"Athenaaaaa!!!! Bangon na beeeees" agad akong napatakip ng unan sa tenga ko nang marinig ang matinis na boses ng bestfriend ko. Yan na naman siya, tsk. "Araaay!! Makabatok ha..napakasadista neto" ako. "Ayan gigising din naman pala" siya. "Ewan ko sayo!!!haaay makaligo na nga..kainis to!!" ako at padabog na nagtungo sa cr at narinig ko naman ang sinabi niyang "dapat lang ang baho mo na kaya..hahhahaha" bastos na bata yun a...hahahaha...Ang sweet namin no?? So back to the real topic...hindi pa pala ako nakapagpakilala.
Hi im Athena Prim Sandoval. Simple lang hindi mayaman hindi rin mahirap, maganda, maputi,matangkad,sexy,matalino,mapagmahal at baliw kung minsan...Yung bestfriend ko naman siya si Maureen Feddingfuerte. Simple lang din, maganda (pero mas maganda ako), medyo chubby(ssshh quiet kayo) matalino din, sadista at bungangera pero mahal na mahal ko siya kahit gan-- "Athenaaaaa!!!gano ka ba katagal diyan ha?malelate na tayo" maureen. "Heto na patapos na nga eh, maghintay ka!!" see?hahaha ok lemme continue it kahit ganyan siya mahal na mahal ko siya..
Ligo
Ligo
Ligo
FinishNagpalit na ako at sabay na kaming pumasok ni bespren
School
Umupo na ako sa upuan ko katabi nung upuan ni crush at ni beshpren..So ganito yung arrangement namin crush--ako---beshpren..Oh diba ang saya😄.. "oh ano na namang kabaliwan yan athena??parang tanga to ngingiti ngiti sa upuan mag-isa" maureen.."kahit kailan talaga panira ka ng moment" ako. "Hahaha sorna besh--" maureen "ok good morning class, arrange your chairs and yourself. I dont wat to hear noise" maam santana. "Yes maam" all of us except si crush, well wala pa naman kasi siya. Expected ng late yun, palagi naman. "Good morning maam" Kurt Coseña. May ultimate crush. "Good morning, you may now...uhmmm ano ??you may now..(kamot ulo) puwede ka ng umupo" maam santana..feeling ko crush ni maam si crush..pabulol effect pe eh...tadyakan ko kaya..tsk pabebe katanda tan-- "Ms. Sandoval may sinasabi ka ba??" Maam...omooo dont tell me nababasa ni maam nasa isi-- "Ms. Sandoval..hindi ako nakakabasa ng isip kasi bumubulong ka at para sabihin sayo naririnig ko kasi nasa harapan ka" maam "maam sorr--" ako "sa susunod ayaw ko ng binubulong mo yung gusto mong sabihin, sabihin mo sa akin ng harap harapan" maam..Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinapak sapak ko si maam ng sampong beses pero siyempre joke lang yun..hahaha "sorry maam" yan lang ang nasabi ko...pahiya ako dun a.."ok lets start the discussion" maam sabay irap sa akin..dukutin ko kaya mata niya ng makita niya..tsk..Siya nga pala ipakilala ko muna sa inyo si crush..tutal ayaw ko namang makinig sa walang kuwentang teacher na yan..hihihihi..Siya nga pala si Kurt Coseña. Mayaman, matalino, guwapo, matangkad, matikas ang pangangatawan at kilala bilabg heartbraker ng campus. Napatitig ako sa mukha ni kurt. Mahaba ang pilik mata, matangos na ilong, red lips, perfect jaw, omooo ang guwa-- "Araaay!!" Pitikin ba naman ni beshpren yung tenga ko..sakit nun.."pahalata ka masyado..makatitig wagas, tsaka recess na daw oy, hindi kasi nakikinig" maureen. Tignan niyo tomg babaeng to sadista. "uhmm A-Athena, pu-puwede bang su-suma-sumabay ka sa-sa akin?" Kurt..halla ang nangyari dito?ayiiieee kinikilig ako. Lord puwede mo na akong kunin..joke..umayos ka athena. "Sure, ta-tanungin k-ko lang s-si besh-beshpren" halla pati ako nauutal..teka bakit nawala si maureen? "Kanina pa siya nauna" kurt sabay hila sa kamay ko..omg is this real..hawak ko kamay ni crush?waaaaaa😄..sinabayan ko nalang siya sa pagtakbo hanggang sa canteen
Canteen
Kumakaim na kami ni crush ngayon. Nilibre niya ako..waaaa syeeet kinikilig ako😄.."uhmmmm athena puwede ba manligaw" kurt.."huh?serysoso ka?" Ako..hindi ako makapaniwala sa nangyayari. "Oo naman..matagal na akong may gusto sa'yo" kurt sabay yuko..nahihiya ata "si-sige" ako .."talaga?" Kurt. "Oo naman,crush di kasi kita ..hihihi" ako.."Edi tayo na?" Kurt. Teka ang bilis naman niya.." uhmmm. Sige na nga" ako..syeet kinikilig na ako...finally kami na ni crush.."yehey" kurt sabay ngiting malapad. "Teka anong orad na ba?" Kurt. (Tingin sa relo) "halla time na" me. "Tara na" kurt at hinila na naman ako.
Klase
Klase
Klase"Haay sa wakas tapos na ang klase" ako. "Anong oras na babe?" Kurt. "Ooooy tekaaa..anong babe??wait dont tell me?" Maureen "oo kami na" kurt..."omy im so happy for you beshpren" maureen with matching hampas pa sa akin. "Hahaha baliw to"ako.."o sige mauna na ako..enjoy kayo" maureen sabay alis. "Uhmm babe anong oras na?" Kurt. "5:30 na babe" ako sabay kapit sa braso ni kurt. "Teka teka" kurt sabay tulak sa akin ng mahina para makaalis sa pagkakayakap ng braso niya." So-sorry" ako..diba kami naman na??bakit parang ayaw niyang yakapin ko siya??hmmpp.."babe, una na ako may importante pa akong pupuntahan.. bye" kurt sabay alis..ganun nalang yun??akala ko pa naman magsosorry siya..
Parang may mali?? Pano kung sundan ko kaya. Agad agad akong tumakbo at sinundan si kurt nang hindi niya nalalaman. Park?? Teka ano namang gagawin niya dito? sumusunod lang ako nang bigla siyang huminto sa isang babaeng nakatalikod. Teka parang familiar yung likod nung babae. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Yinakap ni kurt yung babae. Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko.. Nabigla ako nang humarap yung babaeng yinakap ni kurt. Teka si Maureen? Sila ba ni Maureen? Hinalikan ni kurt si maureen si bibig. Hindi lang basta halik kundi yung halik na punong-puno ng pagmamahal. Naramdaman ko nalang na tumulo ang maiinit na likido galing sa aking nga mata. Hindi lubos matanggap ng puso at isip ko ang nagyayari. Nanlalambot na ang nga tuhod ko. Ang bestfriend ko na pinagkatiwalaan ko pa naman, traydor siya, taksil. Bakit kurt akala ko ba tayo na?
Inayos ko ang sarili ko at nagtungo sa kinaroroonan nila. "(clap!clap!clap!), ang galing galing niyo naman...hahhahha" ako. "Te-teka athena nagkakamali ka ng inii--" maureen "Mali ng iniisip?bakit??ano ba sa tingin mo ang tama? T*ng*na bes...nagtiwala ako sayo...shit lang" ako "athena sor--" kurt "huwag kang magsalita hindi kita kausap.. Sorry? Ano pang magagawa ng sorry mo? Napaniwala mo ako..napaniwala niyo ako.. ang galing niyo. Ikaw kurt akala ko ba tayo??" Ako " sor-" kurt " huwag kang magsalita hindi pa ako tapos.. manloloko, wala pa tayong isang araw ito na agad malalaman ko? Anyways break na tayo!!" Ako at humarap kay maureen "Ikaw naman besssssssfriend...isaksak mo sa baga mo si kurt. Pakasaya kayo" ako sabay talikod.. Maglalakad na sana ako nang may maalala ako "heto nga pala (sabay hagis ng relo sa mukha ni EX) relo para hindi ka na magtanong ng oras sa akin..go die" flips hair sabay walkout...Naglakad na ako palayo sa kinaroroonan nila.. Napaupo ako sa isang swing at dun na bumuhos lahat ng luha ko..Bakit ganito??Ang sakit sakit?? Masyado kasi akong nagtiwala.. Yun ang masakit eh binigay ko lahat ng tiwala ko sa mga taong mahal ko kaya sa huli ako din ang nasasaktan..
Nagustuhan niyo ba guys??sorry kung may typo..vote and comment nalang po..thanks
YOU ARE READING
Anong oras na?
Short StoryOne Shot Story written by @Foreverhopeless_cold Enjoy reading