Chapter 7
♂___ELLA’S POV___♀
Nararamdaman ko na ang malamig na simoy ng hangin sa mga balat ko. Parang nasisikatan na din ng araw ang mukha ko kaya minulat ko na ang mga mata ko. Bagong araw na naman, sana marami na naman akong customer ngayon sa parlor ko.
“Mahal na mahal kita Ella. Matagal na, matagal na matagal na.”
Biglang napaisip ako nang maalala ko ang katagang ‘yan. Hindi ko nakita ang mukha niya pero parang kilala ko na siya. Tanging anino niya lamang ang nakita ko sa panaginip ko. Hindi ako sigurado pero parang matagal na kaming may koneksyon sa isa’t isa. Sinabi niyang matagal na niya akong mahal? Sino kaya ang lalakeng ‘yon sa panaginip ko?
Matapos ang ilang minutong pag iisip, napag pasyahan kong kalimutan na lang iyon. Napaka misteryoso talaga ng panaginip ko e. Ni mukha ng lalakeng ‘yon, hindi ko nakita—tanging anino niya lang. Pero ‘yung boses niya, parang kahawig ni---
Napatingin ako sa likuran ko nang maalala kong magkatabi pala kami ni Franceska na natutulog. Hay, may kasama naman pala ako e. Muntik ko pang makalimutan. Tsss.
Humarap ako sa kanya. Nakahiga parin ako ngayon. Inpinatong ko ang aking ulo sa isang kamay ko na nakalatag lang sa unan. Nasa harapan ko na siya ngayon -- tulog na tulog ang bakla. Masyadong mahimbing ang tulog niya kaya naisipan kong hindi na lang muna siya gisingin.
Pinagmasdan ko na lang siya. ‘Yung mukha niya, ‘yung ilong niya tsaka ‘yung eyelashes niya. Napangiti ako nang tinititigan ang mga detalye sa mukha niya. Naaaliw ako kasi para talaga siyang totoong lalake. Sa bagay, lalake naman talaga si beki diba? Pero binabae lang ang puso.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. And I remembered something…
Third year college kami nung una kaming nagkakilala, at paano nga ba kami nagkakilala? Ganito ‘yon…
*Flashback*
Naglalakad ako sa daan nang biglang may lumapit sa akin na lalake. Hay, eto na namang lokong ‘to?! Sinabihan ko na kasi na hindi ako nagpapaligaw, ngunit anong nangyari? Andito parin sa harapan ko! Nasusuka na ako sa pagmumukha ng manliligaw—este ng stalker na ‘to e.
“Hi Ella!” sabi ng ugok na si Harry--- ‘yan ang pangalan niya. Ang dakilang manliligaw ko DAW na ilang ulit ko nang binabasted ngunit hindi parin ako tinitigilan. Malaking istorbo sa buhay ko! Nakakainis. Kung tutuusin, nasa kanya na lahat e. Makulit, nakakaasar, epal, istorbo—lahat ng ‘yan.
“O? May pa hi hi ka pang nalalaman! Umalis ka sabi e!” sigaw ko sa kanya sabay lakad ulit. Binilisan ko pa ang paglalakad ko.
“Ella naman! Sagutin mo na kasi ako!” hinila niya ang kamay ko tapos pinahinto ako sa paglalakad. Ngunitt inalis ko naman ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Sabi ko sa inyo e, makulit ‘to.
“Ano ba?! Ano ba harry!? Sinabi kong hindi ako pwedeng ligawan! Pwede ba!? Umalis ka na!” sagot ko sabay lakad ng malayo.
Maldita na kung maldita pero ayaw na ayaw ko talaga na may manliligaw sa akin. Ni ayaw kong magka boyfriend. Bakit? Kasi ang mga lalake--manloloko. Iisa lang naman ang gagawin nila e, papaasahin ka, sasabihin na mahal ka nila, uutohin ka hanggang sa maniwala ka sa lahat ng kasinungalingan nila! Pero sa huli, iiwan ka din nila. MANLOLOKO SILANG LAHAT.
“Bakit ba?! Ella! Mahal kita! Mahal na mahal kita Ella!” sambit ulit ng Harry-maw na nasa harapan ko ngayon. Hay, ang hirap talagang maka intindi ng isang to e! Leche lang diba?! Bwisit.
Hindi ko na siya pinapansin pa. Bahala siya sa buhay niya. Nakakainis. Nasisira ang araw ko.
“ELLAIZA UMALI!” sigaw ni Harry-maw.
BINABASA MO ANG
Aɴɢ Bᴏʏғʀɪᴇɴᴅ Kᴏɴɢ ℬᗩᗪiᘉḠ?! ♂♀ [Completed]
Truyện Ngắnʜɪ ʙᴇsᴛғʀɪᴇɴᴅ, ᴍᴀʏ sᴇᴄʀᴇᴛ ᴀᴋᴏ...ᴍᴀʜᴀʟ ᴋɪᴛᴀ! ᴘᴇʀᴏ ᴏᴋᴀʏ ʟᴀɴɢ ʙᴀ? ᴏᴋᴀʏ ʟᴀɴɢ ᴋᴀʏᴀ ɴᴀ ᴍᴀʜᴀʟ ᴋɪᴛᴀ? ᴋᴀʜɪᴛ ɴᴀ, ɪsᴀ ᴋᴀɴɢ ʙᴀᴋʟᴀ?