Chapter Eleven- Mementos

1.2K 61 15
                                    

Chapter Eleven

Mementos


MARAMING nangyari sa araw na iyon pero hindi pwedeng hindi matuloy ang dinner nila with Pro's foster family. Bago magpunta sa tahanan ng mga Larks ay dumaan muna sila sa isang department store para bilhan ng regalo sina Julian at Liz.

"Ano ba ang paboritong kulay ni Liz?" tanong niya sa asawa habang iniisip kung alin sa mga hawak niyang scarf ang pipiliin para sa sister-in-law.

"Hindi ko alam pero I'm sure kahit naman alin diyan ay magugustuhan niya," sagot ni Pro.

"Which is which?" pangungulit niya. Tinuro ni Pro ang kulay pink na hawak niya. "You like this because it's your favourite color."

"Girls love pink."

"Tell Star about it," he said. Pro chuckled. Ang pink na scarf na nga ang kinuha niya.

"S, Pro!"

Sabay nilang binalingan si Star na kasama rin nilang namimili. Nakasunod dito ang asawang si Blake at ang anak ng mga ito na si Paulina.

"O, may nabili na kayo?" tanong niya sa kakambal. Itinaas ni Blake ang paper bag na sigurado siyang wine ang laman at ibinigay sa kanya. "Thanks Kuya-Sir."

"Enjoy the dinner," Blake said.

"Saan na ang tungo ninyo?" tanong ni Pro sa mag-asawa.

"Mamamasyal muna kami para medyo makalimot sa mga nangyayari sa pamilya ngayon. First time ni Paulina rito sa London kaya ipapasyal namin siya," sagot ni Star.

"Enjoy sa pamamasyal at ingat kayo," aniya saka yumukod at niyakap si Paulina.

"Bye Uncle, Auntie." After few minutes ay sila na lang ni Pro ang naiwan doon.

"Mukhang masaya rin ang magkaroon ng anak 'no?" naitanong niya bigla saka tumingin sa asawa na inarkuhan siya ng kilay. "Just a suggestion."

"Bago ka mag-isip ng kamunduhan diyan, mag-dinner muna tayo roon kina Dad kundi magtatampo na talaga si Liz sa atin," isang nakakaakit na ngiti ang ibinigay nito sa kanya bago siya iniwan. Mahina siyang natawa saka ito sinundan.

Malapit ng gumabi nang marating nila ang bahay nina Julian. Marami silang pinamili para sa mag-ama dahil malamang matagal na naman ulit silang magkikita. Nagdesisyon silang umuwi na ng New York the day after tomorrow. Uuwi na rin ang iba on that day.

Ilang metro na lang ang layo nila sa bahay nina Julian nang may mamataan siyang taong nakatayo sa may 'di kalayuan. "Pro, may tao," aniya sa asawa. Napansin niyang nakatingin ang taong iyon sa bahay ng father-in-law niya. Nakasuot ito ng trenchcoat na kulay itim at naka-sunglasses kaya 'di niya mamukhaan. Agad siyang bumaba ng kotse nang maiparada iyon sa harap ng bahay. Ang nakita niyang tao ay agad umalis nang mamataan sila.

"Sino 'yon?" nagtatakang tanong ni Pro.

"Hindi ko namukhaan eh."

"Let's tell Dad," Pro said. Pumasok na sila ng bahay. Agad nilang sinabi kay Julian ang nakita nila. Nagtaka rin ang lalaki sa ikwenento nila. "Dad, wala bang napapabalitang nakawan dito sa lugar ninyo?" tila imbestigador na tanong ni Pro sa ama.

"Wala naman. Sure kayong dito sa bahay nakatingin?"

"Opo. Palagyan natin ng CCTV cameras ang paligid ng bahay para ma-monitor natin ang mga activities sa labas. Palagyan na rin natin ng alarm system," suggestion ni S.

"Sandali mga anak, sa loob ng mahigit dalawampung taon kong pagtira rito, hindi ko naalalang may ninakawan o pinatay dito. This place is safe. The people are nice."

Symphonian Curse 9: Queen DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon