Sinisipag ako mag update ngayon haha. Enjoy! :)
---------------------------------------------------------------------------------
Terrence's PoV
After niyang mapirmahan ang kontrata ay, napahawak nalang tlaga ako sa sentido ko. hindi ko alam bakit ba ganito kasakit ang ulo ngayon, baka siguro sa init lamig na panahon. Mabuti na lang ay marunong siya magmasahe. Dahil hanggat maaari ay ayokong iniinuman ang mga ganitong bagay dahil ayokong maging depende sa gamot.
Sinadya ko talagang umungol habang minamasahe nya ko, una kasi masarap talaga, pangalawa inaasar ko sya hahaha. muka namang matagumpay kong ginawa yun dahil pandin kong naiilang sya haha. pero di kala unan ay nakatulog nadin ako. Nagising ako ng mga pasado alas siyete na at nawala na din ang sakit ng ulo ko. Mukang effective ang hilot sakin ni sam ah? haha.
napagpasyahan ko naman ana bumangon na dahil nagwawala naman na ang mga alaga ko sa tyan ko. pagkabukas ko palang ng pinto ay amoy na amoy na ang niluluto sa baba. Ngayon palang nangyari to sa bahay, aaminin ko masarap magluto si manang pero hindi yung ganito kabango na amoy mo sa buong bahay. Nakakagutom naman sino kayang nagluluto?
Bago ako bumaba dinaanan ko muna si Thea sa room niya at mukang kakagising lang din niya, pumunta ako sa higaan niya para sabihing kakain na kami,
"Good evening daddy! am ango ango naman daddy, utom na ako daddy, kain na ayo." sabi niya sakin at agad kong binuhat sya pababa ng hagdan.
Nang makababa na kami ay binaba kona din si Thea, nakita ko si Sam na nakapusod ang buhok at nagluluto, so marunong pala sya magluto? hmmm mukang mapaparami ako ng kain ngayon ah. haha. Pero shit bakit ang ganda niya kahit nagluluto sya? Ano ba yan terrence! Rule #1! wag ka maiinlove sa kanya.
Kaya naman iniling ko nalang ang ulo ko. nabalik ako sa wisyo ng marinig kong magsalita si Althea na ngayon ay nakatingala habang akap ang binti ni Sam.
"Hi mommy, ang ango naman po ng luluto niyo." sabi ni thea.
"Talaga baby? gutom ka na ba? gusto mong kain na tayo?" tanong naman ni Sam sa kaniya, at binuhat si thea. Mukang hindi ako napansin ni sam kaya naman ay umobo ako para mapansin niya.
"Ehem" bigla naman napatingin sakin si Sam na nagtataka bakit ako umubo.
"Mommy ampo si daddy kasi di mo daw siya pansin." bungisngis ni thea kay sam. namula naman ako sa sinabi ni thea. Teka bat naman ako mamumula? sus, kelangan ko nalang sakyan yung sinasabi ng anak ko para naman di kami mabisto ng maaga.
"Ayy hehe sorry baby ikaw kasi eh, namiss kita kaya di kona napansin si daddy mo." sagot naman nito kay Thea. Habang pinagmamasdan ko sila ngayon para talaga silang mag ina. Unlike noon kay sab, hindi man nya lang magawang buhatin ang anak namin minsan pa nga ay nagagalit to kapag kinukulit siya ni Althea. Maya maya naman ay hinalikan ni Sam, si Althea at hinalikan naman ni althea si sam sa pisngi. Ngunit nagulat ako sa susunod na tanong ni Althea.
"ashan kish ni daddy mommy?" 0.0 bat ganyan ka anak? T.T iniiwasan nga ni daddy mo gantong pangyayari tas ganyan ka. -"asus arte arte ka pa pinagnanasaan mo nga si Sam eh!" - sabi naman ng utak ko, pinagnanasaan? no way! si sabrina lang pagnanasaan ko no!
Pero sadyang makulit si Althea at kinukulit si sam na halikan ako, hanggang sa sinunod nalang ni sam si thea. habang papalapit sakin si sam hindi ko ko maintindihan bat ba ako kinakabahan? ano to terrence first kiss mo? totoy totoy? kinalma ko ang sarili ko at hindi ko nalang pinahalata na kinakabahan ako.
" ahh eh ito na baby ikikiss ko na si daddy mo. *tsup*" shet bat ganon yung halik ni sam parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Weird kasi i've never felt the same way whenever i kiss sabrina noon o kahit halikan man niya ako walang ganito. arghhhhh bat ba ang weird sa pakiramdam? -_-
Pagkatapos naman nun ay mabilis na umiwas sakin si Sam at nagsalita.
"Baby, dali na go wash your hands at para makakain na tayo okay?" sinunod naman iyon ni Thea at dumiretso ito sa may lababo.
Pagkaalis ni Thea ay halata naman sa kilos ni sam ang pagkabalisa. nang akmang aalis na siya ay hinarangan ko siya, at dun tinignan nya ako na nagtataka.
"Oh bakit ka nakaharang dyan? alis nga magbabanyo ako" tanong niya sakin, pero hindi ko pinansin iyon.
Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng mata hya, hazel brown ang kulay at makinis ang balat, pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang kanyang mapula nyang labi shet bakit ba ako ganito? Why am I so affected with her? naguguluhan na talaga ako.
"Ayoko bitin yung kiss mo kanina" yun nalang ang nasbi ko kay sam, i dunno why.
Mukang naiinis na sya kaya naman ay itinulak niya ako para makadaan siya at matakasan ako. pero isa lang ang gusto ko ngayon, awtomatikong gumalaw ang kamay ko upang higitin sya pabalik at mapaharap sya sakin at
TSSSUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUP
halata namang nagulat siya at nagpupumiglas. pero tinulak ko sya and pinned her on the wall. those slow kisses turned into a passionate one, ramdam ko namang nagreresponse na siya sa halik ko, i don't know why i am doing this to her pero ugh i feel like my body's wanting it.
Maya maya pa ay narinig na namin ang boses ni Thea kaya naman ay humiwalay agad sakin si sam. I could see na nagblublush sya dahil sa pamumula ng muka nya, isa lang masasabi ko napaka cute niya <3
Habang kumakain kay Sam lang ako nakatingin I don't know why ganito ako ngayon, nako naman talaga terrence -_-, I was interrupted when Althea asked me.
"Daddy, akit po kayo tingin kay mommy?"
"uhm wala baby, namiss ko lang kasi tignan kayo ni mommy mo eh, complete family na ulit tayo" i said and smiled at her.
"oo nga po daddy eh, diba mommy di kana alis?" as she asked Sam. Tumingin naman sakin muna si Sam bago nya sagutin si Thea, tinanguan ko nalang siya as if i gave her the cue to answer my daughter's question.
"Of course baby, dina aalis si mommy I promise. And I'm sorry if it took me long enough to get back. Always remember that no matter what happens love ka namin ng daddy mo okay?" After Sam said that, thea automatically hugged her. It's great to see a scene like this. Napaisip tuloy ako, what if si Sam ang una kong nakilala? What if si Sam nalang ang naging mommy ni Thea? Would it be the other way around?
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Sorry guys, took me a day to make an update mahina kasi internet ngayon lang naging stable huhuhu. But anyway thanks for reading! :*
BINABASA MO ANG
His Wife's Face
Romance- PROLOGUE - Sa mundo mapalad ka kung may kamuka ka, kasi nga diba lahat tayo ay ginawa ng diyos na iba't iba pero pantay pantay. Yung iba nga diyan halos gumastos na ng milyon milyon para lang maging kamuka nila mga iniidolo nilang artista eh. Per...