Droga

35K 54 15
                                    


🎶 "Bawat yugto ng sandali halos di ko alam

Naglalakbay ang diwa sa ligayang nakamtan

Gamot na bawal ay ayaw ko nang tigilan

Hinahanap-hanap ko at inaasam"🎶

Mahal naming guro Gng. Isabelita C. Bulala,

sa mga panauhin, at sa aking mga kaklase,

isang magandang umaga sa ating lahat.

Kabataan ang pag-asa ng bayan.

Payak na salita ngunit nagtataglay nang malalim na kahulugan.

Isang mainit na paksa sa ating bansa, ang droga

At maraming kabataan natin ang nadadawit dito.

Hindi lingid sa ating kaalaman na karamihan sa mga nasasangkot sa pinagbabawal na gamot ay ang ating mga kabataan. Ayon sa pagsusuri, isa sa limang kabataan ay sangkot sa pinagbabawal na gamot.

Hindi ba nila alam ang dulot nitong kapahamakan?

Patayan dito, patayan doon. Buhay ang kapalit ng isang paketeng kanilang ginagamit.

Paano nalang ang ating bayan kung mismong ang ating kabataan ay sangkot sa iba't ibang karahasan? Alak, sugal, droga at marami pang ibang masasamang gawi na sa kanila ay sumisira.

Paano nalang ang pangarap nang ating kabataan kung droga ay humahadlang?

Paano nalang ang ating bayan kung ang mismong ating pag-asa ay napariwara ang daan.

Ano ba ang dahilan at sila ay nalugmok sa ganitong kapalaran?

Tama bang sisihin natin ang kanilang mga magulang? Kapatid o kabarkada? O ang tadhana ba? O ang Diyos na nagkaloob ng biyaya?

Siguro iniisip ninyong magulang ang dahilan sapagkat sila ay pinabayaan. Meron din sigurong ang dahilan ay kahirapan kaya't droga ang naging kanlungan. Meron din nahikayat lamang ng mga barkada, nagrebelde sa pamilya, o sadyang wala lamang magawa sa buhay kung kaya natutong gumamit ng droga.

Ngunit ano pa man ang kanilang naging dahilan hindi pa huli ang lahat upang sila ay bumalik sa mabuting daan. Huwag nating hayaan na sirain ng isang pakete lamang ang buhay ng ating mga kabataan.

Edukasyon!

Edukasyon ang solusyon!

Edukasyon ang magsisilbing sandata natin kontra droga.

Sapagkat ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay kundi sa marami pang bagay.

Ang kaalamang natututunan natin sa pag-aaral ang magbubukas at magmumulat sa ating kabataan tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at nagbibigay sa atin ng pagkatuto upang labanan at iwasan ang masasamang gawi lalong lalo na ang droga.

Edukasyon ang nagdadala sa atin sa mga lugar kung saan tayo nararapat na magbanat ng buto.

Edukasyon din ang magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating mga karapatan at ang kaakibat na mga pananagutan sa bawat desisyon na ating bibitawan.

Tunay ngang napakalaking papel ang ginagampanan ng edukasyon sa buhay ng tao.

Bilang isang guro, hikayatin natin ang ating mga kabataan na magtapos ng pag-aaral. Huwag sana tayong maging bulag sa sarili nating bayan. Kumilos tayo kung kinakailangan. Bilang mamamayan ng isang bayang nagkakabuklod-buklod sa iisang wika. Tulungan natin ang ating mga kabataan na makabangon sa kanilang pagkakadapa. Nang sa gayo'y...
🎶 kinabukasan nila'y di mawala.🎶

Maraming salamat!

�������c�]�:��

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Talumpati (Droga) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon