"Margarette ikaw na bahala sa bahay habang wala kami ng ate mo,"saad ni Don Salvador."Opo kuya,mag-iingat po kayo sa inyong byahe papuntang davao,madulas ngayon kasi umuulan."sambit ng dalaga.
"Bye baby Godfrey huwag kang makulit kay mommy?wala si yaya doon."
"Ok salamat margarette magbebehave naman siya kapag nsa byahe."
Lahat ng masamang balak ni Margarette ay natapos na at hinihintay na lamang ang resulta.Palakad-pabalik ito sa sofa.Hinihintay ang tunog ng telepono.Ngunit isang oras na wala pa.
Samantala........
. "Honey,nawawalan tayo ng preno,nasa kurbada na tayo ng daan at ang bilis ng papatakbo ko .!"sambit ni Don Salvador sa mag-ina."Hon,please gumawa ka ng paraan,ayoko pang mamatay kawawa naman anak natin,"nakatitig sa naglalarong bata sa tabi niya.
"Baby halika manalangin tayo,"
Hawak-hawak ni Donya Rhea ang anak at nag-uusal ito ng dasal.Nakapikit ito dahil ayaw na rin niyang makita ang paligid."BOOOOOOOOOOMMMMMM..!"
Napakalakas ng halakhak ang nabasag na katahimikan sa loob ng mansyon.Kung kaya ang mga katulong ay nagtataka sa kapatid ng amo."Anung nangyari sa maldita na iyan,makatawa naman parang nasapian ng demonyo,"sabi ng katulong nito.
"Hoy kayo mga inutil ngayon magsipagligpit na kayo ng inyong mga gamit at umalis na kayo dito,singhal niya sa mga katulong.
"Pero maam Margarette eh si don Salvador lang po ang makakapagsabi niyan kasi po siya ang aming amo,sabi ng guard nila.
"Patay na si kuya,naaksidente sila sa Davao,narinig ninyo,now go..!ayaw ko ng lumang mga tauhan gusto ko lahat ay bago. Nag-empaki ang lahat para makaalis sa mansyon binigyan rin sila ng sahod kaya nanahimik na lamang sila palabas.
"Sir napakabait mong amo sana buhay pa po kayong tatlo lalo na si baby.Ang cute ng batang iyon,sambit ng yaya nito na hindi mapigilan ang pag-iyak.
"Ang diyos na ang bahala sa kanila ,"sambit pa ng isa.
Agad na ipinaasikaso ni Margarette ang bangkay na natagpuan sa loob ng kotse.Ngunit wala ang bata.Sa autopsy ng bangkay babae at lalaki lng ang nasa loob walang baby.
"Sir sino kaya ang kumuha ng pamangkin ko?umiiyak ito habang kausap ang isa sa mga pulis.
"Wala pa kaming lead maam pero kung meron na agad po kayong tatawagan,sambit nito.
"Lintiks,wala ang bata sa loob saan kaya,may kumuha,or baka tumalsik ang katawan sa malayong parti ng bangin,bahala na patay na siguro iyon, muni-muni niya sa kanyang sarili.
"Pagkaalis ng mga pulis mamaya check niyo ang paligid bakit wala ang bata sa lugar?"sambit ni margarette sa kabilang linya.
"Maam,ang bata po ay angel baka kinuha kaagad ni lord,"ang sagot sa kabilang linya.
"Lintiks huwag mo akong majoke ng ganoon ha,hindi ko pa kayo nasahuran remember?"
At humagalpak ito ng tawa,pero napaisip baka magmumulto ang bata sa bahay.Kaya naghire kaagad ng katulong para may kasama ito.
Binesita niya ang labi ng mag-asawa kaya natuwa naman siya ng makita."Ate...kuya ...bakit niyo ako iniwan,hindi pa nakikita si Godfrey ate ,"
"Lintiks wala palang camera bakit ako iyak ng iyak.Lalabas naku sa doon ang baho.Hay magiging prinsesa na ako nito.So kuya dahil ako lang ang nag-iisa mong kapatid sa akin lahat na ari-arian mo,"
At humagalpak naman ito ng tawa.
"Diyos ko ang gandang bata pero pasensiya kna baby mahirap lang kami kaya kailangan pagkamabuti na kalagayan mo ,ibibigay kita sa mga madre"
"Kawawa naman siya ate patay na ang mga magulang niya."
Hinahalik-halikan nila ang legs ng bata ngunit ni iyak wala man lang sila marinig.
"Ate parang angel siya anu?"
"Oo nga ,ikaw na bahala sa kanya ,maglalabada muna ako para makabili ng pagkain natin"sabi ng matandang ate nito.
"Ate may kwentas ang bata!"
"Bakit anu ba ang nakasulat diyan?"
"Picture po ata ito ng mga magulang niya at may nakaukit na "GODFREY"
"Naku ibigay natin iyan sa mga pulis,bka mapagkamalan pa tayong magnanakaw!"sambit ng ate nito.
"Ahhh..ehhh..ate paano kung may gustong pumatay sa kanila yong parang pelikula na kapag mayaman ka daming gustong mamatay para makuha ang ari-arian nito,paano kung alagaan nalang natin si baby ,kawawa naman siya ate wala man lang siya mga kamag-anak na naghahanap sa kanya,sabi ng bunso.
"Ah bahala na,basta huwag siya rito wala tayong perang pambili ng gatas,diaper at paano kung magkasakit siya?"
"Ayokong mamatay siya sa gutom,baby pa siya at kailangan niya ng masustansiyang pagkain at malinis na bahay eh tayo nasa ilalim pa ngtulay ang bahay at marumi na tubig."
Niyayakap ng kapatid si Godfrey at hinahalikan.
"Baby sana ang makaampon sayo ay isang mayaman at sana mabait lang sila,hayaan mo palagi kitang ipagdasal,"
At napaiyak na ito habang niyayakap ang maliit na bata.
YOU ARE READING
GODFREY
HumorSYNOPSIS by:hong bao shí GODFREY MARION ay lumaki sa isang orphanage at nasangkot sapinakamalala na sitwasyon.Para matakasan ang pinaka swapang,mabagsik nanatagapag alaga sa bahay ampunan,naglayas ang bata papunta ng maynila. Hindi nya alam ang buha...