Hi! Ito nga pala yung sulat ko para sayo.
--
Ikaw yung pinili niya.
Ikaw yung minahal niya.
Ikaw yung hinahanap-hanap niya.
Ikaw yung first priority niya.Habang ako, isang hamak na kaibigan lamang.
Kaibigan na nandyan kapag nasasaktan siya.
Kaibigan na handang magsakripisyo para sa kaligayahan niya.
Kaibigan na kahit kailan ay hindi magiging first priority niya.Nagparaya ako dahil akala ko, mas magiging masaya siya sa piling mo.
Pero akala ko lang pala lahat yun.Pinaglaruan mo lang pala siya.
Ginago mo lang pala siya.
Pinagmukha mo lang pala siyang tanga.
Sinaktan mo lang siya.
Sinaktan mo lang yung taong mahal na mahal ko ng sobra.Hindi ko matanggap kung bakit bumalik pa siya sayo pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa kanya.
Iniisip ko, "Ang tanga mo pala."
Bumalik siya sayo.
Na-left behind na naman ako."Ayos lang," sabi ko.
Basta't masaya siya, okay na ako.Pero sinaktan mo na naman siya.
Balik na naman tayo sa dati. Ako na naman yung nandyan para sa kanya habang ikaw naman ay nagpapakasaya sa piling ng iba.Gusto na kitang pagsabihan noon kaso pinigilan niya ako.
Mahal ka nga raw kasi niya.Oo. Mahal ka ng taong mahal ko. Mas mahal ka pa niya kesa sa sarili niya.
Handa siyang masaktan ng paulit-ulit basta't sa kanya pa rin ang bagsak mo.Nung mga oras na iyon, napaiyak na lang ako.
Sinigawan ko siya, sinuntok-suntok ko siya dahil ang tanga na niya eh.Ni hindi man lang niya napapansin na may ibang tao pang nagmamahal sa kanya.
Ibang tao na nasasaktan dahil sa katangahan niya.
Ibang tao na walang ibang gusto kundi ang maging masaya siya.Pero ano? Wala pa rin.
Kahit anong gawin ko, ikaw pa rin.Ang sakit lang. Ang sakit-sakit lang.
Kasi... Ako yung parating nandyan eh. Ako yung parating nasa tabi niya kapag wala ka.
Bakit kasi hindi na lang ako?
I can do better. Kung hahayaan niya lang ako.
Pero bakit ikaw pa rin talaga? Bakit ikaw pa rin ang tinitibok ng puso niya?
Kasi itong puso ko, loyal sa kanya eh. Itong puso ko, para sa kanya lang eh.
Hayaan mo! Kapag bumalik siya sayo ulit tapos sasaktan mo lang ulit siya, wag ka mag-alala! Nandito lang ako para maging unan niya.
Ako yung magco-comfort sa kanya... Ako yung iiyak para sa kanya.
Pakisabi na lang na kapag pagod na siya sayo, pwedeng sakin na lang siya? Kasi ako, hindi ko siya sasaktan kagaya ng ginawa mo. Mamahalin ko siya ng buong-buo. Walang biro.
Maraming salamat.
-Ms. Unknown
YOU ARE READING
P A R A S A Y O
Short StoryOne shot story by blackroyalties11 -"Sulat para sa iyo."-Ms. Unknown.