwanan na nga ako, nagbigay pa ng dahilan para ngumawa ako sa pag-alis niya.

"Nasaan nga pala ang lalaking tinutuan ng asteroids sa katawan?" nilinga niya ang paningin niya at humarap sa akin, "Mukhang tinantanan ka na. Sa akin ka nalang sumama Isabella, mas masasarapan ka. Alam mo bang may maliliit na patutoy ang mga maskulado ang katawan."

Aba't dinamay pa ang ari ng pag-aari ko!

"At paano mo nasabi iyan, nakatikim ka na ba?" nakita ko ang pamumula ng mukha niya sa pagkapahiya dahil may mga tumawa sa paligid namin na nakakarinig ng usapan namin.

Mas lumaki ang ngisi ko nang makita ko ang paglikot ng mata niya.

Hmm... mukhang may itinatago si manyakis!

Humakbang ako palapit sa kanya at tumingkayad para mapalapit sa tainga niya.

"Alam ko ang sikreto mo, Paleo. Isang kulit mo pa sa akin, sisiguraduhin kong mawawala yabang mo."

Namutla siya at nagmamadaling umalis.

Napanganga naman ako.

Totoo nga?

Tunay ngang nakatikim na siya ng hotdog?
Sa ipinakita niyang reaksiyon ay hindi mapagkakailang posible ang nasa isipan ko. Lalo na't kumaripas siya ng takbo makalayo lang sa akin.

Jusmiyo, hindi man lang tumanggi.

Nagbibiro lang naman ako kaso... kumagat siya sa pain ko, kawawa naman. Natuklasan ko tuloy ang bahong itinatago niya. Pero biruin nga namang sa kamanyakan niyang iyon ay nakalasap na siya ng patutoy?

Ibig sabihin...

Nakasubo o natira na siya sa puwit!

Kadiri...

Bigla akong kinilabutan kaya't umiling nalang ako at nagtungo sa cafeteria. Sigurado namang hindi na ako guguluhin ng lalaking iyon.

Sandali... lalaki nga ba?

Hindi na ako nakatiis lalo na't maging sa training namin ay ilag siya sa akin. Hindi ko naman gusto na malaman ang sikreto niya. Saka masyado siyang malansa kaya amoy ko agad.

Fishy...

"Paleo," paalis na siya nang ako naman ang humaeang sa kanya. Nag-alangan pa siyang hinarap ako at unti unting binaba ang bag na hawak niya.

Tumikhim siya at kumamot sa batok niya,  "Bakit?"

"Alam mo, hindi mo naman kailangang magpapansin sa akin kung gusto mo talaga akong kaibigan. Saka kung maiinggit ka sa katawan ko, wapakels ko na iyon. Gusto ko lang ayusin ang sinimulan natin. Hindi tayo nagkakilanlan ng maayos sa unang pagkikita."

Inilahad ko ang palad ko at nakatitig naman siya doon. Na para bang kung anumang oras ay hahagulgol siya sa harapan ko.

Kasi nga nakaka-tats ang kabaitan ko.

"Mali ang nasa isip mo, Isabella." hindi niya tinanggap ang kamay ko kaya naiwan ito sa ere.

Sarap jombagin oh!

"Hindi ako bakla," umiwas siya ng tingin sa akin at bumagsak iyon sa sapatos na suot niya.

"Pero nambabakla ako..."

Napalunok ako ng mariin.

"Para sa pera, at para sa pamilya."

Ilang beses pa ako napakurap para lang gisingin ang aking sarili sa pagkatulala. Kinagat niya ang kanyang labi at mapait na ngumiti, "Sorry..."

Gusto ko na siyang sugurin ng yakap para makiramay sa paghihirap niya, "Not sorry beybe." dagdag niya na nagpa-atras sa akin.

Panira ng moment!

Humalakhak siya at ginulo ang buhok ko.

Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin ng manyakis na Paleo... hanggang sa nadagdagan pa sa mga dumaan na buwan.
At hanggang sa ipinakilala na ako sa maingay na mundo nila. Kung saan natuto akong iinom ang lahat ng kalungkutan ko,, kung saan naghihiyaw ako kasama ang mga pulo ng mga estranghero para makalimutan ang problema at kung saan sumaya ako sa piling ng aking mga kaibigan.

Doon ko naranasan ang labis na tuwa... kahit na alam kong ito ay panandalian lamang.

"Whooo!" nagtatalon ako kahit na ramdam ko ang pagkahilo at init. Umiikot ang buong mundo ko, naduduwal rin ako paminsan minsan. Hindi ko mapigilan ang paghagikgik lalo na't ramdam ko ang kiliti sa bawat pagguhit ng alak sa aking lalamunan.

Dalawa't kalahating taon ang tumakbo. Madami ang nagbago. Ang pananaw ko sa buhay, ang pananamit ko.

Lahat...

Pero bakit ang nararamdaman ko para kay Leandro ay hindi mabago-bago?

Wala kaming koneksiyon sa isa't isa. Hindi naman kami nagkita simula nang lisanin niya ako.

"Bella! Uwi na tayo, lasing ka na." tumambad sa harapan ko ang mukha ni Paleo na kunot ang noo at pinipilit akong paalisin sa gitna ng sayawan.

Oh 'di ba, pati pangalan ko nag-iba?

"Hindi! Ayaw ko pa!" tinalikuran ko siya at itinaas ang aking magkabilang kamay sabay sa tugtog ang aking galaw. Bawat hampas ang aking balakang ay senswal. Hindi ko naman mapigilang pumikit at matalisod nang may nakabunggo ako.

"Hoy ano ba! Iuuwi na kita! Bwisit, dapat pala hindi na kita dinala dito. Naghahasik ka lang ng lagim. Kailan ba uuwi iyang Leandro na iyan nang hindi naman ako ang kawawang bantay ng bantay sa'yo!" reklamo niya at inalalayan niya ako palabas ng bar.

"Kasalanan mo kaya, kinaibigan mo ako." tumawa ako at iiling iling na umayos ng upo nang ipasok na niya ako sa kotse. Bago pa siya lumipat ay hinalikan niya ako sa noo.

Astig nga eh, nambabakla lang may kotse na. Siguro yumayaman siya dahil sa pambabakla.

Wapakels naman ako.

Uso kasi iyon dito.

Lahat naman naglansangan kahit may pera at hindi gipit, basta impluwensiya ng barkada... ginagawa!

"Oh Lean ko! Kalahating taon pa, madidiligan mo na ang lantang ako..." umaalon alon ang ulo ko sa tuwing dumadaan kami sa humps na mas lalong nagdagdag ikot sa buong mundo ko.

"May tumatawag, sagutin mo." hinawakan niya ang hita ko at pinisil para gisingin ako.

Alas tres na ng hating gabi ay may tumatawag pa rin sa akin? Ganoon ba ako ka-in demand ngayon?

Yummy ko talaga.

"Hello," malat kong wika at doon palang napahikab. Ramdam ko na ang antok. 'Wag tutularan: estudyante sa umaga, lagalag na lasinggera sa gabi.

Nakarinig ako ng hikbi sa kabilang linya,  "Wala na siya, Isay..." biglang kumalabog ang dibdib ko at nawala ang kalasingan sa aking sistema. Narinig ko ang malungkot na tinig ng Donya Miranda.

"W-Wala na si Leandro," tila rebulto naman akong napatigil at nag-uunahang tumulo ang aking luha.

VIOLENT REACTIONS?  labas na!!!!  Hahahaha

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon