"Anak ng tinapay! Pasado ka!" Sinugod ko ng yakap si Rafaela na nabigla habang naglalakad.
Gulat na gulat naman si Rafaela habang nakanganga na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.
"Wha-- Eh? Leche. Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Sunod-sunod ang tangong ginawa ko habang mahigpit akong nakayakap sa kanya.
"Ang galing!" Natutuwang sabi ko. Tiningnan ko saglit si Rafaela. Nakanganga lamang ito.
Nang marahil ay makahuma ito sa pagkabigla ay bigla itong ngumiti.
Bumitaw ako sa yakap at tumalon-talon ako sa gitna ng hallway ng school. I ignored the weird looks that the students milling around the hallway were giving me.
Nakatayo at nakapamulsa lang si Rafaela habang nakangiting pinagmamasdan ako.
"Ang galing, Raf," bati ng isang babaeng dumaan.
Kinindatan ito ni Rafaela bago muling binaling sa akin ang kanyang tingin habang nakangiti.
Nakita ko namang nangisay sa kilig ang babae na nagpagewang-gewang pa sa paglalakad na tila mahihimatay.
Umiling na lamang ako at tinuon muli ang pansin sa best friend ko.
Umaga pa lang pagkarating namin ng paaralan ay dumiretso na ako sa bulletin board habang nauna na sa classroom si Rafaela bitbit ang mga gamit namin. Wala pa ang announcement kaya naghintay ako ng ilang minuto bago nakita ang isa sa mga school varsities ng basketball na may hawak na papel. Hindi ko na siya hinintay na maipaskil ang papel dahil sinalubong ko siya at biglang inagaw ang bitbit na papel. Aangal sana ito pero tiningnan ko ng masama kaya hindi na ako pinigilan. Mabilis kong hinanap ang pangalan ni Rafaela. My jaw dropped. Nanlaki bigla ang mga mata ko at tumalon ang puso ko sa matinding kaligayahan. Rafaela passed. He's now part of the basketball team in our school.
"Inuman session later?" Natatawang tanong ni Rafaela.
"Call!" Nag-fist bump pa kaming dalawa bago magka-akbay na pumasok sa classroom.
"Yakult na ito! Yes!" Sabay na sigaw namin ni Rafaela. Iyon talaga ang konsepto namin ng inuman session.
"Oh my gosh! Congratulations, Baby Raf!" Tuwang-tuwang bati nina Nipol. Nakangiti halos lahat ang mga classmates namin habang nakikipag-highfive si Rafaela sa mga lalaki.
Mukhang masaya si Rafaela. Sa loob ng mahigit isang dekada naming pagkakaibigan ay alam ko kung kailan talaga siya lubos na masaya. I always knew how much he loved basketball. If he would rate his hobbies, the top three would always be music, basketball, and reading. I felt a slight guilt when I forced him to join the basketball team, but whenever I saw him smile this way, the guilt was concealed with relief. Pakiramdam ko, tama lang ang ginawa kong pagpilit sa kanya.
Did I really force him so I could be with Nikos? Or did I force him because I knew that it would make him happy? I was even confused to come up with an answer.
"Huy. Okay ka lang?" Siko sa akin ni Tammy. Hinigit ako nito papunta sa upuan namin ni Rafaela. Naupo ako sa upuan ko at siya naman ay sa upuan ni Rafaela.
"Ano? Masaya ka na?" Natatawang tanong ni Tammy nang makaupo kami.
I blinked. "Huh? Happy for what?" Kinuha ko ang notebook at ballpen ko sa bag ko.
Hinampas nito ang arm chair ko. "Sus, Antonina. Kunwari ka pa. Are you happy now because you're only a step away from Nikos?" Hinawi nito ang kanyang bangs at ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Jerk Next Door
Comédie"Tangina. Sa 7 bilyon na tao sa mundo, sa 105 milyon na tao sa Pilipinas, bakit ikaw pa? Bakit sa'yo pa?" © ScribblerMia, 2014 Book Cover by: Colesseum