Kung hindi pa kita pinigilan, inatake ka na ng allergy mo siguro.
Matutulog na sana ako nang mabasa ko ang text sa akin ni Jeremy. Paano niya nalaman number ko?
Paano mo nalaman number ko?
Naalala kong may allergy pala ako sa seafoods, eh seafood pala yung ulam na kinukuha ko kanina. I admit, wala ako sa wisyo non. Kakaisip sa nararamdaman ni Jeremy. At ngayon, nakahiga ako. Inaalala ko pa rin yung kanina.. yung moment na nagkaroon siya ng pake sa akin. Yung moment na kahit papano kinausap pa niya ako kahit na sa boses palang niya napaka cold na niya. Laking pasasalamat ko pa rin sa sarili ko na nawala ako sa wisyo.
I've waited for his reply kaso mukhang hindi na siya magrereply or worse, wala siyang balak replyan sagot ko kaya naman ako'y agad nang naka tulog.
"Mommy! Gising na!" nagising naman ako kay Jace na talon ng talon sa kama at pinapalo palo ako ng unan niya. "I'm awake, Jace, I'm awake." sabi ko naman habang harang harang ko ang kamay ko sa unan na pinapalo niya sa akin.
"Punta tayo sa labas! Gawa tayo sand castle!" yaya naman sa akin ni Jace. Napakusot naman sa aking mata. "Jace, ligo muna tayo bago tayo lumabas, baho mo na o!" inamoy amoy ko naman kili kili niya at tawa naman siya ng tawa.
Agad naman akong napabangon at naligo dahil nga dito kay Jace na yaya ng yaya pumunta sa beach. Pinagbigyan ko naman siya kaya't kumilos na ako kaagad. Pagkalabas ko ramdam ko ang lakas ng hangin. Huminga naman ako ng malalim. "a perfect weather to start my day.." sabi ko naman sabay ngiti.
Nakita ko namang humaripas na ng takbo si Jace kaya naman hinabol ko 'to. "Jace! Teka!" sigaw sigaw ko naman habang siya tawa ng tawa, tuwang tuwa na hinahabol ko siya. Parehas na parehas sila ng Daddy niya.
-
Pinagmamasdan ko lang si Jace na gumagawa ng sand castle niya na lagi namang gumigiba dahil sa hindi siksik ang sand niya sa bucket niya habang ako nakaupo sa ilalim ng isang malaking payong. Napatingin naman ako sa paligid ko at nakuha naman ng atensyon ko ang grupo ng lalaki't babae na nagtatawanan habang naglalakad papunta sa direksyon ko.
Kung hindi lang siguro ako naging dependent kay Jeremy, siguro ganyan din karami kaibigan ko ngayon pero hindi ko naman din nireregret ang pagiging dependent ko kay Jeremy dahil kahit papano naparamdam naman niyang kahit siya lang, sasaya ako.
Nagulat naman ako nang isa sa kanila ay tinawag ako. "Audrey!" Tawag nung lalaking pamilyar ang boses. Fall?
Lumapit naman agad itong lalaki na tumawag sa akin. "Uy Fall!" napansin ko rin namang sumunod ang iba niyang tropa.
"Eto na ba yung sinasabi mo? Si Jace?" tanong niya bigla sa akin habang nakatingin kay Jace na naglalaro. "Ah-oo! Jace!" tinawag ko si Jace. Napalingon siya kay fall at agad namang pumunta sa akin si Jace.
"Friend ni mommy, Si Fall." sabi ko naman kay Jace. Ngumiti naman si Jace at agad naman siyang bumalik sa ginagawa niyang sand castle. "Ang maldito pala ng anak mo." sabi naman sa akin ni Fall na nangiti ngiti pa.
"Strict yan sa akin eh. Loyal sa Daddy niya." sabi ko naman kay Fall at sakto rin ang pagdating ng kanyang mga kaibigan.
"Uy Fall, sino yan? Pakilala mo naman kami sa kanya." sabi naman nung isang lalaki na mukhang athlete. Macho-hin kase tapos gwapo pa. Yummy kung tawagin para sa mga mahilig sa athlete.
YOU ARE READING
TULOY PA RIN
FanfictionMahirap kapag long distance relationship kayo, right? Sa sobrang naniniwala kang maglalapit kayo, sobra ka lang din palang masasaktan. Hindi mo alam kung bigla ka na lang bang nakalimutan? Hindi mo alam kung para sa inyo ba talaga ang pagibig? Hindi...