KHYLA
Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Sapo-sapo ito ay dahan-dahan akong umupo sa kamang kinahihigaan ko.
Ano bang nangyari?
Inilibot ko ang paningin ko at muntik na akong atakihin sa puso nang tumapat ang mukha ko sa mukha ng isang aso! Malaking aso!
"Gahd!" Agad akong napaatras.
Ngumisi lang ito sakin. Para bang nakakatawa akong panoorin. Langya!
"Relax lang. Ako to. Si Arthur." At sa isang iglap lang ay nag-anyong tao na siya.
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniya. Hindi nga talaga biro ang makaharap ng taong lobo! Jusko. Parang mas pipiliin mo na lang mamatay.
Nakahinga na ako ng maluwag. "N-nasan nanaman ba ako?"
"Isa sa mga silid rito sa kampo. Dinala ka dito ng Alpha at ako ang pinabantay niya sayo."
Kumunot ang noo ko. "Ang lalaking 'yon!"
Saglit siyang natawa. "Halatang gusto mo ang alpha ah."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong gusto? 'Yon? Gusto ko?! Gusto mo sipain kita?"
Nagkibit-balikat lang siya. Inirapan ko nga! Langkuwenta.
Ano ba ang nangyari? Ang huli kong natatandaan ay..
Akin ka..
Holy shit of brix! Natatandaan ko-- hinalikan niya ko! Oh my gosh! Hinalikan ako ng halimaw na 'yon! Punyeta! Punyeta talaga! Yung lips ko!
"Nasaan ang lalaking 'yon?" Inis na sabi ko
Nagkibit-balikat siya. Napakaayos po niya talagang kausap, promise!
I sighed "Pwede ba akong lumabas?"
Tiningnan niya ako "San ka nanaman pupunta?"
"Uuwi pwede?"
Umiling siya at ngumisi. Inirapan ko nga! Bwiset.
"Lalabas lang ako. Ayoko dito. Ang init!"
"Sige, sasamahan kita."
"Bahala ka."
Umalis ako sa kama at sinuot ang doll shoes ko. Saka ako lumabas kasabay ni Arthur.
"What the!!-" Hiyaw ko
Muntik na 'kong matamaan ng isang palaso. Jusko. Muntik na 'kong mamatay!
"Ayan! Mag-ingat ka kasi!"
Sinamaan ko ng tingin si Arthur. "Ano bang alam ko?! At tiyaka, ano bang meron?"
"Wag ka ng mausisa. Maglakad ka na lang sa kung saan mo gustong pumunta." Mukha pa siyang bored na bored.
Tss. Kala mo naman kung sino. Inirapan ko na lang siya at nagsimula ng maglakad.
Para palang tribo ang lugar na 'to. Ang cool. Ngayon lang naman kasi ako nakakita ng ganito. Ang nakakatakot nga lang, mga taong lobo ang nakatira dito. Gosh. Goodluck sa magtatangkang pumasok dito. Parang ako. Tch. Napakakulit ko kasi eh. Kung sana hindi na lang ako pumunta sa gubat edi sana wala ako dito ngayon. Edi sana hindi ako nag-iisip ng paraan ngayon kung pano makalabas dito.
Habang naglalakd, panay ang tingin sakin ng iba. Para bang gusto nila akong lapitan pero natatakot. Weird.
Yung iba naman ay busy sa kaniya-kaniyang gawain. Yung iba, may pinapatulis na sandata. Yung iba, may hawak na pana. Yung iba naman, naglalaro.