Chapter 28

3 0 0
                                    

Nagising akong nasa kwarto na ako. Last na naalala ko sumisigaw ako at umiiyak ako sa ilalim ng ulan, handang magpadala sa agos ng dagat pero ito ako ngayon, naka higa sa kama. Nakalimutan ko na ang nangyari sa akin pagkatapos non pero maganda sana kung maaalala ko 'yon. Nakita ko naman si Mama na nagaayos na ng maleta namin.

"Ma?" babangon sana ako nang maramdaman kong sobrang sakit ng ulo ko. "Aray!" sigaw ko naman at napalingon si mama sa akin.

"Magpahinga ka muna dyan bago kita pabuhat sa kotse." sabi ni mommy habang pinagpatuloy ang pagaayos ng gamit. "Nasan si Jace? Paano ako nakarating dito?"

"Kasama ni Daddy mo si Jace. Wala ka bang naaalala kagabi?" tanong naman niya.

"Kung naaalala ko naman, hindi na ako magtatanong." sabi ko naman kay Mama. "Mga 2AM yata yon, kumatok siya sa kwarto, pagbukas ko buhat buhat ka niya parehas kayong basa. Narinig ko ang lakas ng ulan kaya't alam ko na kung bakit kayo basang basa. Nagpaalam siya kung pwede bang kayo munang dalawa, bantayan ka raw niya at intayin niya ang pag gising mo.." na pahinga naman ako ng malalim sa sinabi ni mama.

"Inalagaan ka niya kagabi, Audrey. Pinatuyo ka niya kase sobrang basang basa ka, after non, pinatuyo niya sarili niya. Nilagyan niya ng malamig na bimpo dyan sa noo mo kase mataas daw ang lagnat mo. Pinabayaan ko na siya pagkatapos non. Mga 4AM nagising ako, ichecheck ko sana kayo kaso bubuksan ko sana ang pintuan nang masilip ko na yakap yakap ka niya at marinig ko ang lakas ng iyak niya sa'yo.."

Hindi ko na napigilan ang aking pag iyak. "May sinasabi siya sa'yo pero nangingibabaw ang iyak niya.. Umalis siya ng 6AM, kitang kita ko na wala pa siyang tulog dahil sa'yo. Sinabi niya na hindi ka na niya kayang makita kaya nagpaalam siya na aalis na siya habang di ka pa gising.."

Agad naman ding pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi.

someone called my name matapos ang limpak limpak na luhang aking binuhos at boses na aking sinigaw. Malakas pa ang ulan, hindi ko siya hinaharap para saan pa?

Sumigaw ulit ako. "Jeremy!!!!!!!" at sakto rin ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig. Hindi ko alam kung anong oras na pero nagising ako sa lamig ng bimpong naka lagay sa aking noo. Pinilit kong imulat ang aking mata pero Malabo pa rin ang aking paningin.

Narinig ko yung nagsalita. "Sshhhh.. you're fine.." ramdam ko ang haplos ng kanyang kamay sa aking ulo. Naiyak naman ako kaagad. "M-mahal na mahal ko si Jeremy.." naalala kong sinabi ko dahilan sa panaginip kong nakakatakot. Hindi ko na kailanman nakita si Jeremy matapos ang bonfire.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULOY PA RINWhere stories live. Discover now