Chapter 5: Badtrip

1K 16 4
                                    

:: Chapter 5: Badtrip ::

[Alex POV]

Grabe nakakahiya, natulala ako sa kanya. Ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati ah.. Alaaaaaaaaaa…

“Alex!”

Humarap ako sa kanya nang biglang…… O_O

NAGKA-NOSE to NOSE KAME!!!!!!!!!! WAAAAAAAH!! :O

“Ay sorry sorry!” napaatras ako sa kanya sabay tungo. Grabe nararamdaman ko namumula ako.

“Ah, eh, sorry din” sabe niya.

Buong araw walang nangyaring imikan sa paggitan naming dalwa. Kahit tinginan walang nangyari hanggang sa nag-ring na lang ang bell.

RING.!!!

 

“Yes! Labasan na!” sabi ko habang nag-uunat.

“Alex!” tinawag ako ni Marco kaya lumingon naman ako sa kanya.

“Oh bakit?”

“Sorry nga pala ulit sa nangyari kanina, hindi ko talaga yun sinasadya, Promise!”

“Talaga? Peks Man?”

Oo, peks man.” Sabay taas ng kanang kamay.

“Ok sabi mo eh. Kalimutan na lang natin yung nangyari kanina.”

 

“Osige. Sabay na tayo palabas ng school?” yaya niya sa akin.

Sasabay ba ko? Hmmm. Sige na nga wala namang mawawala sa akin eh. Sasabay lang naman.

“Sige, teka lang ah, aayusin ko lang ang gamit ko. Hintayin mo na lang ako sa may labas ng pintuan.” ^_^

Nang maayos ko ang aking gamit eh tumayo na ako ngunit aking napansin na hindi pa rin umaalis si Kevin, yung isa kong katabi. May sinusulat pa sya eh. Magpapaalam muna ako sa kanya, nakakahiya naming umalis ng hindi nagpapaalam.

“Kevin, aalis na ako. Ingat ikaw pag-uwi. Bbye.”

 

“Ah, oh sige. Bye. Ingat din ikaw.” Tapos ngumiti sya sa akin.

Wow! Ngayon ko lang ata sya nakitang mag-smile. Ang cute pero misteryoso. Ay nako tumigil tigil ka na nga Alex. Kung ano ano nanaman ang iniisip mo eh. Umuwi ka na nga. Hinintay ka na ni Marco sa labas. Sabi niya sa kanyang sarili habang naglalakad palabas ng classroom.

..............

Palabas na ako ng classroom kaya naisipan kong tawagin na si Marco.

“Maaaar. . . . . .co? Ay wala sya dito? Nasan na kaya yun? Nainip na siguro sa kahihintay sa akin pero di naman ako nagtagal ahh. Tss. Sya itong nagsabi na sabay na kaming uuwi, tapos mang-iiwan din pala.NAKAKA-BADTRIP!! Ay nako, makauwi na nga lang.” -______-

Nagsimula na akong maglakad pababa ng hagdan MAG-ISA. Kasi nga wala si Marco di baaaa.

Ay nako nakakainis lang talaga. AMP! -_______-

 Nakarating na ako ng 3rd floor wala pa ring Marco na sumusulpot. Di ba mahilig sumulpot sa kung saan saang lugar si Marco.

Nasa 2nd floor na ko at wala pa rin hanggang nakarating na lang ako ng Ground floor nang may biglang humawak sa balikat ko at napasigaw ako ng “PU . . . . . . .  SA!”

[ Sino kaya ang humawak sa balikat ni Alex? Bakit kaya siya iniwan ni Marco? Abangan ang mga susunod na pangyayari sa "BF - BestFriend or BoyFriend" ]

Vote nyo po kung inyong nagustahan, Comment po kayo kung may gustong sabihin. Salamat sa pagbabasa ^__^

BF - BestFriend or BoyFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon