Haaa... hindi ko alam kung saan o kelan ko ba dapat simulan. Pwede kayang simulan ko sa katapusan?
Sabi naman nila endings daw are new begginings too.Pero nag aalangan ako. Nanghihinayang sa matatapos at natatakot sa magsisimula. Change is inevitable.. hindi maiiwasan..constant..nagiisang proof ng forever.. I know all of that..pero change is also the scariest thing in life.. I for one, am scared of change.. natatakot ako.
natatakot ako na baka hindi ako makapag adjust sa pagbabago.. baka hindi ko kayang harapin ang pagbabago.. baka hindi kayang yakapin ang pagbabago.. baka lamunin at malunod lang ako sa pagbabago..
Takot ako.. takot ako sa maraming bagay.. pero ang takot na to ang tumutulong sakin para patuloy na mabuhay..
dahil sa takot ko,mas madali kong napapansin kung may nagbabago.. dahil sa takot na to, natutunan kong wag tuluyang magtiwala ng buo sa ibang tao..