CHAPTER 19: IT STILL HURTS
SOPHIA'S POV:
I wanna go home na dad.
[No. Dyan ka muna kila Brena. wala kang kasama sa bahay]
I can handle myself naman edi sa mga maids niyo nalang ako pabantayan.
[Dyan ka or papapuntahin kita sa America ? Kung ayaw mo jan dun ka nalang sa Lola mo magvacation.You have a choice]
Sabi ko nga po dito nalang eh.
[Ok. magpakabait ka jan ha. Bye]
Arrrrrgh >< nakakainis. Ayoko na nga dito e. Napahiya na ko kila Xandrei saka sa barkada niya , wala na kong muka na ipapakita.
Kaso kung ayoko dito mas ayoko naman sa America, ang boring dun sa bahay nila lola eh -________-
Nagisip nalang ako ng pwede kong gawin..
*Ting!* Bright idea. Hahaha
Magmomall nalang ako. Maeenjoy muna ako ngayong araw. Nag-ayos na ko para makaalis agad.
Ayos.
Ayos.
Bihis.
Suklay.
Pera Check.
Credit Card Check.
Labas ng Kwarto.
Punta sa kwarto ni Bea.
Hey Bea! punta lang ako sa mall ha. -me
"Hindi mo man lang ako isasama?" - Bea
Next time na. Gusto ko munang magenjoy ngayon na mag-isa. -me
"Sige na nga. Papahatid ka ba sa driver?" -.Bea
No. Kaya ko na. Sige bye.
"Bye! ingat"
Magbabus nalang ako papunta sa Mall. Hindi naman kase ako yung tao na mayaman tapos nagiinarte sa pagsakay sa public transpo no.
Nung nasa Mall na ko, kumain muna ko ng pizza and pasta. Ang loner ko, yung mga kumakain dito mga lovers or family tapos ako magisa lang -________-
After kong kumain naglakad na ko para humanap ng mga gusto kong bilin.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
May napansin akong magkaholding hands sa harap ko.
Kahit nakatalikod sila sakin , kilalang kilala ko sila.
Ian and Maxene </3
Ouch! Kumikirot na naman puso ko.
Nasasaktan na naman ako.
Ang saya saya nilang tignan :(
Dati lang kami yung masayang magkasama sa mall.
Ayokong umiyak ngayon.
Nandito ako para mag-enjoy.
Kaya ko to!
Hindi ako magpapaapekto sa nakita ko.
Oo tama, I'll just enjoy this day.