Chapter 8

"You must be Jenalyn." Bati sa akin ng isang magandang ginang. Naka-angkla pa ang kaliwang kamay niya sa braso ng lalaking kasama. "I'm Victoria Charleston. And this is my husband."

"Christopher Charleston. I've heard so many stories about you." Kung hindi lang nakakahiya, nanatili na lang sana akong tulala sa harap ng dalawang ito. Ngayon, hindi na ako magtataka kung bakit ang gwapo at ganda ng magkapatid na Charleston. Parang artista si Mrs. Charleston. Samantalang si Mr. Charleston naman, parang pinagbiyak na bunga sa pagkahawig kay Zeus. Kahit matanda na ang dalawa, kitang-kita mo pa rin ang kagandahan nila noong panahon ng kanilang kabataan.

"Nice to meet you po. Sana magaganda po ang kwento ng mga anak niyo sa akin." Biro ko sa kanila. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko silang napangiti sa sinabi ko. "Sana po mag-enjoy kayo sa party."

"We will." Inabot ni Mrs. Charleston ang kamay ko at saka piniga ng mahina. Hindi sila kagaya ng ibang mayayaman. Kitang-kita ang pagiging humble sa kanilang dalawa. Kaya rin siguro lumaking mababait na tao.

"I must say, you did a very good job. You sure know how to run your business."

"Thank you, Mr. Charleston, that's--"

"Tito Christopher na lang. You're friends with Hera and Zeus. Formalities are not our thing." Nakangiting sabi ni Tito Christopher. "Your parents must be proud of you." Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. Pero hindi ko na lang pinansin. I know you're proud of me, Nay. "Excuse us, ija. We have to talk to some people."

"Sige po."

"We'll see you around, Jenalyn." Kitang-kita mo sa kanila, na parang nasa honeymoon stage pa rin sila kahit na feeling ko more than 30 years na silang kasal. Some happy ending really do exist to some people. Not everybody, but to some blessed ones.

It's been two days since our confrontation. Walang sinuman ang nagsalita at walang gustong bumitaw nang yakapin niya ako.

"I just wish we can stay like this, forever." Bulong niya sa akin. Konting segundo pa, bibitaw na ako. 10..9..8.. "Jena, please--" 7..6..5.. "pakinggan mo muna ako." 4..3.. "I still want us to--" 2..

And when his phone starts ringing, malakas ko siyang itinulak. Kitang-kita ang pagkabigla sa mga mata niya. Gusto ko siyang yakapin ulit, maramdamang sa akin ulit siya, pero nang makita ko ang pangalan ng tumatawag sa kaniya, para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

"Sagutin mo na 'yan."

"No. This can wait. Kailangan nating mag-usap, please."

"Tapos na tayong mag-usap."

"Jena," naririndi ang tainga ko sa boses niya at sa matinis na tunog ng kaniyang telopono. "Please naman oh."
"Julius, don't let her wait. 'Wag mo siyang bigyan ng dahilan para pagduduhan ka." Akmang ica-cancel na niya ang tawag pero maagap ko itong nahablot at sinagot. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Julius sa ginawa ko, habang hawak ko ang teloponong nakadikit sa tainga niya.

"Keira, nagdadrive kasi ako kaya hindi ko agad nasagot." Nakikipagtitigan lang siya sa'kin habang malamig na sumasagot sa bawat sinasabi ni Keira sa kabilang linya. "Oo. Papunta na ako." Kung gusto ko talagang tuluyan ng maging manhid sa kaniya, I have to endure this pain. And hope and pray, that this will serve as my temporary morphine.

"I love you too."

And those four words were the sweetest yet the most painful words I've ever heard on that day.

Misery loves companyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon