Chapter III

141 20 17
                                    

Chapter III- Idea

(unedited chapter)

Urgh! Sino ba ang nagopen ng curtina?!

"Anna, takpan mo ang curtina." Pagungol ko sa kinahihigaan ko. Si Anna kasi ang gumigising sa akin twing umaga.

"Anna! Huh? Ba't nasa attic pa ako? Ay oo nga pala. Hindi ako bumalik sa baba kahapon." nakaupo na ako at akmang baba na sana pero nakarinig ako ng boses sa baba. Siguro sina Anna at Rosa lang iyon.

"Alam mo ba, yung batang prinsesa daw hindi nalason." Panimula ni Anna

"Huh? anong di nalason? Yun nga sabi ng balita eh. Loka ka talaga!" Natawa naman ako sa sabi ni Rosa pero natahimik ako ulit sa sinabi ni Anna.

"Hindi nga! ba't ang kulit mo? Ang totoo daw kasi gustong tumakas ng princess sa palace dahil sa kalungkutan kaya ayun umakyat sa palace walls. Pero may kuryente daw sa walls kaya nakuryente siya at namatay. Binayaran lang daw ng royal family ang cook na gamitin ang pangalan niya as a suspect at pinatago lang sa luob ng palace." Tumakas ang Prinsesa dahil sa kalungkutan? Ibig sabihin pareho lang kami ng nararamdaman? Bakit hindi ko kaya subukang tumakas?

"Asan na ba si princess Sofia?" Si Maria siguro yun.

"Ay oo nga. Baka nasa banyo o sa ibang kwarto. Halikayo't hanapin natin." nang marinig ko ang pagsara ng pinto, bumaba na ako sa attic at nagmadaling maligo.

***

Kelan kaya ako pwedeng tumakas? Siguro bukas? sa isang araw? sa isang linggo? aish! ngayong gabi na nga lang!

"Maria, anong oras na ba?" Nabobored na kasi ako dito sa academic books and book about palace laws and such.

"3 pm pa lang po, Princess Sofia."

"Aish! ba't ba antagal ng oras! nakakaumay na ang mga librong ito!" 2 beses ko na kasi nabasa to. Cover to cover pa ah!

"Princess Sofia!" Uh oh! nag warning tone na naman si Head Educator. Nakita kaya niya?

"You're acting like an uneducated brat!" So, nakita nga niya ang ginawa ko.

You're also acting like an uneducated old woman. Gusto ko sana sabihin ng harap harapan sa kanya.

"Sorry po." yan na lang ang sinabi ko kasi a princess should show respect to the elderly daw. Hindi naman siya ganun ka tanda pero kung umasta pang tanda tanda na niya.

"Don't do it again, Princess Sofia." With that, umalis siya ng tuluyan. Hindi ko pa siya schedule kaya nga relax na relax ako. Haaay~ sana gumabi na.

***

"Tulog na sila." Napangiti na lang ako sa mga itsura nila. Tulog na tulog sila na kahit anong inggay ang gawin mo, d talaga sila magigising.

"T-shirt check, jeans check, sapatos check ,ponytail check. Wala na siguro akong kailangan pa." nagsimula na akong lumabas mula sa bintana at humakbang sa puno malapit dito. Matibay naman ang sanggang yon lalo na't ang kapal nito. Nakalabas na ako ng tuluyan sa palace gates ng walang nakakaalam.

"Ahhhh, ang sarap nang simoy ng hangin dito!" tumigil muna ako ng sandali. Ang ginaw ng hangin lalo na't malapit na ang pasko.

"Grrrrrrr. Arf Arf Arf! Grrrrrr" isang asong nakalabas ang ngipin at tumutulo ang layaw ang tumatahol sa akin. Sa mukha pa lang ng aso, parang gusto niya akong lapain. Nakakatakot pero kailangan malagpasan ko siya.

"D-doggy, l-umayo ka sa akin!" pilit kong sinabi kahit nangingibabaw ang takot ko. Pero hindi ito nakinig at humakbang pa ng 2 patungo sa akin.

"Grrrrrr! Grrrrrr! Grrrrrr! Arf!" nagsimula na itong tumakbo sa akin. Ako nama'y di maka galaw. Nanginginig sa takot na makagat at mamatay.

A Princess GetawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon